Journey 5- Hime

28 1 0
                                    

Bo's POV

Galing sa paglalakad-lakad ay bumalik na ako sa aking mga kasamahan na karga ang babaeng natagpuan kong walang malay. Hindi pa man ako nakakalapit sa kinaroroonan nila ay agad na nila akong nakita

"Anong yang karga mo Bo, troso?" -Runo

"Anong troso, bulag ka dud? Di mo nakikita oh sako yang dala nya, SAKO. Sigurado pagkain yan yieeee!" -Senshi

Pffft. Kahit kelan talaga ang dalawang ito. Naglakad na lang ako palapit sa kanila at ito ang naging reaksyon nila nang makita nilang karga ko ay babae

( O.O )( O.O )( O.O )

( >.< )( >.< )( >.< )

( O.O )( O.O )( O.O )

"O, ba't ganyan ang mga mukha ninyo?" -ako

"Hey Bo, ambilis mo namang nakamove-on! Nakatagpo ka na agad?" namamanghang tanong ni Senshi

"Pambihira, hindi ko kaya yan eh hindi pa nga ako umiibig" -Ereyos

"Pareho lang pala tayo Ereyos!" -Runo

"Halaaaa. Kayo rin?? Ako rin!" -Senshi

"Naku m-mali ang iniisip ninyo. Natagpuan ko ang babaeng ito na may mga sugat at walang malay. Kagagawan siguro ng mga ligaw na hayop" agad kong paliwanag. Alam kong iba ang naglalaro sa isip ng mga yan =.=

"Ahhhhh... Yun naman pala eh" sabay nilang sabi at sabay ding tumango-tango

"Mabuti na lang at nakaligtas siya" -Runo

"Ang mabuti pa ay ihiga mo siya dyan sa may tabi ng puno. Siguradong gutom yan pag nagkamalay" -Ereyos

"Hoy Senshi, di ba namimitas ka ng mga halamang gamot na nakikita mo sa bawat nadadaanan natin? Baka makatulong yun" -Runo

"Ay tama!" -Senshi. At agad hinalungkat yon sa kanyang dalang gamit

Hindi man kami eksperto ay pinagtulungan na naming pahiran ng lunas ang babae. Si Ereyos ang nagpainit ng tubig para sa mga dahong dinikdik ni Senshi. Pinunasan ko naman ng malinis na basang tela ang sugat nito bago pinahiran ni Runo ng mga dahong durog na pinakuluan. 

Kahit tulog ay pinainom namin ang babae sa pamamagitan ng patak ng tubig. Makakatulong din ito para mapadali ang kanyang pag galing

Pagkatapos mag-usap usap ay nagkanya-kanyang pwesto narin kami para matulog

----

KINAUMAGAHAN

*hikab hikab*

Nag inat muna ako at dahan-dahang idinilat ang mata. Umaga na pala...

Bumangon ako at tiningnan ang tatlo kong kasama. Tulog pa sila. Ganon din yung babae, mukhang hindi pa nagkakamalay. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang noo. Mabuti naman at hindi nilagnat. Naupo ako sa tabi nya at pinagmasdang mabuti. Hindi ko alam, nawiwili akong pagmasdan ang babaeng ito. Nagulat ako konti nang bigla niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ako agad ang nakita. Nagkatitigan lang kami. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mga mata at palagay ko'y may madilim siyang nakaraan. Awa ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito habang nakatitig sa kanya. Ilang sandali ay mukhang pareho lang kaming natauhan

"Sino ka? N-nasaan ako?" kumilos sya at pilit na bumabangon

"O, dahan dahan lang. Hindi ka pa gaanong magaling" at inalalayan ko siya para makasandal sa puno "Ang mabuti pa ay kumain ka na. Teka, kukunin ko lang yung pagkain"

Tumango lang siya at inilibot ang paningin. Inabot ko sa kanya ang pagkain pero mukhang nanghihina parin siya dahil parang kumirot ang kanyang tagiliran nang siya'y gumalaw

Journey (Seeking the Cursed One)Where stories live. Discover now