Chapter 29

82.9K 1K 181
                                    

Wish granted dear :)

@DreamingOf Paris

Those who wants dedication just message me in my message board :)

Enjoy :)

________________________

Kath's POV


Lunes  na ngayong at ngayon na namin i-peperform ang performance namin for music. Nandito ang buong klase na auditorium kasi dito sinet ni Sir Billy ang iabgn music instruments in case na gagamitin daw ito.


"Madam binigay ko na ang USB kina Edward. Sila nalang daw ang bahala don. Tapos yong rap na part ay pinolish ko nalang para mas clear siys. Tapos yo- Teka okay ka lang?" Tinignan ko si Kats at tumango nalang.


"Namumutla ka. Kinakabahan ka ba?" HInawakan niya ang kamay ko na sobrang lamig ngayon. Tumawa siya kaya tinignan ko siya ng masama, "Wag mo akong ma tawa tawa." Kinagat niya ang labi niya pero nanatili pa rin ang ngiti niya.


Hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa tinawag na ang next performer.


"Ok next up! Daniel Padilla and Michelle Vito! Let's give them around of applause!" Pumalakak ang buong klase. Parang nawala bigla ang kaba ko nong nakita ko na umakyat sina Dan at mich sa stage. Unang umakyat si Mich at nakasunod naman si Dan sakanya. Buong eksena ay nakahawak lang si Dan sa baywang niya kaya umiwas nalang ako ng tingin.


Mas gusto ko pa yong nararmdaman kong kaba kanina kaysa ngayon na naiinis o nasasaktan.


Narinig ko ang pagsimula ni Dan kaya hindi ko maiwasan ang pagtingin sakanila.


Ikaw na ang may sabi na akoy mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y 'di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo


Titig na titig siya kay Michelle habang sinasabi ang linyong iyon. Kinagat ko ang labi ko.


Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam tayo'y nagsumpaan


Sobrang lambing ng boses ni Mich. Sobrang ganda kaya hindi ko maiwasan na mainggit. 


Buong kanta ay titig na titig lang sila sa isa't isa. PArang wala silang ibang nakikita kundi ang sia't isa, walang ibang tao na nakapaligid kundi sila lang.



Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang


Umiwas ako ng tinign nong natapos nila ang kanta. Kinunot ko ang noo ko.


"Madam..." Nilingon ko si Kats at nginitian siya, "Okay lang ako." 


Tumingin ako sa harap at nakinig nalang sa comment ni Sir Billy sakanila. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kats sa kamay ko. Tinignan ko sia pero tumingin na siya sa harap at nakinig.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now