Journey 3- Takbo

30 0 0
                                    

FLASHBACK >>>

Ereyos’ POV

Nagsimula na kaming maglakbay para hanapin ang nakatakdang Shun ng Yunen na si Erebu. Kasama ko ang Shun ng Janai na si Shun Senshi at ng Shun ng Ziru na si Shun Runo. Tatlo kaming tinatahak ngayon ang Gubat ng Ziru

“Bakit ba pinapahirapan natin ang ating mga sarili? Doon na nga tayo galing sa Yunen eh dito pa tayo sa nakakatakot na gubat na ito!” reklamo ulit ni Shun Senshi. Tsk, kanina pa ito eh

“Kumilos ka nga ng tama Shun Senshi, alalahanin mong isa kang Shun” saway ko

“Alam nyo sa ating tatlo? Itong si Shun Senshi lang ang madaldal eh, ang daming satsat. Ang arte pa!” Inis na sabi ni Shun Runo, hindi na rin yata natatagalan ang nakakabinging talak ng isang ito =.=

“So??” Shun Senshi

“Nag-iisip ka ba talaga? Kung doon natin siya hinanap sa Yunen, magsasayang lang tayo ng panahon. Alalahanin mong doon ang kanyang sariling bayan kaya tiyak na sa ibang kaharian iyon magtatago!” Shun Runo

“May katwiran si Shun Runo” sang ayon ko

“Hay… Nakakapagod at ang hirap! Kaya nga ayokong maging Shun!” Shun Senshi

“Gunggong! Wala ka nang magagawa dahil iyon na ang itinakda sayo!” Shun Runo

“Ohoho… Hoy Runo, alalahanin mong isa kang Shun kaya don’t say bad words!” Shun Senshi

“Bad wors bad wors mukha mo, wag mo akong magamit-gamitan ng mga banyagang salita mong iyan ha! At saka anong Runo? Wala kang galang sa kapwa mo Shun!” Shun Runo

“Yow man, hindi uso sa akin ang pormalan eh sa trip kong tawagin kayo sa pangalan lang?” Shun Senshi

Haist, sa totoo lang ay daig pa ng dalawang ito ang mag-asawa. Ayoko nang makisali sa sagutan nila, sayang lang ang laway ko sa kakas away. At saka tahimik akong tao, bihira lang magsalita ng marami

At sa kalagitnaan ng aming paglalakad…

“Aaahhhhhhh!!!!” narinig kong sigaw mula kung saan

“Narinig niyo?” tanong ko sa dalawang kasama ko

Tumango lang sila at sabay nagmanman sa paligid

Ilang sandali pa ang lumipas, papalapit na sa amin ang pinanggagalingan ng boses

“Baka halimaw. Marami kasi ang gumagalang halimaw dito sa Ziru lalo na sa gubat na tulad nito” Shun Runo

“H-halimaw?” parang nababahalang tanong naman ni Shun Senshi

“Huwag mo sabihing….naduduwag ka?” Shun Runo

“Hindi noh! May kapangyarihan kaya tayo, anong laban ng mga halimaw-halimaw na yan sa atin?” Shun Senshi

At biglang sumulpot ang isang lalaking tumatakbo papunta sa aming direksyon

“Tabi !!! Tumabi kayo dyan !!!!” sabi pa nito na sa tingin ko ay kaedad din namin. Nakalampas na siya sa amin

“Problema non??” kunot ang noong tanong ni Shun Senshi

At sumunod naman ay ang kakaibang tunog na aming naririnig

“N-nakikita nyo ba ang nakikita ko?” Shun Runo

“Baboy-ramo” wala sa loob na sabi ni Shun Senshi at pagkatapos ay nilingon ulit “Baboy-ramo???”

Shun Runo -- Ako -- Shun Senshi

(O.O) -- (*_*) -- (O.O) ??

Yan ang reaksyon namin tatlo

Sabay sabing… “TAKBOOO!!!”

\(*0*)/-- \(*.*)/ -- \(*0*)/ !!!

Parang nag-usap ang aming mga isip at kilos, iisa lang ang aming ginawa. Lahat kami ay umakyat sa puno

*********

Kung hindi lang kami agad nakaakyat, tiyak na inabutan na kami ng ligaw na hayop na iyon. Buti na lang

Journey (Seeking the Cursed One)Where stories live. Discover now