Roxanne's POV
Sino naman tatawag ng ganitong oras?
Kinapa ko yung cellphone ko.
Incoming call...
>> Raven"Good Morning." Sweet voice mula sa kanya
"Hmm. Good Morning din, aga mo napatawag ah?"
"Halatang bagong gising ka lang,
5:30am na 7am pasok mo. Bangon ka na."Napangiti naman ako, first time may gumawa sakin ng ganito. Yung tipong tatawag sakin ng ganitong umaga para lang gisingin ako. Haha.
"Gising ka pa? Baka tinulugan mo nako ah?" Tanong niya sakin.
"Hahaha. Hindi ah. Nga pala anong oras pasok mo?"
"7:30 pa pero kung gusto mo sabay tayo."
"Sige sabay na tayo, pero mga 6:30 ka pumunta dito sa dorm."
"Eh baka di ka pa nakakakain nun?"
"Sabay na tayo magbreakfast."
"Talaga?"
"Oo dito ka na kumain ah? Magluluto ako."
"Sige. Sige."
"Kikilos nako, bye."
"Okay, byeeee."
*End call*
Kathleen's POV
Hawak ko yung phone ni DJ. Sakin muna to habang magte-training siya para sa basketball game nila mamaya. Nagscroll ako ng messages niya at merong message dun galing sa unknown no. kaya na-curious ako kung sino at ano yung message. Pero bago yun, nabaling yung atensyon ko kila Roxanne at Raven na nasa unahan kong naglalakad.
"Roxanne, sabay tayo maglunch mamaya. Sunduin kita ha?" Raven
"Sure. Anong oras ba yung break mo?" Roxanne
"12. Diba 12 ka din?" Raven
"Ah oo. Sige kita tayo maya." Roxanne
Edi sila na, magkita sila hanggang kelan nila gustong magkita at magsama. Lumiko na sila, for sure ihahatid nun ni Raven si Roxanne sa next class niya. Alam ko yun, kase ganun laging routine namin ni Raven nung kami pa. Pero ako umupo muna ako sa bench.
Roxanne's POV
"Magfa-finals na. Imbis na puro love life atupagin natin magaral muna tayo. Pwede ba yon guys?"
"Basta naman kasi nandito si Heart sa harap ko inspirado nako magaral." Nakangiting sabi ni Chace
"Kakasabi lang ni Roxanne diba, wag puro love life? Tsk." Sheena
"Eh ano bang kalokohan yang pinagsasasabe mo? Wag moko pagtripan pwede?" Sabi ni Heart habang nagbabasa ng handouts.
"Kung alam mo lang Heart! Hindi kalokohan to. Dahil kung wala ka, kulang yung pagkatao ko. Aanuhin ko pa yung talino ko kung wala namang tulad mong bumubuhay sakin?" Chace
"A-anu ba yan. Tigilan mo nga yang panti-trip mo di bagay sayo." Halatang nao-awkward'an si Heart kasi konti nalang yung distansya nila sa isa't isa at syempre dahil sa eye to eye contact nila
"Di naman kasi trip to. Dinadaan ko man sa biro pero seryoso ako." Chace
Yung pwesto namin, magkaharap si Chace at si Heart. Si Sheena katabi ni Chace tas ako katabi ni Heart. Although naririnig namin yung dalawa kunware abala kami sa pagbabasa. Pero nagbabasa naman talaga kami, pero syempre di mo naman maiiwasan di marinig. Haha! Tska gusto kasi ni Chace na nandun kami para di siya kabahan lalo. Mas mape-pressure daw kasi sya kung silang dalawa lang. Hindi niya kasi madadaan sa biro, di tulad pagkasama kami.
"Ahmm. Bakit mo naman sinasabi yan saken?" Tanong ni Heart
"Gusto ko lang malaman mo."
"Tss. Magaral na muna tayo."
"Pero sana bigyan moko ng chance."
"Alam mo Chace, hindi kasi kita maintindihan. Di ko alam kung seryoso ka ba talaga o kasama lang ba to sa mga trip mo? Sorry ha? Di ko naman kasi maiiwasan hindi magtaka, kase hindi naman ako sanay na ganyan ka." Malumanay na sabi ni Heart
Pagkasabi niya nun, magsasalita pa lang dapat si Chace kaso dumating si Dave.
"Hmm. Excuse me, Heart hinahanap daw tayo ni Sir." Dave
"Ah sige, Guys una na kami ah? Kita nalang tayo mamaya." Heart
"Sige ingat." Sabi namin ni Sheena
"Ahmm. Ano.. Chace.. Usap nalang tayo maya." Sabi ni Heart bago sila umalis ni Dave.
Pagkaalis nila, nakikita ko kay Chace na nalungkot siya, yung tipong nanghinayang. For sure kasi may gusto pa siyang sabihin.
"May chance ka mamaya, paghandaan mo yun ah? Good luck. Alis muna ako guys." Sabi ni Sheena
"San ka pupunta?"
"Pupuntahan ko muna yung bf ko. Charooot hahaha."
"Meron ka bang bf?"
"Keme lang yun. Haha. Manonood lang ako ng laro ng basketball nandun yung crush ko eh."
"Tss. Sige na, bye."
Umalis nadin si Sheena. Tignan mo nga naman. Limang minutong review lang ginawa. Hayst.
"Nawawalan nako ng pagasa kay Heart." Sabi ni Chace
"Umpisa pa lang yan, sumusuko kana agad."
"Hay, di ko kasi alam gagawin ko eh. Di naman siya naniniwala sakin, kahit na nagsasabe naman ako ng totoo."
"Kasi tulad nga ng sinabi niya, di mo siya masisisi kung magtaka man siya sayo o di siya maniwala kase naninibago siya, hindi siya sanay na ganyan ka."
"Oo nga, nandun na tayo eh. Kaso sana bigyan niya ko ng chance."
"Bakit hindi ka ba niya binigyan ng Chance?"
"Hindi."
"Hayst Chace, nakakainis ka. Maging attentive ka nga, binigyan ka niya kaya ng chance."
"Wag mo nga ako paasahin."
"Nung sinabi niya na magusap kayo mamaya, CHANCE na yun."
"Eh baka naman umeksena nanaman yung Dave na yun. Wrong timing eh."
"Oh basta, wag kana negative thinker. Okay? Magusap kayo para magkalinawan kayo ng feelings niyo.""Sana. Sana maging okay yung resulta."
"Basta ang importante sa ngayon, binigyan ka na niya ng Chance na pagusapan yung tungkol sa inyong dalawa."
KAMU SEDANG MEMBACA
If You Love Me Back (Completed)
RomansaDate Started: September 29, 2015 Date Completed: July 2, 2017 What if in a relationship ka sa taong mahal mo pero nagiging cold na yung turing sayo? Yung feeling na ikaw lagi umiintindi sa kanya, lahat ng efforts gagawin mo para hindi masira yung re...