3. Goodbye Everyone

7.6K 269 5
                                    

Aouie's Point of View

Ngayong araw na ang alis ko. Doon na ako titira sa tunay kong mga magulang. Sobrang lungkot ko nga kasi mawawalay na ako sa kinagisnan kong pamilya. Nagulat nga ako nang malaman kong ampon lang pala ako. Hay.. buhay talaga noh? Mapaglaro. Heto ako ngayon sa kwarto, nag-iimpake ng mga gamit ko samantala si kuya Xander naman, Ayun! wala. Saan kaya pumunta ang mokong na yun?Aalis na nga ako wala pa siya. Nagtatampo tuloy ako sa kanya. Pagkagising ko wala na siya sa tabi ko.

Habang nag-papack ako ng things ko ay may biglang kumatok sa pinto

*tok *tok *tok

"Aouie. Anak? Can we talk for a while?" tanong niya sa akin mula sa labas ng kwarto ko.

Ramdam ko naman ang sincere sa boses niya kaya pinapatawad ko na siya. Sino ba kasing anak ang matitiis ang nanay? Diba?Aalis na nga ako, may tampo pa sa magulang. Mas mabuti na ang agahan ang pagpapatawad. Diba sabi nila "Nasa huli ang pagsisisi"

"Pasok po kayo mom."

"Anak. Im sorry sa mga nasabi ko sayo kahapon." sabi niya sa akin sabay upo sa tabi ko, sa kama.

"Mom. You dont need to apologize. Wala kang kasalanan. Ako nga dapat ang humingi sayo ng apologize kasi nasigawan kita kahapon. Sorry-"

"No! You dont need too. Kalimutan na lang natin ang nangyari kahapon. Ganun talaga ang buhay, maraming hindi inaasahang pangyayari. Pero kailangan mo pa ring dapat maging matapang sa lahay ng 'to. Harapin mo, kahit anong mangyari. Huwag kang susuko." pansin kong namumugto na ang mga mata ni mom, hudyat sa pagtulo ng luha niya.

"Ma naman eh! Huwag naman kayong umiyak. Baka mahawa ako nyan? Mapa-iyak na rin ako? Sige kayo,baka hindi ako matuloy?" biro ko naman para hindi kami maiyak.

"Thank you Aouie kasi dumating ka sa buhay namin kahit sa maikling panahon lang. Nagpapasalamat ako kasi kahit papano binigyan mo ng saya ang bahay na 'to."

"Thanks din mom! Kasi inalagaan niyo ako na parang tunay niyong anak. Salamat sa suporta niyo dahil hindi niyo ako pinabayaan. Mamimiss kayo ma." sabay yakap kay mom.

"Mamimiss din kita anak. I love you." that time ramdam ko ang pag-iyak ng pinakamamahal kong mama.

"I love you too." hindi ko na napigilang pumatak ang luha ko. Sobrang sakit pala ang mawalay sa piling ng pinakamahalagang tao sa buhay mo?

"Tama na nga tong drama!Dadami ang wrinkles ko nito eh!" biro naman ni mom at humiwalay na siya sa pagyakap.

"Ikaw talaga ma! Hindi ka pa rin nagbabago! Palabiro ka pa rin hanggang ngayon." bawi ko naman sa biro niya. Diba? May pangbanat din ako?

"Sige anak. Labas muna ako. Maghahanda muna ako ng lunch natin."

"Sige po ma. Alam na ma ha?" gets niyo ba ako? I mean yung paborito ko chicken curry gusto kong ipagluto niya ako. Ngayon gets niyo na?

"Oo naman! Basta ikaw." sabi ni mom sabay labas ng kwarto ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-pack ng gamit ko. Hindi ko mapigilang maluha kapag naaalala ko ang masasayang bagay noon. Alam kong mahirap na yun balikan.

Xander's Point of View

Nandito ako ngayon sa cafe resort. Nagpapalipas ng hinanakit. Ayoko munang umuwi sa bahay kasi ayokong makita si Aouie kapag umalis. Maiiyak lang ako kapag nakita ko siya.

"Sigurado ka bang ayaw mong makita si Aouie pag-alis?"tanong sa akin Juvia, ang girlfriend ko. Kasama ko nga pala siya dito sa cafe resort para may mapagkwentuhan naman ako.

"Ayoko! Baka kasi maging emosyonal ako kapag umalis na siya?" ako sabay inom ng kape.

"Eh bakla ka pala eh! Bakit ka pa naging boyfriend ko?" sigaw niya sa akin. Napatayo pa nga siya. Ayun tuloy, nagtinginan yung mga tao sa cafe resort.

"Ewan ko sayo. Manahimik ka na nga lang dyan." isnab ko sa kanya. Nakakainis kaya siya.

"Ba't mo pa ako niyaya dito kung ayaw mo akong makausap. Eh baliw ka pala eh!" problemado na nga ako dito tapos manenermon pa tong isang toh.

"Bahala ka nga sa buhay mo." sige! Iwan mo ako dito.

Aouie's Point of View

"Mamimiss kita anak." mom.

"Ako din ma. Pa, mamimiss kita! Kahit hindi tayo masyadong close." biro ko kay daddy.

"Pinapamukha mo pa sa akin na hindi ako malapit sa inyo ng mommy mo eh. Sige na nga!" dad.

"Heto namang si dad masyadong tampohero. Pinapatawa ko lang kayo eh. Pahinging ngang yakap dyan." request ko kay dad sana aalis na.

"Mamimiss kita dad."sabi ko kay dad.

"Bisita ka rin dito minsan anak ha." dad.

"Oo naman.Kung pwede lang araw-araw eh bibisita ako dito." biro ko naman para hindi naman sila maiyak.

Ako, kanina ko pa pinipigilang maiyak kasi ayokong makita sila mom and dad na umiiyak kapag umalis ako. Ayokong malungkot sila ng dahil sa akin.

"Wala pa po ba si kuya Xander?" tanong ko. Kasi hanggang ngayon wala pa si kuya. Kanina ko pa nga yun hinihintay. Nagtatampo tuloy ako sa kanya.

"Ayaw niya lang sigurong makita kang umalis." explaination ni mom.

"Ano ba yan? Aalis na nga ako, wala pa siya sa pag-alis ko. Nung nag-17 years old birthday ako wala rin siya."

Kasi nung past birthday ko hindi siya nakarating. That's my worst birthday ever. Hinintay ko siya magdamag sa sala pero inabutan na ako ng umaga dun walang dumating na kuya Xander ni anino niya man lang. Ang sakit kaya nun, naghintay ka sa wala.

"Sana maintindihan mo kuya mo?" naiintindihan ko naman siya. I understand what he feels. Hindi naman ako manhid noh.

"Naiintindihan ko naman si kuya." malungkot na tono kong saad.

Hindi ko na ako nakapagsalita ng sasabihin ko dahil niyaya na ako ng true mom ko na hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan.

"Tara na anak." yaya ng true mom ko.

"Bye ma."

Yun na ata ang last naming yakap. Nakakalungkot lang na makita silang umiiyak. Alam kong mahal na mahal nila ako. Napalapit na rin ang loob ko kila mom and dad lalo na kay kuya Xander. I will miss our laughs. I will miss there voices. Im will miss there hugs. Im will miss there kisses. Mamimiss ko kayo. I love you all.

Goodbye Mom!Dad!Kuya!Everyone!

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Inlove Ako Sa Kuya KoWhere stories live. Discover now