1 - Me myself and him

732 16 0
                                    


Chelo.

Pinagmasdan ko lang mula sa malayo ang lalaking kasalukuyang naglalaro ng basketball. Ang gwapo niya sa suot niya. Kitang-kita mo yung mga biceps niya habang nagdi-dribble siya ng bola. Ang pogi pogi niya sa suot niyang jersey ngayon, mas lalong lumutang yung maputi niyang balat. Napanbuntong hininga na lang ako.

Pano kaya kung naging boyfriend ko siya?

"Aray! Ba't ka ba namamamatok?!" Natigil ang pagde-daydream ko nang may biglang nambatok sakin. Masakit yun ah! Batukan daw ba ako? Wala naman akong ginagawang masama dito. Naka-upo lang naman ako dito ah! Napatingin ako sa likod ko.

"Pinagnanasaan mo na naman si Sehun! Nako! Conchelo! Malandi ka!" Sabi ni Abby. Psh. Eh sa nagde-daydream ako eh. Bakit ba?!

Ay. Oo nga pala. Where are my manners?

I'm Consuelo Isabella Campos. Chelo ang madalas tawag sa akin. I'm sixteen and currently attending Northern High and in my senior year, konti na lang at ga-graduate na ako. And lastly, maganda ako. Period.

At yung bumatok sakin, pinsan ko yun. Mahilig lang talaga siya mambatok. Amazona kasi eh.

"Kung ano-ano na naman 'yang iniisip mo. Malala na talaga 'yan ah! Pinagnanasaan mo si Sehun!" Singhal niya.

Abigail Biado. Pinsan ko, boyfriend of a living siopao. She's sixteen na rin like me. Isa siya sa pinakabata sa barkada namin. Maingay din yan, amazona nga kasi. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko yan!

"Hoy Chelo. Kung ano-ano na namang imaginations ang iniisip mo. Masama yan!" Humaba ang nguso ko. Hmp. Ano namang masama sa pagde-daydream?

Katie Lee. Ang talakera kong friend. Maingay siya, lahat naman kami. Siya lang nga lang ang nagingibabaw. Sigawan kasi ang usapang matino sa barkada namin. Isa din siya sa pinakabata sa barkada.

"Ano na naman ba problema niyo? Ako na naman ang trip niyo! Libre naman mangarap ah! Porket may mga boyfriend na kayo!"

"Oo na! Oo na! Hanggang pangarap mo na lang si Se-" Napatigil si Katie nang may tumawag sa kanya.

"Babe! Tara samahan mo ako. May kukunin lang ako." Napatingin kami sa pinagmulan ng boses. Ay, si sunog. Yung jowa niya.

"Ehem, alis muna kami ha!" Sabi ni Katie. Kumapit siya sa juwa niya at saka naglakad palayo. Oo na, sige na, kayo na sweet. Ako na NBSB. Hmp.

"Ah. Chelo, hinahanap ako ni Xiumin. Mamaya na lang ulit. Sige, bye!" Tumayo na siya at tumakbo papunta sa cafeteria.

Hay nako. Iniwan na naman nila ako! Che! Hayaan na nga sila. Bahala sila dun. Isa lang naman kasi ang laman ng isip ko. At single din siya, like me! At alam niyo ang gwa-

"Luhan hyung! Pagod na ako! Pahinga muna ako." Napatigil muli ako nang marinig ko ang boses ng crush ko na malapit lang sa kinaroroonan ko.

"Sige, Sehun. Upo ka muna doon sa bench. Hoy Chen! Substitute ka nga!" Sigaw ni Lulu.

"Oy! Oy! Baba Wu, umayos ka ha. Wag mong gamitin yang baba mong pang agaw ng bola!" Sigaw ni Chen kay Kris pagkatapos makipag-apir kay Sehun na naglakad papunta sa direksyon ko. Dinuduro-duro pa niya si Kris. Napatawa ako, lakas talaga mang-asar ni Chen! Napatingin naman ako sa kanya.

Nakita kong umupo siya doon sa katabi kong bench. Malapit sa inuupuan ko. Marami kasing bench dito sa may court, dun siya umupo sa bench katabi ng inuupuan ko. Pinag-krus niya ang dalawang binti niya. Kumuha siya ng water bottle at uminom mula doon.

Pinagmasdan ko lang siya. Nakita ko kung pano tumaas-baba yung adam's apple niya habang umiinom ng tubig. Nakita ko kung pano tumulo yung pawis mula sa mukha niya papunta sa leeg niya. Hinagod niya pataas ang slightly wet and messy hair niya. Nahirapan yata akong huminga bigla.

Let me own you, Oh Sehun. Where stories live. Discover now