Chapter 5:

4.6K 149 2
                                    

HINDI MAINTINDIHAN NI ALLYDA ang nagdaang pangyayari na sa sobrang bilis ay lalo siyang nahilo at naguluhan.

Binalikan ng dalaga sa isip ang kaganapan nang pumasok siya ng trabaho. Pinatawag siya ng warden sa opisina, hiningi ang kanyang serbisyo upang samahan si Opium na dumalo sa isang okasyon...ORA MISMO!

Malaki ang utang na loob niya kay Warden Mattias kaya pumayag siya sa gusto nito kahit maraming tanong ang naglilipana sa kanyang isipan na hindi niya makuha ang malinaw na sagot sa bawat ngiti at kindat ng antipatikong bilanggo.

Paglabas nila ng gusali ay may nakaabang at naghihintay na sa kanilang first-class na sasakyan. At sa halip na mga pulis o sundalo ang umalalay sa kanila ay mga tauhan ng tumatakbong senador na nagngangalang Roberto Melendez ang nakabuntot sa kabuuan ng kanilang biyahe mula Muntinlupa hanggang Rancho de Apollo sa Pangasinan.

Napailing si Allyda. Hindi talaga niya makuha ang tamang formula upang masagot ang kanyang pagtataka. "Kapag hindi ka tumigil sa kakikindat, dudukutin ko 'yang mga mata mo!" asik nito nang masulyapan na naman ang nakaposas na katabi na panay ang papansin sa kanya. "Hindi ka ba talaga titigil?"

"May nakapagsabi na ba sa'yo na lalo kang gumaganda kapag nagagalit?"

"Huwag mo akong sagarin, ha?!"

"Masarap ang sagaddddd!"

Mabilis na lumayo si Opium nang mapansin nito ang pagkuyom ng mga kamao ng dalaga na tila nagbabalak na namang pigain ang kanyang kargada.

Iniiwas na lang ni Allyda ang tingin sa pasaway na binata bago pa man tuluyang sumabog ang kanyang ngitngit dito. Minabuti nitong ituon na lamang ang atensyon sa nagaganap na kasalan. Tanaw niya na parehong humahagulhol sa harap ng altar ang bride at groom. Marahil ay iyak ito ng kaligayahan dahil mahigpit na nagyakapan ang dalawa.

"Napakaganda ng kuwento ng pag-iibigan nila..."

Napasulyap ang dalaga sa tumabing matanda sa kanya, medyo pandak ito at bilugan ang katawan.

"Dumaan sila sa napakalaki at napakabigat na pagsubok, ngunit tadhana pa rin ang nagpasya sa bandang huli. Pinagtagpong muli ang kanilang puso at pinagbuklod ng wagas na pagmamahal. Minsan talaga ang pag-ibig ay hindi mo maintindihan. Merong baliw na tumino, meron namang matino na nabaliw!"

Sinundan ng tingin ni Allyda ang pagpukol ng matalim na tingin ng matanda sa direksyong kinatatayuan ni Opium na patay-malisya lang at tila bingi sa mga oras na 'yun.

"Don Edell Saturnino," pagpapakilala nito na nakangiting inilahad ang palad.

Magalang naman na tinanggap ng dalaga ang kamay na nasa harapan, "Allyda Gonzales."

"Napakagandang pangalan na hindi nababagay sa isang ambisyosong sanggano!"

Mabilis na nadako ang tingin ni Opium sa matandang don. Nagsukatan ng tingin ang dalawa na agad namang napansin ng dalaga ang tila tensyon na namamagitan sa mga ito.

"Sige, iha. Maiwan na kita, pero mag-iingat ka..."

"Ehemmm!" pasimpleng tikhim ng binata. "Ang kabayo, huwag kalimutan!" pabulong man ang pagbigkas nito ay malinaw naman itong nakarating sa pandinig ni Don Edell.

Hatid-tanaw ni Allyda ang paglayo ng matanda. "Siya ba ang nagpakulong sa'yo?"

"Kasalanan niya dahil kung kailan kita nakilala, saka naman niya ako pinalabas ng kulungan!"

Napakunot ng noo ang dalaga.

"Nakikita mo ang mga kabayong 'yun?"

Sinundan naman ng mga mata ni Allyda ang itinuro ng binata.

PAANO BA ANG IBIGIN KA? (BOOK 2: RANCHO DE APOLLO) BY: LORNA TULISANAWhere stories live. Discover now