CHAPTER 2

115K 2K 20
                                    


BRYLE'S POV

Nakatayo sa harapan ko si Daniel kasama ang pinaka gwapong babaeng nakita ko sa buong buhay ko, hindi ko magawang alisin ang mata ko sa kasama ni Daniel.

" President Bryle... sya ang kapatid ko si Danica Castro... sya ang sinasabi kong magiging pansamantalabg kapalit ko bilang EA nyo."

" Sigurado kang kapatid mo to.?" sabi ko.

" Yess boss... heto ang resume nya."

At iniabot sa akin ni Daniel ang brown envelop na hawak nya.

Tiningnan ko iyon at napailing ako sa nabasa ko.

" Niel... hindi ko sya matatanggap.. shes over qualified for the job." at ibinalik ko kay Daniel ang envelop.

" See kuya... yan ang problema ko kaya wala akong makuhang trabaho after a month of job hunting... uwi na tayo..." sabi ng babae no tomboy pala na nasa harap ko.

" Danica..." pigil ni Daniel sa kapatid nya.

" Its Dani kuya..." sabi ni Danica na pinatigas ang boses.

" Sorry Dani..."

" Boss... tanggapin nyo na sya... kahit ganyan ang resume nyan kaya nya namang gawin ang mga trabaho ko... kaya nyang magtimpla ng kape... magluto... mghugas ng pinggan... maglaba... at maglinis ng condo mo."

Biglang binatukan ni Dani ang kapatid nya,

" Ano ka ba... akala ko ba EA ang inapplayan ko dito at hindi katulong...uuwi na talaga ako."

Na amuse ako sa dalawa... best friend ko si Daniel ang alam ko babae ang kapatid nya minsan ko na itong nakita noon ng isinama ako ni Daniel sa bahay nila para kunin ang project namin na nakalimutan nyang dalhin, at napakaganda ng kapatid nya na nakita ko noon sa bahay nila nagka crush nga ako noon sa kanya kaya hindi ako makapaniwala na naging tomboy sya sayang naman.

" Sandali lang sis..."

" Bro..." pagtatama ni Dani.

" Okey bro....sinabi ko lang yun para malaman nya na kaya mong gawin kahit anong gusto nyang ipagawa nya sayo.... di ba boss.?.."

Marahang iling lang ang isinagot ko kay Daniel..

Matagal ng nakaalis si Dani pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha nya... napakagwapo nya daig nya pa ang tunay na lalaki... napakaganda nya siguro kung babae sya at kahit maong pants at polo ang soot nya hindi maitatago niyon ang magandang hubog ng katawan nya at kung tunay na babae lang sya she can be one of my harem.... muli kong kinuha ang resume nya napako ang mata ko sa mukhang naka print sa itaas niyun, bago ko muling binasa ang nakasulat doon.

Name : Danica R Castro.

Age : 26

Nilagpasan ko yung ibang information na nakasulat doon at muli kong binasa yung nasa gitna at sa ibaba.

Bachelor of Science in Business administration major in business management and accountancy.... napailing ako, double major pa talaga at ito ang matindi... magna com laude UST....

Then sa work experience naman

VP for operation JB developer company.... isa sa mga kalaban naming kompanya...

College professor UST...

On call accountant...

Hotel manager...

Restaurant Manager...

Head accountant...

etc...etc...

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon