15 >> HAV

3.9K 67 3
                                    

Precious POV

Tahimik kaming nakaupo ni matthew sa bench. Andito kame sa garden at seryosong nakatingen sa mga halaman nang biglang may dumating.

"Matthew. Let's talk" Napatingin ako kay daddy. Oh god! Bakit sya narito?

Kumunot lang ang nuo ni matthew. Nagtataka siguro ito dahil andito ang daddy ko.

"What are you doing here?" seryoso kong tanong kay daddy.

Napatingen samin si matthew.

"Wait,magkakilala kayo?" Tanong ni matthew. Kaya kinabahan ako

Paano pag nalaman nya ang tunay kong pagkatao?

Sari saring emosyon ang naramdaman ko kaya di ako agad  nakasagot. Umiling ako pero sumagot daddy

"she's my daughter!" deretchong sagot ni daddy. Nanlaki ang mata ko at tinignan si matthew. Alam nya ang storya ng magulang ko!

"What?" naguguluhang tanong nito. Yumuko ako at tinignan ang muka ni matthew na ngayon ay punong puno ng emosyon.

"Wag na maraming tanong matthew. I know all your plans" naguluhan ako sa sinabi ni daddy.

"Daddy! Umalis na kayo dito!" diko napigilang sumigaw. Bakit pa sya pumunta rito. Ginugulo nya lang ang lahat.

"Okay. Marami rin akong tanong na dapat mong sagutin" Seryosong sagot ni matthew kay daddy. Di man lang ako tinignan at pinansin sa sinabi ko. What a nice! Damn it.

Napakagat ako sa labi ko ng umalis na ang dalawa. Oh no! Hindi pwede malaman ni matthew ang buong pagkatao ko. Baka magbago sya saakin.

Huminga ako ng malalim at tinignan sila.

_______

Matthew's POV

Diko napigilang magalit nang malaman ang buong katotohanan.

Bakit si precious pa.

Sana iba nalang.

"Si precious ang nag iisa naming anak ni athena. Please matthew, protektahan mo sya. Natatakot ako sa pwedeng mangyare. Lalo na ngayong andito sya. Ginawa namin lahat ng asawa ko para mailayo sya dito pero nakatadhana na siguro itong mangyari. Protektahan mo si precious sa tunay na kalaban. Nakikiusap ako" puno ng pagmamakaawa ang ama ni precious saakin. Hindi ko maalis sa puso ko ang sakit at paghihirap

Tama ba ang gagawin ko? Oh shit. Bakit ba kailangan mangyari nito

"Moah" napatingin kami sa dumating na si shone. Ang ama ni moah,the fuck! Malaking gulo ito.

"Dad" gulat na sabi ni moah.
Lumapit ito at tinignan ng masama si moah

"Ang tagal .... Sobrang tagal na nating di nagkita magmula nung sumama ka kay athena"  galit nitong sabi kay moah.

"Mahal ko sya dad! At wala ng makakapigil dun!" Sabi nito at sinamaan ng tingin si shone

"Alam mong una palang ang angkan na nila athena ang matalik nating kalaban pero lalo mong pinalala ang lahat ng sumama ka sakanya! Labis na Gumagawa ng Paraan sila Visha para makaganti saatin!" Tiim bagang sabi ni shone.

"Wala akong Pakealam!"diniin ni moah bawat salita na kanyang binitawan kaya di na napigilan ni shone magtimpi.

"Wala kang Pakealam kahit ang anak mo ang manganib! Makasarili ka! Hindi mo inisip kung Ano ang makakabuti!" sigaw ni shone kay moah. Nanahimik si moah at umiwas ng tingin

Nilagay ko sa magkabilang bulsa ang kamay ko at sinulyapan sila.

"Tapos na yon shone,nangyari na. May mababago ba kapag sinisi mo sila athena?" sabi ko at ngumisi saka sinulyapan si moah na nakatingin saakin.

"Matthew ikaw lang ang maaasahan ko! Hindi tulad nitong si Moah! Mas pinili ang kalaban kesa sa Ating Kaligtasan" Ani shone at tinignan si moah na yumuko.

"Sabi ko na nga ba si precious ay hindi Ordinaryo!" Ang huling sinabi ni Shone at umalis na. Napailing nalang ako at bumaling kay moah

"Hayaan mo na sya" sabi ko dito para makalma.

"Hindi na talaga mawawala ang galit nya saakin at sa asawa ko. Baka pati si precious gawan nya ng masama. Matthew bantayan mo si precious, sobra na ang paghihirap nya kung maghihirap din sya dito" napapikit ako sa huling sinabi ni moah. Umalis na ito at di ko alam ang gagawin ko

Gusto kong tulungan si precious. Gusto ko syang ilayo sa kapahamakan. Pero hindi ito ang oras para maging makasarili, kapag tinakas ko sya parang ginaya narin namin si moah at athena. Paniguradong huhuntingin lang kami. Hindi kami mabubuhay ng ligtas.

"Matthew!" Napatingin ako sa pagtawag ni precious

Parang nag sslow motion ang paligid habang papalapit ito saakin. Kung paano sumunod ang buhok nito sa bawat paglakad nito. Diko maalis ang mga mata ko sa mata nyang deretsong nakatitig saakin.
Talagang di nakakapagtaka na anak sya ni athena. Manang mana ito sakanyang ina. Sobrang ganda

"Ngayon alam mo na ang lahat..... Alam muna na bampira ako" yumuko si precious at kinagat ang labi nito.
Napapikit ako sa ginawa nya. Damn! Kung pwede ko lang baguhin ang lahat mahal ko ginawa kona.

"Kailangan mong mag ingat" Shit. Bat yun ang sinabi ko.

"Mahal mo pa ba ako?" napaiwas ako ng tingin sa tanong ni precious. Akala ko magiging madali pero ang hirap pala pag nasa pusisyon kana.

"Ano naman ang naisipan mo at naitanong mo iyan?" Nakakainis. Tama na precious! Pinapalala mo lang. Mas lalo ako nahihirapan

I feel sorry for her. Tanga ko talaga kahit kailan, Napaparamdam ko sakanya na kasalanan nya ang ibang nanyayare, im sorry my love. its not your fault. 

"Kasabay din ba ng pagbabago ko ang pagbabago ng nararamdaman mo saken?" Naiiyak nitong tanong kaya napapikit ako. At tinignan sya sa mata. I am so sorry if you feel that way

"Nakagat kaba ni Visha?"
Nanlaki ang mga mata nito sa tanong ko. Maya maya ay malungkot itong yumuko at tumingin sakin. Nagulat ako ng mapuno ng luha ang mga mata nito. Sobrang guilt ang naramdaman ko! Fvck paano ko nagagawa ito sakanya. Bwiset

"Ang layo ng mga sagot mo sa mga tanong ko. Ganon ba kahirap ang tanong ko at di mo masagot ng maayos?" para akong sinasaksak sa naririnig ko kay precious. Ayokong ganito kami. Hindi ganito ang gusto ko mangyare. 

I love her so much and i am so angry at myself dahil diko sya maprotektahan ng maayos.

But i am so sorry precious. Its not the right time para maging selfish.

"Wag muna natin pag usapan yan, kamamatay lang ni mikaela at nawawala ang kapatid ko at si cleandrea" tinitigan ko si precious namumutla ito at di makatingin saakin. "May alam kaba kung nasaan sila visha?" diko napigilang itanong dito.

Lumayo ito at natatarantang tumingin saakin

"Hindi ko alam" sabi nito at tumakbo palayo saakin pero hinabol ko sya

"Teka lang! Saan ka pupunta?" Seryoso kong tanong dito.

"Bakit ba!?" Halata sa tono nitong kinakabahan ito. Kaya napasinghap ako at deretso itong tinignan sa mga mata

"Umamin ka nga, nakagat kaba ni visha!?" Napataas ang tono ko sa tanong na yon.

May isang parte saakin na sana hindi sya nakagat pero sa isang banda sana oo dahil kapag tinaglay nito ang kapangyarihan na natutulog sa katawan nito. Magagawa na nitong iligtas ang sarili nito. Kaso, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako

"Oo kinagat nya ako matthew, kinagat ako ng lola ko"

Halos maguho ang mundo ko sa narinig ko.

Paano kung may sinabi sya kay precious? Fvck. Paano na ito.

Ito na ang simula ng lahat! Damn it. Diko sana hinayaan na makalabas si precious ng GVM

He's A Vampire (A Love without End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon