4. Meet Your New Kuya

7K 256 6
                                    

Aouie's Point of View

Nandito na kami ng true parents ko sa new home ko. Super laki. White na white. Na-amaze talaga ako kasi yung transparent wall nila ay may water na umaagos. Ang astig lang tingnan.

"Ah.. Tita?" Ano ba dapat itawag ko sa kanya? Tita? Mama? Ma?Mommy? or else Grandma? Char!

"Parang hindi mo naman ako mommy nyan sa tawag mo sa akin. Just call me mama. Ok?" okay. Gets ko po.

"Ok po mama." sabay smile ko.

"Ah! Dalhin na kita anak sa room mo." wow! excited na akong makita ang bago kong kwarto.

"Sige po." sang-ayon ko naman kay mama at hinila ko nang tuluyan yung maleta kong hila-hila kanina pa.

Pumasok na ako sa magiging kong room. Ang ganda.. May design na agad. Ready na talaga ang room ko. Ang sipag ah. Yung design lang naman kasi yung bed sheet is blue yung background tapos stars. Tapos kapag humiga ka na, sa kisame may planets and stars. Parang sa movieng miracle in cell .7. Ganun. Tapos yung cr ko salamin lang tapos may blue curtain.

Matapos kong ilibot ang mga mata ko yung buong room ko, tinapon ko na yung katawan ko sa kama ko. Ang lambot!Nakakapagod kaya yung naging byahe namin. Ang tahimik.

Hindi ko napansin naka-iglip na pala ako. Nagising na lang yung diwa ko nang may biglang kumatok sa pintuan ko.

*tok *tok *tok

"Sino ba yan? Ang ganda na ng tulog ko oh." and tuluyan na lang akong tumayo sa pagkakahiga.

"Anak, pwede bang bumaba ka muna?" bakit? Pwede bang dito na lang. Ang dami pang alam oh.

"Sige po ma. Sunod na lang po ako sa inyo." naghilamos muna ako bago bumaba sa sala. Baka may laway ako sa mukha or muta sa mata. Di kaya iba pang di kanaisnais na makikita sa mukha ko. Nakakahiya kaya yun.

Pagkababang-pagkababa ko pa lang may napansin na akong isang lalaki na nakaupo sa sofa. Kung makaupo 'to parang siga ah. Feeling nito! Teka, bakit parang hindi ko siya nakita kanina pagdating ko?

"Sino po siya ma?" tanong ko habang may point-point pa ng daliri dun sa lalaking nakaupo sa sofa na minsan hindi pa nalingon dito sa kinatatayuan namin kanina pa. Busy kasi siya sa panunuod ng tv. Pagpasensyahan mo na lang kasi.

"Sphade." Sphade? Sino siya?

"What mom?" Totoo ba 'to? This gonna be. Parang tumigil yung mundo ko? His handsome face. His killer smile. His kissable lips. His body figure. I like it very much.

"Aouie. Aouie." gosh! Tulaley na ata ako? Ano ba yan. Ang lakas ng tama ko sa lalaking 'to ah.

"Are you okay?" tanong sa akin ni mama habang hinihimas-himas ang likuran ko

"Ah. o-opo."

"So, Aouie. This is Sphade. Meet your new kuya." what the h! Totoo ba yung narinig ko? Kuya?Magiging kapatid ko siya? Oh no!Sayang naman.

"Ano po?" tinanong ko ulit si mama baka nagkamali lang ako ng dinig? Maganda na yung sure diba?

"Kuya. From now on, you'll call him Kuya Sphade. Ok?"

"O-okay." awkward kong sagot.

"Tsk." Ay! Snabero si kuya. Hindi man lang ako binati or something else man lang. Snobber ganun.

"Mauna na ako sa inyo. I need to work. Bye."

Nakaka-awkward naman dito. Walang imikan. Tanging boses lang mula sa tv ang naririnig ko.

Hay naku! Makakuha nga muna ng makakain.

"Hey! Ill be walking around the city all day, just to find you walking away. Right up from my heart. But I, I dont think i go on I. But I know--- Ay! Bakulaw na palaka!" Shocks! Nakakagulat namang Sphade na toh. Bigla na lang sumusulpot bigla.

"Why?" Nakakatitig pala ako sa kanya. Ano ba yan.Super awkward naman ang pangyayaring toh.

"Ah.. Eh.. W-wala. Oo, wala." ano ba yan. Masyado ka nang napaghahalataan. Baka mabuking kang may crush ka sa kanya? Yap! Crush ko ang kuya ko. Inaamin ko, crush ko siya. Love at first sight kung baga. Crush lang naman.

"Gusto mo ng chips?" alok ko pero palpak! Hindi niya tinanggap. Snobber talaga.

Ano bang buhay 'to? Bakit dito pa ako napunta? Ang dami-daming pamilya dyang nawalan ng mga anak. Bakit dito pa? Pero okay na rin yun basta meron na akong bagong kuya. Meet new person kung baga.

***

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at walang magawa. Ano ng mangyayari sa akin nito? Paano yung bakasyon ko? So boring na lang. Huwag namang ganun.

*tok *tok

"Sir Aouie. Mag-didinner na raw po sabi ni ma'am." pakiusap ng katulong namin mula sa labas ng kwarto ko.

"Pakisabi na lang pong bababa na ako. May ginagawa pa kasi ako." sabi ko na hindi naman talaga totoo.

After a while, bumaba na nga ako para kumain ng hapunan kasi medyo nagagalit na yung alaga ko dito sa tyan. Grrrrrr..

"Good evening ma. Kamusta po work?" bungad ko dito pagkababa na pagkababa ko pa lang.

"Okay naman anak. Medyo nakakapagod lang."

"Ma. Huwag naman po kayo masyadong magkapagod baka magkaroon po kayo nyan ng wrinkles. Sige kayo dyan, magmumukha kayo dyang matanda." biro ko kay mama na naniwala naman siguro kasi hinawakan yung mukha niya.

"Ganun na ba ako katanda?"

"Hindi naman ma. Medyo lang."

"Tsk." hala. Ang KJ talaga nito kahit kailan. Ang snobber niya. Ibang-iba siya kay kuya Xander.

"Anong problema mo dyan. Hindi ikaw ang kinakausap ko dyan. Kaya please shut your mouth."

"Akyat muna ako ma. I need to rest." Buti nga. Napahiya ko siguro. Ah! Pahiya.

"Bakit laging ganun yun?"

"Ewan ko nga dun sa kuya Sphade mo. Hindi naman ganun yun dati. Naging ganyan lang yun nang dumating ka na dito." Ah!Ako pala ang dahilan kaya siya nagkaganun? Ang kapal ng mukha ah. Ako pa talaga ang dahilan kung bakit siya ganun?

"Ma, akyat po muna ako sa kwarto. May gagawin lang po ako." maniwala ka naman ma?please...

ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

Inlove Ako Sa Kuya KoWhere stories live. Discover now