2. True Family

9K 294 7
                                    

Aouie's Point of View.

*kriiing *kriiiing *kriiiiing

"Ang ingay naman ng alarm clock na toh." sabi ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ako kasi wala na si kuya Xander sa tabi ko. Wow!Isang malaking himala. Nauna siyang nagising sa akin.

Hindi ko na lang pinansin kung nauna siyang nagising sa akin. Pumunta na lang ako sa cr para maligo. Ang init na kasi ng panahon ngayon eh. Tag-init na.

Natapos na akong maligo. Nakapagbihis na rin ako. Habang nagbibihis ako ng damit ay bigla akong nakarinig ng isang sigaw ng isang lalaki. At kay kuya Xander na boses yun. Kaya aga-aga mainit na naman ang ulo.

"No!Hindi ako papayag na kunin niyo siya!" sigaw ni kuya Xander sa dalawang tao na kausap niya at si mommy and daddy.

"Mommy? Daddy? Sino po yung tinutukoy ni kuya Xander?" nagtataka akong nagtanong at napatingin sa kanila. Hindi ko sila kilala.

Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ng isang babae na hindi ko naman kilala. Baliw ata?

"Anak!!!Aouie?!" sabay yakap sa akin habang umiiyak. Pilit ko siyang inilalayo sa akin ngunit lumalaban ito upang mas yumakap sa akin ng mahigpit.

"Mom. Who is she?" sabay turo ko sa babaeng yumakap sa akin.

"Aouie. They are your true parents." malungkot na sabi sa akin ni mommy. Ano? Naguguluhan ako? Anong ibig nilang sabihin na- tunay ko silang mga magulang? Bakit walang nagsasabi na- No! It's not true. Gisingin niyo ako sa bangungot na 'to. Nagmamakaawa ako.

Parang gumuho bigla ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni mommy. True parents? Ibig sabihin ampon lang ako nila mom? Hindi ko sila tunay na magulang? Hindi ko tunay na kapatid si Kuya Xander? Ganun?Hindi ako nakapag-salita sa sinabi ni mom. Nagulat ako. Nalungkot ako. Sobra.

"Mom. Are you kidding me?" tanong ko ulit sa kanya at alam kong sa mga oras na yun ay handa nang lumabas ang mga luha ko sa mata ko. Sabihin niyang nagbibiro lang siya. Hindi naman ata magandang biro yan s araw na 'to. Umagang-umaga oh.

"Aouie ko. Sumama ka na sa amin."paki-usap ng babae sa akin. Naguguluhan ako napatingin dito. Nagmamakaawa.

"Aouie. Huwag kang sasama sa kanila. Please." pagmamakaawa sa akin ni kuya Xander. Kitang-kita ko ang luhang dumadaloy sa kanyang nangungusap na mga mata. Waring ipinapahiwatig na gusto niya pa akong makasama ng matagal.

That time, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa pagitan nila. Wala akong sapat na idadahilan kung bakit.

"Teka nga lang. Naguguluhan ako! Ano bang nagyayari?" sigaw ko ng malakas. Ano ba 'to? Kung trip nila akong sorpresahin ngayon, hindi sila nakakatuwa. Hindi ko kaarawan ngayon kung balak nilang manggulat. Dahil gulat na gulat ako sa mga rebelasyong naririnig ko.

Totoo ba tong nangyayari sa akin? Sapakin niyo nga ako. Naguguluhan na talaga ako ha. Shete! Pucha! Putang ina! Ang sakit sa ulo.

"Mom! Huwag niyo na pong ibigay si Aouie sa kanila. Ayaw kong mawala siya sa akin" pagmamakaawa ulit ni kuya kay mommy pero sa mga oras na yun ay mugto na kanyang mata kakaiyak.

"Ano?" pasigaw kong tanong sa sobrang pagkagulat.

Hindi ko inaasahan ang sinabi ni kuya. What is the meaning of this?

"Mom! Pinapamigay mo ba ako? Ayaw niyo na ba sa akin?" tumulo na ang leche kong luha sa mata ko. Ano ba kasi yan?

"Hindi naman sa ganun an-" pinutol ko na lang ang sasabihin ni mommy. Ayaw kong marinig ang rason niya kung bakit.

Inlove Ako Sa Kuya KoWhere stories live. Discover now