Chapter 7

273 8 2
                                    

Chapter 7

Martir Nga!

 Sa tatlong araw palang na nakilala ko si Maxine eh para bang ang dami na agad nangyari, nung una, nahulog ako sa tricycle, pangalawa 'yung lahat ng nangyari sa condo at ngayon naman eh nagulpi ako. Ano kaya mangyayari bukas? Baka pinaglalamayan na ako.

Kahit sobrang sakit ng buong katawan ko dahil sa pambubugbog sakin nila PJ ay pinilit ko pa ding dumilat at bumangon, bumungad ang mga puting kurtina, dextrose at si Maxine na tila nakatulog sa pagbabantay sa akin hanggang napagtanto ko na lang na nasa ospital na pala ako.

Lumingon ako sa kaliwa at nakakita ako ng baso, gusto kong uminom kahit parang di naman ako nauuhaw, ayoko namang gisingin pa si Maxine para lang ipaabot yung tubig, kaya kahit sobrang sakit  ng buong katawan ko at hindi ko maiangat ang mga binti ko ay pinilit ko pa rin ito abutin, unang subok ko na abutin ang baso ay di ko maabot, pangalawang ulit, ayaw pa din, at pangatlo…

Ayaw mo talagang maabot ah!

Pinwersa ko ang sarili ko hanggang sa di ko natantsa ang pwersa ko at nawala ako na balanse, nahulog ako sa higaan at unang sumampal sa sahig ang mukha ko.

Sa pagkahulog ko ay tila naalimpungatan si Maxine at napatili bigla ng sobrang lakas at sa sborang gulat ko na din siguro ay napasigaw na lang din ako, nagtakbuhan ang mga doctor at nars na akala siguro ay nag-aagaw buhay na ako.

“Anong nangyari?” tanong ng doktor kay Maxine.

“Di…ko…din…po alam eh!” sagot ni Maxine.

“Akala ko naman eh kung ano ng nangayayari dito!”

“Dok! Tanong ko lang? Parang nag-eenjoy kayo mag-usap ah! Baka gusto niyo po ako i-angat sa kama pag may time kayo?!” angal k okay dok.

“Ay sorry boy! Nars! Nars buhatin niyo siya sa kama.”

Binuhat nga ako ng mga nars at chinek ang kalagayan ko, habang ang doktor naman ay nagpapa-pogi pa kay Maxine.

“Baka gusto niyo kaming tulungan dok?” angal ng isang nars.

Nang masigurado nilang okay na ako ay lumabas na sila ng kwarto ko pero si dok, aba kumindat pa kay Maxine at halatang sinakyan na lang ni Maxine ang trip ni dok hanggang bumalik pa si dok sabay sabing “call me, here's my number” sabay abot kay Maxine ng kapirasong papael.

Anak ng “%$! Naman oh! Pakapalan na lang talga eh no! May pa-call me call me ka pa, eh sa itsura niyong 'yan eh parang inaantay ka na ng kabaong sa bahay niyo, mas mukha ka pa nga atang matanda sa lolo ko sa kulugo eh (May ganun ba? xD)

Pinwersa na ni Maxine na palabasin ang doktor sa kwarto at ni-lock niya agad ang pinto at dali-dali din namang lumapit sa akin at kinausap ako.  

“Ba't ka ba nahulog?”

“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, bakit ka nahulog?”

“Huh? Why are asking me that, ikaw 'yung nahulog eh.”

“Don't English English me, you is nosebleeded me. Eh! Nalalayo tayo sa usapan! Ang ibig kong sabihin, bakit ka nahlog?”

“Huh? Di ko talaga maintindihan.”

“Ay tanga, ang ibig kong sabihin bakit ka nahulog sa kagaya ni PJ?”

Tila nag-iba ang anyo ng mukha niya na para bang nahihiya siya sa akin, nagsimula ng tumulo ang luha niya at na-upo siya sa tabi ko.

           “So-sorry, di dapat ki- -“bago ko pa man ituloy ang sasabihin ko ay nagsimula sa siyang magsalita sa malungkot at malumanay niyang boses.

Epic Fails from an Epic Face for an Epic YesWhere stories live. Discover now