Kabanata 19

943K 28K 27.8K
                                    

Kabanata 19

Salamat

Sabay sabay kaming nagtungo sa dining area. Sa long table nina Jacob ay naroon ang mga kabanda niya noon. Si Leo, Ron, Louie, at Teddy. Si Jacob ay nasa tabi ni Teddy at isang upuan naman ang nasa kanyang kaliwa.

"Kumain na tayo?" ani Jacob sabay tayo.

Nang narinig ng kasambahay ang sinabi ni Jacob, isa sa kanila ay nagsalin ng tubig at juice sa baso ng lahat ng naroon.

"Rosie!" ani Teddy. "Nandito ka pala!"

Kitang kita ko ang paglinga niya sa mga kasamahan. It was like normal for Leo and Louie. Tanging si Teddy lang ang nagulat. Si Ron ay nakatingin sa akin ngunit tahimik lamang.

"Dito ka, Rosie..." ani April sabay tapik sa tabing upuan niya.

Tumango ako at dumiretso doon. I left Felicity beside Jacob. Ang kaharap ko ngayon ay si Leo. Ang katabi naman ni Leo ay si Jacob. Sa tabi ni Jacob ay si Felicity.

"Na... abutan nila ako sa puntod ni Don Juan... So..." nagkibit ako ng balikat.

Well, this is awkward!

"Anong oras kayong umuwi ni Karl noong isang gabi?" tanong ni Teddy sa akin.

Yes, we saw each other in a bar. Noong pinuntahan namin si Mikael ay naroon siya kasama ang kanyang mga pinsan.

"Ah!" Damn it! "Hatinggabi or so..."

Ngumiti siya.

"It's been a while, Rosie. Akala ko excuse mo na naman ang pagiging busy sa hindi mo pag uwi sa Alegria..." wika naman ngayon ni Ron.

Bahagya akong tumawa. "Hindi naman. Ngayon lang din talaga ako nagkaroon ng oras. Busy sa trabaho."

I'm concerned. Nag sisimula nang kumain ngunit natuon sa akin ang buong atensyon.

"Rosie, oh..." ani April sabay lagay ng pagkain.

Hindi ako makapag concentrate sa pagkain dahil sa mga tanong nila.

"Hindi ba nangibang bansa ka? Saan 'yon?" tanong ni Teddy. "Kumusta si Tita Adele?"

Tumikhim ako. "Dubai... Uh, maayos naman si mama. Nag the therapy siya."

Hinawakan ko ang mga kubyertos at sumubo ng bahagya. Batid ko ang maraming kasambahay nina Jacob. Noong iniwan ko itong bahay na ito, halos dalawa na lang. Ngayon, ang dami na nila.

"Anong trabaho mo sa Dubai?" tanong ulit ni Teddy.

Nagkatinginan kami ni Leo na tahimik ngunit kitang kita ang kuryosidad sa mga mata.

"Ah... 'Di naman ako nag trabaho doon. I mean, hindi OFW. Hired ako bilang HR at endorser ng V Malls. Team kaming pumunta doon para maka close ng deal sa isang malaking investors."

"Oh! So... sa V Malls ka under noong nagpunta ka doon?"

"Yup."

I hope this ends it.

"Hindi ba ay nag apply ka sa V Malls, Felicity?" tanong ni April.

"Ah! Oo. Si Rosie nga ang nag interview sa akin, e." Ngumisi si Felicity sa akin.

Napatingin si April sa akin. Laman ang kuryosidad sa mga mata. Ngumiti ako.

"Yup... She's done well. The senior HR will inform her kung kailan ang second interview."

"Wow! Congrats, Felicity!" ani April.

Namatay ang usapan nang nagtanong si Leo tungkol sa mga guests sa kasal nina Ron at April. Lahat kami ay nakatoon na sa kanila.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon