6 >> HAV

5.9K 118 1
                                    

Precious's POV

 
Nandito ako ngayon sa restaurant sa hotel ko. Nakaupo at parang sira na napapatingen sa mga magcouple na naglalakad

Diko talaga maiwasan na maisip si matthew.

Halos 5 months na nung huli ko syang nakita. Talagang tinutuo nya! Kaasar.

Pero aaminin ko namimiss ko na talaga sya ng sobra.

Napayuko ako at sinariwa lahat ng mga alala namin ni matthew. Mga memories na ang hirap kalimutan. kahit saglit lang yun grabe parang ang tagal na namin magkasama, Punyeta kase eh. Daming alam ng hinayupak kakagigil tuloy.

Damn matthew! Ang lalaking sobrang daming sikreto sa buhay.

Napaka misteryoso ng bawat galaw nya, bawat pag ngiti nya pakiramdam ko lalo akong nahuhulog sakanya. Lalo na kapag tinititigan nya ako mga tingin nyang nakakapang hina.

Ang lalaking nakapukaw ng puso ko

Hays matthew miss na miss na kita.

Gusto na kitang kalimutan gaya ng paglimot at pang iiwan mo sakin kaso ang hirap

Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero sigurado ako na gusto ko syang kasama lagi. Naguguluhan nako!

"Wahhhhhh!!! Kaasar" diko napigilang sumigaw. Napatingen naman ako sa mga nasa paligid ko dahil nagtinginan sila saken.

Napalakas pala pagsigaw ko nakakahiya naman!

Agad akong tumayo para umalis. Grabe ano batong ginagawa ko.

Habang nagmamadali ako sa paglakad diko napansin na may babae sa harap ko kaya nagkabanggan kami at natapunan ito ng juice na hawak nito

Anubayan! Ang tanga tanga ko

"Shit!! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!! Look Look Look" pag iinarte nito at tinuro ang dress nito na natapunan ng juice

"I'm sorry" sabi ko at yumuko para sincere. Tsk!

Kahit ang arte arte nya bwiset sya! Pasalamat sya ayaw kong masira ang reputasyon ko bilang may ari ng buong hotel na to.

Ano nalang ang sasabihin nila kapag Tinarayan at pinatulan ko tong Babaeng to baka sabihin pa nila walang kwenta tong Hotel na to Pagkalat pa ng Panget na to

"Bitch!!!" nagulat ako sa sinabi nito at sinampal ako.  Ang lakas non ah! Sumakit panga ko. "Napaka tanga mo!" dagdag nito at sinamaan ako ng tingen.

Walanghiyang babae na to! Mainit pamo ulo ko ngayon, Kapal ng mukha nyang sampalin ako. Hindi mahaba ang pasensya ko kaya sorry sya dahil papatulan ko sya

"How dare you!" diko napigilang sabihin dito at binigyan sya ng tripleng lakas ng pagsampal nya sakin kanina.

Talsik sya eh

Napalakas ata kasi pumutok ang labi nito!

"What The Fuck!!"  tumayo ito at sasabunutan sana ako ng makaiwas ako at hinablot ang buhok nito saka ko sya tinulak kaya napasubsub yung babaeng feeling ata kaya ako. 

Mamili sya ng kakalabanin nya! Dahil hindi ako basta basta nagpapatalo, Nakakahiya na sa mga nakakakita pero bibigyan ko ng leksyon tong impokrita na to. 

Akmang sisipain ko sana sya ng bigna itong napapikit at tinaas ang kamay, Yun na yun? 

"Stop" Tinignan ko lang ito ng masama, Ang bilis naman ng palabas, Tapos na agad. Nag eenjoy pa ako eh, Sakanya ko na sana ibubuhos lahat ng inis ko kay matthew eh

He's A Vampire (A Love without End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon