Journey 8- Denshu

28 1 0
                                    

Third Person’s POV

Samantala, nasa bayan na ng Genro ang lima, sa kahariang pinamumunuan ni Ereyos. Dumaan sila sa Kastilyo nito dahil mayroong importanteng mensahe ang mga kataas-taasan sa kanila. Kasalukuyan silang nasa silid pagtitipon na kung saan nagpupulong ang mga katas-taasan kasama na ang mga Shun.

“Kamusta naman ang paglalakbay ninyo?” bungad sa kanila ni Tandang Soh, isa sa katas-taasan mula sa Kahariang Ziru na pinamumunuan ni Runo

“Mabuti naman po. Bakit kayo lang ang nandito? Nasaan ang iba?” Runo

“Abala sila sa mga nangyayari ngayon. May mga kawal na pumunta sa Ryuun pero hindi sila nakapasok sa teritoryo dahil may ginamit na harang doon. Nilagyan ng harang ang buong kahariang nasasakupan nito” sagot naman ng matanda

“Kung ganon ay hindi kami makakapasok doon” Senshi

“Iyan nga ang malaking problema. Matibay na itim na mahika ang ginamit sa harang kaya kahit gamitan iyon ng kapangyarihan ay wala ring mangyayari” Tandang Soh

“Paano yan, sa Ryuun na ang tungo namin.  Paano kami makakapasok?” Ereyos

“Di-deretso na kayo ng Ryuun na hindi pa natatagpuan si Erebu?” nagtatakang tanong ng matanda at ngayon lang din niya napansin ang dalawang kasama ng mga Shun

“Ay! Nakalimutan pala naming ipakilala. Siya si Bo ng Janai at Hime ng…. Saang lugar nga ba? Hehe.. Di bale na nga!  Ah,  Hime at Bo, siya naman si Tandang Soh ng Ziru. Isa sa mga kataas-taasan” pakilala ni Senshi

“Ikinagagalak ko po kayong makilala…” Bo

“Ako rin po..” Hime

Tumango lang ang matanda. “Sasama rin ba kayo sa Ryuun?”

“Opo” nagsabay na sagot nina Hime at Bo

“Lubhang mapanganib sa inyo kung kayo ay sasama” Tandang Soh

“Kailangan ko po kasing iligtas ang kaibigan ko, isa siya sa binihag ni Denshu at Denjo

Tumango-tango ulit ang matanda “At ikaw Binibini, mas lalong delikado sa’yo”

“Gusto ko rin pong tumulong sa pagliligtas sa mga binihag” Hime

“Talaga?” namamanghang tanong ng matanda “Pero delikado pa rin para sa’yo. Ikaw ba ay marunong makipaglaban?”

“Opo” Hime “S-sa katunayan niyan eh… M-magkasing galing lang po kami ni Denshu”

“Pffffft..” Senshi

Nagkatinginan ang apat

“Hindi mo na kailangang magsinungaling Hime..” bulong ni Senshi

“Baka kasi hindi niya ako payangang sumama sa inyo, baka ipaiwan pa niya ako dito…” bulong din ni Hime

“Hahaha. Nakakatuwang bata” sabi ng matanda, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ni Hime

“Kitams? Pinagtawanan ka lang ni tanda” Senshi

“Balik tayo sa pinag uusapan. Pupunta kayo sa Ryuun na hindi pa natatagpuan ang anak ng Shun ng Yunen? Sa sitwasyon ngayon ay kailangan natin ang tagapagligtas. Kailangan niyong magtulungan para wasakin ang harang ng Ryuun. At natitiyak kong kahit na kasama ninyo si Erebu ay mahihirapan pa rin kayo, paano pa kung wala siya?” Tandang Soh

“Alam mo Partz, tiwala lang sa sarili ang kailangan namin at tiwala din sa isa’t isa” sabay akbay ni Senshi sa matanda “Tiyak na ang tagumpay doon kahit wala si Erebu” at saka tiningnan si Bo at kinindatan

Journey (Seeking the Cursed One)Where stories live. Discover now