Finale:

6.9K 196 30
                                    

TILA MALILIIT NA BOMBILYANG tumatanglaw sa paligid ang mga bituin sa kalangitan. Nakatago man ang bilog na buwan sa likod ng ulap, sapat pa rin ang liwanag na nakalatag upang gabayan ang isang puting kabayo na lulan sa likod ang magkayakap na bagong kasal.

Para kay Allyda, it was the happiest time of her life. Taliwas ito sa iniisip ni Opium na iyon na yata ang PINAKAMABAGAL na araw sa kanyang buhay.

Pasimpleng tinadyakan ng binata ang kabayo sa pag-asang bibilisan nito ang mala-pagong na lakad, ngunit tila manhid ito na lalong pang binagalan ang paghakbang.

Agad nabura ang nagsisimulang pagbangon ng inis ni Opium dahil sa kupad ng kanilang sinasakyan nang maramdaman nito ang paghigpit ng yakap sa kanya ng asawa.

The night was a perfect picture of a very romantic moment. Para bang napakaganda nitong iguhit at ilathala sa aklat nang mabasa ng lahat na ang pag-ibig kahit maraming nagiging hadlang ay gumagawa ito ng paraan na bumalik sa taong tunay na sa kanya ay nakalaan.

"Huwag ka ngang maingay! ARAY!"

"Ikaw ang maingay!"

Naghiwalay sa pagkakayakap ang mag-asawa at sabay na pinagala ang tingin.

"Narinig mo ba ang narinig ko?" pabulong na tanong ni Opium.

"Mukhang may balak umistorbo sa honeymoon natin," tugon ni Allyda.

"At alam mong hindi ako papayag," wika ng binata na natuon ang mga mata sa direksyon ng isang kubo na ilang dipa na lang mula sa kanilang kinaroroonan.

Napagkasunduan ng dalawa na huwag na lang lumayo para sa kanilang pulot-gata. Pabor ito kay Opium na sabik na sabik nang makasiping ang asawa. Mahigit limang taon din siyang nagtiis sa kanyang MAPAGPALANG KAMAY kaya hindi niya hahayaan na maudlot pa ang araw na pinakahihintay.

"Bakit ba ang likot mo?"

Nagkatinginan ang mag-asawa. Mukhang kilala nila ang nais gumambala sa kanilang unang gabi.

"NATHANIEL!" pagtawag ni Opium.

"LIRIKA!" segunda ni Allyda.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang lugar.

"Labas!" madiing utos ng binata.

Nagtutulakan namang humantad sa mag-asawa ang dalawang tinawag na nasa likod ng malapad na katawan ng puno.

"Anong ginagawa ninyo dito?" agad na tanong ni Allyda.

"Sinundan ko lang siya, ate!" sabay turo kay Nathan. "Balak yatang manilip!"

"Are you talking to me?"

"No. I'm talking to your shoes!" Nakakalokong bumaba ang tingin nito sa makintab na itim na sapatos ni Nathan, "Bago?"

"Tama na 'yan!" maagap na saway ni Opium bago pa man maibuka ng pamangkin ang bibig nito. "Nathaniel, maninilip ka nga ba?"

"Tito?!"

"Biro lang," pagbawi ng binata. "Ano ba kasing ginagawa mo dito"?

"Well," pinukol nito ng matalim na tingin si Lirika na tinaasan lang siya ng kilay. "Gusto ko sanang sorpresahin kayo, pero dahil may pakialamera..."

"Ako ba ang tinutukoy mo?"

"Hindi. 'Yang bangs mo!"

Napasapo naman si Lirika sa bangs at plinantsa ang pagkakalapat nito sa kanyang noo. "Cute naman, 'di ba?"

"Ako ang tinatanong mo?"

"Hindi. 'Yang tirik-tirik mong buhok. Ano naman ang tawag sa ganyang style? TAMBO o TINGTING?"

PAANO BA ANG IBIGIN KA? (BOOK 2: RANCHO DE APOLLO) BY: LORNA TULISANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon