11 >> HAV

4.5K 87 2
                                    

Precious POV

"Wake up damn girl!" nagulat ako sa sumigaw kaya agad akong tumayo.
Pagkatingin ko kung sino yun agad nagsingkit ang mata ko

Ang aga aga pagmumuka ni cleandrea ang bubungad sakin. Mygod! Sarap nyang sakalin. Tusukin ko ata mata nito eh.

"You! Bitch, pwede namang wag sumigaw diba!" asar kong sabi dito. Napaka bruhilda talaga nya! Kaasar.

"Sumunod ka saken!" Wow! Agad agad?

"maliligo pako!!" pagtataray ko. Aba malay koba kung may muta ako o panis na laway tapos palalabasin nya ako.. No way!

"Bilisan mo!!" mataray nitong sigaw saakin. Aba sumusobra na sya ah! Pasalamat sya wala pa ako sa mood makipag bangayan baka yung putlang balat nito mamula sa sobrang inis

Dumaretso nalang ako sa banyo at naligo na ako. Halos umabot ako ng isang oras nagbabad pa ako sa bathtub. Pakealam koba kay cleandrea.

Nang magsawa na ako. Magbanlaw na ako at ng matapos na nagtapis ako ng tuwalya at lumabas. Naabutan ko naman si cleandrea na nakatayo at halatang asar na asar saakin

"V.I.P Ka? Antagal mong maligo! Letse!! Halika sumunod kna sken" Hindi na maipinta mukha ni gaga, galit na galit na hahaaha

Sinadya ko talaga yan peste ka!

"Naka tapis ako ng towel nakikita moba? Isa kang ganap na boba! Lumabas ka muna mag bibihis ako" pang aasar ko sakanya.

Ngumiti pa ako para lalo syang maasar

"Bwiset kang babae ka! Bilisan mong magbihis kung hindi sisirain ko yang pagmumuka mo ang arte arte mo!" nanggigigil nitong sabi sakin bago lumabas

Nang matapos na ako mag ayos ay naghanap na ako ng maisusuot.

Makapag short na nga lang tutal mainit naman.
Nag short ako at T-shirt

Pagkatapos ay lumabas na ako naabutan ko nanaman si cleandrea na halos ibato na sakin yung nasa harap nyang sofa.

"Inuna mo pa talaga kalandian mo ano! Bilisan mo nga jan" asar na asar nitong sabi sakin, Anong kalandian pinagsasabi nito eh sya nga yung lumalandi kay matthew ko.

"ano bang meron?" painosente kong tanong

"Would you shut your Mouth. Sumunod ka nalang ang kupad mo bwiset ka!!" 

"Alam mo kanina kapa ee! Kung Hilahin ko kaya yang dila mo! wala kang manners!" diko napigilang sabihin dito. Nakakaasar eh nagtatanong ako ng maayos ganyan mga isasagot nya.

"Ikaw ang walang manners!! Eh Kung Sampal sampalin kita jan?"  ayan nanaman sya nako nakakaasar na talaga

"Oh Talaga!! Subuk subukan mo!" pang hahamon ko dito

Akmang sasampalin na nga ako nito ng ---

"Clea!!!" saway ni matthew at lumapit samen.

"gusto nyang sampalin ko sya!" agad sabi ni cleandrea

"Tigilan nyo na nga yan!" galit na sabi ni matthew.

"Siya kase ee! Sarap Tanggalin ng ulo!!" sumbong nanaman ni cleandrea

"Anong ako! Baliw kab--"

"Precious !" saway sakin agad ni matthew "Sumunod kana lang saken" Whoaaa!! Grabi Tih. Kakaiba ngayon si Matt Matt Ah! Ang cold nya

Tahimik lang akong sumunod dito

Habang naglalakad kami kasama ang Epal na Cleandrea na ito hindi man lang sumulyap sakin si Matthew!

He's A Vampire (A Love without End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon