Chapter 6

90K 1K 49
                                    

Kath's POV

"Kath..." Pagpasok pa lang ni Julia ay niyakap ko na agad siya at humagulgol.


"Kath tahan na." Hinaplos ni Ella yung likod ko at pinapatahan ako.


"Bakit ganon? A-ako yung palaging nandiyan p-para sakanya. Pero ang l-layo layo ng tingin niya. I mean, g-ganon ba talaga siya kamanhid? H-hindi niya ba n-nararamdaman na nahihirapan din ako? Na n-nasasaktan din ako sa mga p-pinag gagawa niya. H-hindi naman ako ganito n-noon ah? May mga niligawan n-na siya noon, hindi ako n-nagpapaapekto. P-pero bakit ngayon? Bakit ngayon ko lang naramdaman ang s-obra sob-sobrang sakit. Pero bakit g-ganon? K-kahit minsan nararamdaman 'kong gin-ginagamit niya lang ako, para l-lang may magawa s-siyang assignment o kahit p-panliligaw man yan, b-bakit hindi ko ka-kayang magalit. Bakit Y-Yen?" Halos hindi na maintindihan ang mga sinabi ko kasi kinakain ko yung mga salita ko.


"Kasi mahal mo." Tatlong salita na nag paiyak saakin lalo.


Humiwalay ako sa yakap ni Julia at sumandal sa sink namin at tinakpan ang mukha ko. Ayoko kasing makita nila akong nagkakaganito. Ayaw kong makita sa mga mata nila ang awa. 


"Kath alam ko na hindi kaya ng kahit ilan pa yang band-aid ang puso mo. Pero ito lang ang masasabi ko at palagi kong sasabihin sa'yo. Itatak mo 'to sa utak mo Kath. Wag na wag ka magpakita na nahihirapan o nasasaktan ka. Handain mo na yang puso mo kasi alam kong hindi lang ito ang haharapin mo. Paghandaan mo Kath, kasi ayokong makita kang nagkakaganito. Kasi masakit para saamin na umiyak ka. Kaya tahan na." Hinila ako ni Yen at niyakap. Sumali na din si Ella at Julia.


"Kaya wag ka nang umiyak Kath. Ang pangit mo eh. Last mo na yan ah?" Julia.


Napatawa nalang ako, pero nang dahil sa pagtawa ko ay lumobo yung sipon ko.


Lumayo sila saakin.


"EW! Ikaw na nga kinocomfort ikaw pa 'tong namimigay ng sipon. Ew!" Ella.


Natawa nalang kami sa reaksyon ni Ella.

__________________


Nasa labas na kami ng room.  Buti nalang at wala pa yung first teacher namin na si Ms Reyes. 


Tinignan ko sila at tinignan din nila ako. Inayos ni Ella ang buhok ko na parang binagyo kanina sa CR. Nilagyan din ako ni Bes ng concealer para hindi halata ang namamaga 'kong mata. 


"Handa ka na ba?" Tanong ni Yen.


"Magiging sinungaling lang ako kapag sinabi 'kong 'Oo'"  Ngumiti nalang ako ng pilit.


Ngumiti nalang din sila sa'kin at binuksan ang pinto papasok. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

 

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now