Epilogue

2.1M 49.8K 52.1K
                                    

Epilogue

Tumigil ako sa ginawa at tumayo ng maayos. Dumiretso ako sa CR para maglinis. Tinanggal ko ang condom at naghugas na.

"Jacob..." tinig ni Felicity ang tumawag galing sa kama.

Palagi na lang talagang ganito tuwing natatapos. Wala akong maramdaman kundi guilt. Hindi ko alam kung para saan. Para ba iyon kay Felicity... dahil hindi ko masuklian ng maayos ang pinapakita niya. O para sa aking sarili?

"Hmmm?" sabi ko habang naghuhugas.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Ilang taon kong hindi kaya tingnan ng ganito ka tagal ang sarili ko. Lahat ng sulok sa aking mukha, siya lang ang naaalala ko. Kahit sa katawan ko, siya ang naaalala ko. Rosie owned me. The whole of me.

Noon.

Noon 'yon.

"I'm cold..." tawag ni Felicity.

"Sandali lang..." sabi ko at naghugas naman ng kamay ngayon.

Sa wakas, naramdaman ko na kung paano ulit ang humalik... kung paano ulit ang may inaalagaan at may inaalala... kung paano ulit ang mahalin.

Ilang taon kong tiniis ang pag-iisa. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat ng ito. Kalahati sa akin ang nangangarap na pag balik ko, tanggapin niya ako ulit. Ang kalahati ay punong puno ng poot at galit.

Iniwan niya ako sa panahong kailangan ko siya. I must've been toxic to her but is that enough reason for her to leave? Kapag ba napuno siya sa akin ay iiwan niya ako? Paano kung palagi siyang mapuno? Paano kung kasal kami at doon siya napuno, iiwan niya rin ba ako? Tatalikuran niya ba ang pangako naman sa Diyos?

Tapos na akong maghugas ng kamay. Lumabas na ako ng CR at pinulot ko ang aking mga damit sa sahig. Sinuot ko ang aking boxers at dumiretso na sa balkonahe ng kwarto.

Ano ang gagawin mo kung lahat ng bagay at lugar siya ang naaalala mo? Simple. Tabunan mo lahat ng alaala niyo ng mga bagong alaala. Pero ilang buwan na ang nakalipas simula ng pinalitan ko siya, hindi parin tuluyang nawawala ang lahat.

"You really hate cuddling, huh?" tanong ni Felicity.

Nakahilig na ako ngayon sa railings ng balkonahe. Tinitingnan ko ang mga bagong bahay ilang bloke lang ang layo sa tinatayuan ng amin.

"Iyan ba ang nakuha mo sa mga babae sa US?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim at hindi na siya nilingon.

"Hindi ako nagkaroon ng karelasyon sa US."

Humalakhak siya. Ang matamis niyang tawa ay bumalot sa buong kwarto. Ibang iba sa tawa ni Rosie noon. Pinilig ko ang ulo ko. Kailangan kong tigilan ang pagkukumpara. Ito na ngayon. Kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga. Kailangan ko nang tanggapin na hanggang doon na lang kaming dalawa. May bago na ako. At maaaring ganoon rin siya.

"Then should I be glad? After three years... or so... ngayon ka lang nagkaroon ulit ng girlfriend. And it's me?" Mahinahon ang pagkakasabi ni Felicity nito.

Nagkakilala kaming dalawa sa opisina. Nag apply siya bilang manager at nakuha siya. Noong sinabi niyang pwede siya sa Alegria dahil malapit lang doon ang probinsya ng tatay niya, pinalipat ko siya sa Alegria para maging manager sa isang pabrika.

Simple lang siya at walang arte kumpara sa mga babaeng katulad niya ang estado ng buhay. Madali siyang patawanin. Madali siyang pasiyahin. Madali siyang libangin. Mga bagay na inakala kong hindi ko na magagawa pang uli noon ay nagawa ko sa kanya.

Akala ko hindi ko na kayang magpatawa ng ibang tao, magpasaya... humalik... mag alaga.

Isang yakap galing sa likod ang natanggap ko sa kanya. Tumuwid ako ng pagkakatayo at kinalas bahagya ang kanyang braso. Hinarap ko siya at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik. Niyakap niya ako ng paharap ngayon. Hinilig niya ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hinaplos ko ang kanyang buhok.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon