Chapter 45

507 20 0
                                    

Khiel's POV:

Hays naasan na ba yung si sungit? Tsk sabi ng huwag siyang aalis dito e.

Well eto ako ngayon hinahanap kung saan nag suot ang babaeng masungit na yun. 

Kahit kailan talaga yung babaeng yun kala mo kabute, bigla bigla nalang nag lalaho sa paningin e, tapos mamaya susulpot.

Pumunta ako sa likod ng resort, nag babakasakali na nandoon siya.

Pero ibang tao ang hindi ko inaasahang muli kong makikita

"Cindy" "Christian " sabay naming bangit sa pangalan ng isa't isa.

Bakit kung kelan handa nakong kalimutan ka, doon pa kita makikita.

Yup si Cindy nga, ang ex ko, Ang babaeng hanggang ngayun ay mahal ko pa  

"kamusta kana?" Tanong niya saakin. "I'm good"

"You've really change ang gwapo mo lalo" Nakangiting sabi ni Cindy.

Gumanda din siya lalo and she looks so perfect on her pink dress.

"Kelan ka pa naging bolera ha" pag tanong ko sakanya "Hindi ba pwedeng nag sasabi lang ng totoo?" Tumatawang sagot nito.

"By the way why are you here? Are you with your boyfriend?"
Panibagong tanong ko sakanya, kaagad naman siyang umiling "Matagal na kaming wala non, saka dito na ako ulit sa baguio mag aaral, mag kakasama na ulit tayo"  Sagot naman niya na nakapag pabago ng mood ko.

Gusto kitang yakapin Cindy, Gusto kitang yakapin ng sobrang higpit.

Kaso baka kapag ginawa ko yun hindi na kita mapakawalan, baka hayaan ko nalang na mag pa katanga ako ulit sayo.

Pero ayaw kong mang yari ulit yun Cindy, tama na yung isang beses na nag pa ka tanga ako sayo. Sapat na yung isang beses na hinayaan kong maubos ako nang dahil lang sa pag mamahal sayo.

"I miss you Chris, I miss you a lot"  She said while smilling at nangingilid ang luha.

Hindi pako nag sisink in sa utak ko ang nangyari nang may biglang tumabi sakin at umangkla sa braso ko, pag katingin ko sa kung sino man yun ay nagulat ako dahil si sungit ang nakita ko.

"Let's go home? I'm tired" sabi sa akin ni sungit

"W-who is she?"

"Girlfriend ko nga pala" sagot ko saka ko inakbayan si sungit, bakit parang gumaganda lalo sa paningin ko tong masungit nato?

Kung ikukumpara ko siya ngayon kay Cindy, hindi hamak na mas maganda si sungit.

Nakita ko naman ang naging reaksyon ni Cindy, nakakunot ang noo niya pero kaagad din siyang ngumiti nang mag pakilala na sakanya si sungit.

Annalyn's POV:

"Lyn? Nasaan na nga pala si Khiel? Bakit hindi kayo mag kasama?" Tanong sakin ni tita Mylene habang nag lalakad kami papunta sa likod ng resort, doon sa maraming pwedeng pa picturan, sabi kase niya e picturan ko siya pang palit daw ng profile picture niya sa Facebook.

Nag palinga linga naman ako sa paligid at saktong nakita ko naman siya, at kahit nakatalikod siya alam kong siya yun dahil ayun yung binili kong damit kanina sa labas. May kausap nga papa siyang babae.

Siguro kaibigan niya rin to

"Ayun po oh tita, may kausap na babae" sabi ko kay tita Mylene, kaya kaagad naman siya tumingin sa direksyon nila yabang 

"Cindy?" bulong ni tita sa sarili nya pero narinig ko naman.

"Ano po yun tita?" Pag ku kunwari kong hindi ko narinig

"Si Cindy ang kausap ni Khiel, Go na Annalyn, lumapit kana sa kanila" sabi niya sakin saka niya ko tinulak  para mag lakad, pero nag stay parin ako kay tita Mylene.

"Pero tita hindi ba pwedeng hayaan muna natin silang makapag usap, He's still inlove with Cindy po" pag papaliwanag ko.

"No Annalyn! You're Khiel's present girlfriend Annalyn" sabi pa niya na nakapag sibangot naman sakin.

"Tita, Alam niyo naman pong nag papanggap lang kami ni Yab---, I mean ni Khiel"

"Kahit na, Anong sasabihin ni Mama Mercy kapag hinayaan mo lang yang dalawa, Saka kahit alam na ni mama na nag papanggap lang kayo magagalit si mama, kapag nakitang kasama ng apo niya si Cindy"

"Pero tita"

"Sige na Annalyn, before it's too late lapitan mo na"

Hindi nako nag matigas pa at lumapit narin ako kala yabang 

"Let's go home? I'm tired" sabi sa ko kay yabang saka umangkla sa braso niya, kaagad naman niya akong tinapunan ng tingin na tila ba'y naka kita ng multo. 

"W-who is she?"  Utal na tanong ni Cindy

"Girlfriend ko nga pala" sagot ni yabang saka ako inakbayan, pansin ko naman na napakunot ang noo ni Cindy sa sinabi sakanya ni yabang.

"Hi! I'm Annalyn" pag papakilala ko sa sarili ko na nag pa ngiti sakanya.

Psh plastic ng ngiti, halatang bitter sakin.

"You must be Cindy right?" Nakangiti kong sabi sakanya.

Gusto ko siyang ngitian ng ngitian para makita niya ang nakakasilaw kong nag puputiang ngipin.

"So hindi ko na pala kailangan mag pakilala, 'cause you already knew me" mataray na sabi niya with matching pataas taas pa ng kilay.

Ako pa talaga ang napiling pag malditahan ng isang to, baka pag pinakita ko na sakanya ang sungay ko lumuhod nalang siya sa harapan ko, e wala pa nga yata siya sa kalingkingan ng kamalditahan ko no.

"Whatever" nakangisi kong sagot sakanya.

"Pero sige, let me introduce my self again, Hi! I'm Cindy" pag papakilala niya sa sarili niya saka nilahad ang kamay niya na para bang makikipag shake hands, kaya tinapunan ko ng tingin ang kamay niya.

"Ay sorry, baka kase madumihan ang kamay ko" Pang aasar na sabi niya

Pahiya siya, akala niya siguro makikipag shake hands ako sakanya

"Hahahaha you're funny,  but don't worry hindi ako makikipag shake hands sayo. Wala akong balak, at isa pa allergic ako sa plastic" sagot ko sakanya saka ko siya nginisian.

Nakita ko naman ang pag ikot ng mata niya sa kawalan.

"Anyways Cindy, we need to go. Please excuse us" pag papa alam ko kay Cindy saka nginitian siya ng may nakakalokong ngiti.

"Let's go" pag aaya ko kay yabang saka na nag pati una sa pag lalakad papuntang cottage.

"Bakit naman ang sungit mo?" Tanong sakin ni yabang nang makabalik na kami sa cottage.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang pag sagot sakanya.

"Selos ka?" Tanong niya na nakapag pakunot ng noo ko

"What?"

"Yie nag seselos siya" Pang aasar niya pa sakin

Selos your face yabang

Napa buntong hininga ako bago mag salita "Kung si Covy ka sana, then siguro oo mag seselos ako. Dyan kana nga tatawagin kona ang mga bata"

°°°°°

A/n: Happy 605 reads hihihi thanks God ;) heya guys thank you po sa pag support ng story ko hihihi maraming maraming salamat po talaga =)

-Ms. Author 2015

Mr. Yabang meets Ms. Sungit (COMPLETED)Where stories live. Discover now