CHAPTER 12

81.9K 1.6K 27
                                    

A/N: Above is the pictures of Bryles Airplane VIP suite.


------------------------------



Kinaumahan ay pinilit ko pa ring magising ng maaga kahit hindi ako halos nakatulog kagabi dahil sa halik ni bryle... 8am ang flight namin kaya 6:30 pa lang ay sinundo nya na ako... may kasama syang driver ngayon pero sa halip na sa unahan ay sa tabi ko sa likod sya umupo... at nagulat ako sa ginawa nya he give me a peck on my lips tapos ngumiti sya sabay hawak sa kamay ko...

" lets go.." sabi nya sa driver.

Inaalis ko sana ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero lalo nyalang hinigpitan ang pagkakahawak doon at ngumiti sya sa akin.

Bigla na namang naghuramintado ang puso ko, kaya halos hindi ako humihinga habang bumabyahe kami patungo sa airport.

Sa pinakamalaki, pinaka bago at pinaka high class na eroplano ng isang kilala at pinakamalaking airlines company kami sumakay, nagtaka naman ako dahil hindi na kami dumaan sa mga airport officers... deretso na kami sa loob ng eroplano at pagpasok namin ay nakalinya sa magkabilng gilid ng aisle  ang lahat ng flight attendant at mga piloto ng eroplano pati ang captain pilot.

" welcome aboard mr lee sir... miss castro maam..." sabi ng captain pilot.

" thanks everyone..." sabi ni bryle.

" hi boss, madame i' m Michael and i will be your flight attendant for the whole flight... please follow me to your suite... this way please..." sabi ng isang lalaking flight attendant na ngumiti muna sa akin bago ito nagpatiunang maglakad sa amin.

Hinawakan ni Bryle ang kamay ko bago kami sumunod dito at napansin kong masama ang tingin niya sa flight attendant na nasa unahan namin, pero hindi ko na lang ito pinansin, inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng loob ng eroplano at sa mga pasaherong nasa loob niyon...

Halos lahat yata ng mga nakasakay doon ay mga nakaaangat sa lipunan may nakita pa nga akong isang senador umakyat kami sa hagdan papunta sa second level kung saan naroroon ang mga vip, akala ko doon na kami pero umakyat pa kami sa third level at nagulat ako ng husto sa nakita ko para kasi kaming pumasok sa isang presidential suite sa isang five star hotel... may malaking sala, bar counter, may bedroom na may king size bed, bathroom na may bathtub at Jacuzzi. Hindi mo aakalaing nasa loob ka ng isang eroplano.

Naupo ako sa sofa habang pinagmamasdan ang paligid ng magsalita ang kapitan mula sa speaker at pinag seseatbelt kami dahil magtetake off na daw kami, akmang tutulungan ako ng flight attendant na mag seat belt ng pigilan ito ni Bryle.

" ako na..." matigas na sabi nito na ikinabigla naman ng flight attendant at halos namutla ito dahil sa matalim na titig ni Bryle.

Ikinabit niya ang seat belt ko bago umupo sa tabi ko at ikinabit rin ang seat belt nya at muling tiningnan ang flight attendant na nakatayo sa harapan namin.

" youre fired...go down and send another flight attendant here..." matigas na sabi nito....

Tiningnan ko si bryle tapos ang flight attendant na ngmamadaling umalis.

" why....whats wrong...? ano bang ginawa nya.?" nagugulohang tanong ko.

" wala..." bakas ang pagkainis sa tinig nya.

" what... you cant just fire anybody, lalo na at wala nan pala syang ginagawang masama..." sabi ko.

" i own this plane kaya pwede kong gawin lahat ng gusto ko."

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon