Kabanata 17

1M 28.7K 21.2K
                                    

Kabanata 17

Kalawang

"You cooked all of these?" tanong ni Duke.

Sa wakas ay naimbitahan ko na siya sa bahay. Nahihiya kasi ako sa kanya. Tuwing lumalabas kami ay libre niya. Madalas pang kasama si Karl kaya mas lalo akong nahiya.

"Nagpatulong ako kay Maggie sa adobo..." sabay ngiti ko.

Buong bahay ang nilisan ko para sa pagdating ni Duke. At least ngayon, sagot ko naman ang pagkain niya. Hindi ko na kailangang makipagtalo sa kanya na ako ang magbabayad kasi nandito siya sa bahay namin.

"By the way..." sabay pakita niya sa isang paperbag.

"Ano 'yan?"

"Pasalubong ko sa'yo."

Dinungaw ko at nakitang may buko pie at kesong puti sa loob noon.

"Wow, thank you! Nag abala ka pa!" sabi ko.

Umupo ako sa harap niya. Sina Maggie at James ay nasa kwarto kaya kaming dalawa lang ngayon dito sa lamesa.

"Of course!"

"Congratulations nga pala sa sa pagkakaclose mo ng deal."

"Yeah. Thank you. Akala ko talaga mapupunta sa kabilang chain. Mabuti na lang."

"I heard iyong nasa kabilang chain ay iyon namang kompetensya ng kinuha mo. I don't know if it's true."

"I think so. Kukunin talaga ng kabila ang isa pang line dahil nakuha ko na ang first choice nila."

The first half of our conversation was about work. Tinanong niya rin sa akin kung kamusta ang first batch ng mga ininterview, maayos naman iyon.

"By the way, may ipapadagdag ako na files. I need a portfolio from them. Lalo na doon sa mga nakuha sa second interview. I need to really check on their abilities lalo na't diretsong manager ang magiging posisyon."

Tumango ako. "Buti pa nga. Nakulangan kasi ako sa requirements, e."

Kahit na naglinis na ako ng bahay, nahihiya parin ako kay Duke. Pakiramdam ko parin ay madumi ang bahay namin. Syempre, I can only imagine their mansions. I've been to his condo unit and it's always clean.

"Do you have new flicks or anything?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayong nasabi niya iyon, hindi ko nga pala napagplanuhan ang gagawin namin pagkatapos kumain. I just thought that after dinner, that's it. Hindi ko inakalang mags-stay pa pala siya.

"Hmm. Meron yata kay Maggie. Mahilig iyong mga iyon manood ng movies e. Gusto mong manood?"

"Yes. We can drink wine while watching."

Tumango ako. Nag dala din kasi siya ng wine.

Nahihiya pa akong magtanong kung masarap ba ang luto ko. Nalibang na rin kasi kami sa pag uusap tungkol sa trabaho kaya 'di ko na siya ginambala pa sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagligpit ako ng mga pinggan. Tumulong siya kahit na sinasaway ko na.

"Doon ka na sa sala mag antay." Tumawa ako. "Ang mabuti pa, ihanda mo na lang iyong wine."

"Hindi na. Maghuhugas ka ng mga pinggan 'di ba? Tutulungan na kita."

"Duke..."

Ngumisi siya. "Come on, Rosie."

"Bisita kita. Sige na..."

"Kahit na. Please?" panunuyo niya.

Umirap ako. "Sige na nga!"

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon