chapter 7

1.1K 25 0
                                    

Annalyn's POV:

"Nak gising na, tayo kana dyan uy" pag mulat ko ng mata ko nakita ko ang mama kong nakangiti sakin "hi ma, Good morning " bati ko sakanya.

"Good morning din baby tayo ka na dyan" "opo" sagot ko at umalis na sya.
Tiningnan ko ang wristwatch ko 6:30am palang pala. Hays inaantok pako. Pero bawal ng mag babad sa kama. Tradisyon na kase namin yun na tuwing araw ng mga patay ay nag titinda kami kasama sila kuya Adrien at Kuya Jec pero I'm not sure kase kung makakauwi si kuya Jec kase busy daw siya ang daming projects sa company nila. 

Naligo muna ako at nag ayos para handa nang mag bantay. 

Nang makapunta nako sa pwesto namin ay nandon na si kuya Adrien nag bebenta na siya don. "Wow mukang madami kanang napag bentahan kuya ah" Pag bibiro ko sakanya. Close kami niyan kaya napag kakamalan din kaming mag jowa minsan. "Syempre bunso gwapo ang nag titinda e" Pag aangat niya ng sarili niyang bangko. "Sus kuya kapal ng mukha mo HAHAHAHHA" sabi ko pa dito. 

Mga bandang hapon ng dumating si kuya Jec sa pwesto namin kaya nagulat kami ni kuya Drien "Oh bro akala ko ba hindi ka makaka uwi?" Tanong ni kuya Adrien "Ako paba? Hahahaha gusto ko kayong i surprise e saka miss ko narin si mama at si bunso" "Aww I miss you too kuya"

 "Luh hoy ako hindi niyo na miss? mga bwiset tong mga to" Pag rereklamo naman ni kuya Drien "Hindi" sabay naming sagot ni kuya Jec kaya nag tawanan kaming dalawa at sumibangot naman si kuya Drien Hahahahah pikon e "Kayo talagang kamabal ko, Napag tripan niyo nanaman ang kapatid niyo" sabi ni mama habang nag titinda. Kambal ang tawag samin ni mama kase mag ka mukhang mag ka mukha talaga kami ni kuya Jec. "Lilibot ako mamaya ha" pa alam ko sa mga kuya ko "Sino ka date mo?" tanong nila sakin kaya napakunot naman ang noo ko.

  "Hoy ala akong ka date, single ako duh" sagot ko naman sakanila " Asusss hindi maka move on kay Nathaniel" pang aasar pa nila "Tunay kuya kaya kahit madaming manliligaw yan panay bina busted " "Tapos ang sungit pa no? HAHAAHA hay nako Lyn move on na" 

Inirapan ko naman silang dalawa. Kilalang kilala talaga nila si Nathan first boyfriend ko ba naman ay ex pala. Ilang buwan na nga ba kaming hiwalay? ay basta hahahah change topic sa ngayon  ayoko talaag munang mag entertain ng kahit sino okay nako sa pa crush crush lang, saka nalang ulit kapag handa nako.  Saka bata pako e, May makikilalat makikilala pakong mas better at swak na swak sakin. 


"Ma, kuyaaa alis na po ako" pa alam ko sakanila "Ingat ka anak ko" "Ipakilala mo na samin agad ka date mo ha?" "Sundan ka namin mamaya" rinig kong sabi nila kuya mga baliw talaga e.  Agad ko namang natanaw sila Rina at Wilson kasama sila Joyrizz, yung gf ni Wil na si Leila saka yung isa pa nilang kasama hindi ko knows, pero sa pag kaka alam ko pinsan to ni Wilson.

"Lyn si Covy pala pinsan ko" pag papakilala sakin ni Wil sa pinsan niya tinanguan at  nginitian ko nalang siya. Cute niya ha. 

Nag kwentuhan lang kami ng nakakatakot tas tong si Rina naman kapit na kapit sakin Hahahah kahit kailan talaga tong isang to. Buti naman ala si yabang diko nakita kundi hayyys grabe talaga inis ko sa taong yun.  Buti nalang kahit papano nakaganti ako sakanya kahapon ahahhaha deserve!


"Uyy guys uuwi na daw kami" pag papa alam samin ni Joyrizz sa amin. 

"Uyy ba bye ingaaat kaaa" pag papa alam namin sakanya. Grabe parang ilang minuto palang kami mag kakasama pero ang totoo ilang oras narin grabe super bilis ng oras talaga matatapos nanaman ang november 1, Uuwi na niyan ulit si kuya Jec sa America. 

"Guys pupunta lang ako kila mama ha? Hinahanap kasi nila ko babalik din ako" pag papa alam samin ni Rina. Tumango nalang kami bilang pag sang ayon sakanya saka nag ba bye. 

Bale kaming apat nalang nila Leila ang natira. Grabe ang dalawa HHWW, Holding Hands While Walking Hahahahha gawin daw bang rizal park ang sementeryo joke ang bitter ko. 

Dahil may pag ka pilya ako binulungan ko si Covy para taguan ang dalawa. Agad naman itong sumang ayon sa nais ko saka hinila naman niya ako patakbo upang makapag tago kaming dalawa. 

Dugdugdugdug

Uhm? what's wrong with my heart? Pagod naba ko kakatakbo? Pero now lang naman ako tumakbo mula kanina e. This feeling is so weird ha! "Okay na siguro dito mejo malayo nato sakanila" sabi niya saka ako nginitian

Dugdugdug

Hindi ko nalang pinansin ang puso ko at nginitian nalang din siya. "Ang ganda mo pala talaga no?" pag puri niya sakin na ikinapula ko naman. Grrr ano bang nangyayari hindi naman ngayon lang ako sinabihan ng maganda ng ibang tao pero yung pag sabi niya kase ibang iba hayyys ano ba tong nang yayari? Nasaan na ba ang dalawa huhuh sana makita niyo na kami sige naaa na a awkwardan ako sa taong to huhuhu.

"Ayieeeeeee nag da date ang dalawa" panloloko samin nila Wilson at Leila. Kaya nabitawan ni covy ang kamay ko. 

Kanina paba yun nakahawak sa kamay ko? 

Nakita kaya nila Wil yun hayyys baka sabihihn pa ng mokong nayun na type ko ang pinsan niya hell no!  "Tara na guys ?? Foodtrip na tayo? Maki kain kana samin Lyn mukang di na babalik si Rina" Yaya ni Wilson samin. Tinanguan ko nalang sila bilang pag sagot ko. 

Ewan para akong nanlata okay naman ako kanina sa totoo lang. Hanggang sa makarating kami doon sa place ng puntod ng lolo ni  Wilson at Covy kaya umupo na kami sa bermuda grass. "Hoy okay kalang? Kanina kapa tahimik" Bati sakin ni Lei nginitian ko naman siya bilang pag sagot ewan ayaw ko mag salita para kong nanlalata. "May nasabi ba akong mali?" mahinang tanong sakin ni Covy sapat para marinig ko lang ewan ko kung narinig din ng dalawa. "Ha?" "Ang sabi ko may nasabi ba kong mali? Kase kanina okay kapa ang hyper mo pa tapos nung tinaguan lang natin yung love birds bigla ka tumahimik" Dagdag pa niya. Tinaasan ko lang si ng kilay na ikinatawa naman niya. "Sungit ah" pag bibiro pa niya sakin. "Baka sa pagod lang, ang dami rin kaseng bumibili kanina kaya siguro nakaramdam ako ng pagod ayun parang nang lalata" "Kaya pala Hahahah kala ko ako na may kasalanan e" Tumatawang sagot neto. 

Dugdugdug

Cute mo pag tumatawa o naka smile

"Sure kabang okay kalang?" Tanong niya pa "A little bit tired but I'm fine" "Gusto mo hatid na kita senyo?" "Nah I'm okay mamaya na kumakain pa tayo e" "Ganyan ka talaga?" tanong niya sakin kaya tinaasan ko ng kilay "Masungit? or sakin lang? Hindi kaba tinatablan ng charming ko?" tanong niya sakin saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko .

Dugdugdug

"In your dreams!" sabi ko sakanya saka ko tinulak ang mukha niya papalayo sakin. "Hahahaha eto naman joke lang e masyadong masungit peace tayo, wag mokong sungitan mabait naman ako" "AYIEEEE" panunukso pa ng mag jowa. Nag make face nalang ako sakanila at nakipag kwentuhan nalang ulit kay Covy kase busy den yung dalawang mag harutan. Kahit yung puso ko patuloy sa pag tibok ng malakas G paden sa pakikipag kwentuhan. Ewan ko kung anong nangyayari sa puso ko napaka weird talaga nito ngayon. 

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now