Chapter 14

2K 62 10
                                    

[ KOOKIE POV ]

Tahimik lang si Aemy habang nagsasayaw kami. Hanggang kelan ba kami mananatili sa ganitong relasyon? Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo si isip niya. Sana ako, hahaha korni. Kelan ba niya mapapansin ang nararamdaman ko kung kaibigan lang ang tingin niya sakin. Kaya kahit nagaalangan ako at kinakabahan, kailangan kong iparating sakanya..

"Aemy, alam mo bang mahal kita?" nakita ko na may bahid ng pagkagulat ang reaksyon niya. Alam ko namang hindi niya seseryosohin kapag sinabi ko sakanya eh. Inoobserbahan ko ang reaksyon niya, sa mga mata niyang hindi kayang magsinungaling. Kaya muli kong inulit, "Mahal kita". Ngumiti siya, pero hindi lang basta ngiti, ngumingiti siya pero parang may bahid ng hinagpis. Yung ngiting gustong mag-palaam.

Sa mga sumunod na sandali ay hindi ko inaasahan, para bang bumagal ang lahat. Naramdaman ko ang paglibot ng kanyang mga kamay sa aking leeg at ang pagdampi ng kanyang labi saakin.

"I love you even more.." hindi ko maipaliwanag pero parang tumigil ang lahat. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakikita ko siyang naglalakad papalayo saakin, hanggan sa mawala na siya sa aking paningin.

Tama ba ang narinig ko? na mahal niya ako? Oo, tama ang narinig ko. Pero bakit hindi ako masaya? Bakit pakiramdam ko pinakawalan ko siya? bakit nasasaktan ako?

Sinabi niyang mahal niya ako, pero bakit ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig sakanya ay hindi nagdudulot ng saya? Ano itong nararamdaman kong kaba at sakit? bakit siya umalis?

"Bakit?" napahawak ako sa dibdib ko, naguguluhan ako. Pagkakamali bang sinabi kong mahal ko siya? Ano itong nararamdaman ko, naalala ko an ekspresyon ng kanyang mukha, ramdam kong sincere ang sinabi niya pero parang nasasaktan siya? bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa gitna ng hall bago sumiksik sa utak ko na wala na si Aemy sa harap ko.

"Aemy!" mabilis kong tinunton ang dereksyon kung saan siya nawala. Dumeretso agad ako sa labas, para akong hinihili. Pagkalabas ko palang ay tanaw ko na si Aemy sa gate na parang kinakausap yung taxi driver. Kaya nagmadali akong tumakbo.

"Aemy!!!" tawag ko sakanya. Hindi siya lumingon at nagmamadaling buksan ang passenger door. Natakot ako na mawawala na siya kapag hinayaan ko siyang makaalis ngayon. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung palalagpasin ko ang pagkakataon na ito. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero nagawa kong itulak pasara ang pinto bago pa man sya makapasok.

"Manong, hindi siya sasakay." agad kong sabi. Panay parin ang hila ni Aemy sa pinto.

"Sigurado ka miss?" tanong naman ni manong kay Aemy na nagpupumilit hilain ang pinto.

"Sasakay ako manong!" aniya. Hindi man lang siya lumingon sakin, pursigido siyang makasakay ng taxi, gusto niyang lumayo saakin? Hindi ako papayag, ngayon pa?

"HINDI KA SASAKAY!" hindi ko napigilan ang sarili ko, nagulat siya at napabitaw sa handle ng pinto. "Manong pasensya na, kailangan ko siyang kausapin," dumukot ako ng limang daan sa pitaka ko at inilagay sa upuan. "eto po pang kape niyo, pasensya na po sa abala, manong." agad naman siyang umalis at gayun din si Aemy na naglalakad nanaman papalayo sakin.

Bakit ka ba lumalayo?

Hinabol ko siya at hinila ang kanyang braso. Nagpupumiglas siya at pilit kumakawala. "Sandali lang Aemy." ayaw niyang tumingin sa direksyon ko. "Tingnan mo ako" hindi parin siya tumitingin kaya nagpunta ako sa harap niya. Dahan dahan ay ihinarap ko ang mukha nya sakin. Parang tinaga ang puso ko nang makita siyang umiiyak, nagkalat na ang mascara niya at namumula na ilong. Gamit ang aking kamay ay pinunasan ko ang mga luha niya.

[#2] Gay Turned Campus Hunk: Fall In Love With Me [BTS Jungkook]Where stories live. Discover now