Chapter 22.5

3.3K 64 6
                                    


Ano.. patayin ko nalang ba si Saint? HAHAHHA


Ang sipag ko magpost ng UD ngayon hahaha. :D


leave some comments below :D gusto kong malaman mga reaksyon n'yo hahaha :)


please do read ARCHERS 1: CALIX AVINANTE :D


Thanks!


-----------------------------------------------------------------------


Chapter 22.5

Via

Inirapan ko s'ya at tinulak para makalayo sa akin. Madilim naman ang mukha na lumabas s'ya sa inookupa kong kwarto. Napaismid pa ako ng ibalibag n'ya ang pinto. Gago s'ya! Ano nanaman ang trip n'ya sa buhay?

Hindi na uli ako magpapauto sa kanya. Sapat na yung mga ginawa n'ya sa akin para matuto ako. Oo, nadadala pa rin ako sa mga halik n'ya pero hanggang do'n nalang yon. Nuncang hayaan ko uli s'ya makapasok sa buhay ko ng ganon-ganon lang. Pagkalabas na pagkalabas ko rito sa ospital ay pupunta ako sa IMC.

Hindi por que nalaman n'ya na buhay ang anak KO ay kakalimutan ko na ang mga kahayupan na ginawa n'ya sa akin.

Nakahalukipkip ako nang may pumasok na dalawang nurse dala-dala ang isang tray. "Ma'am, I've brought your lunch. Babalikan ko nalang po ito after an hour," Sabi n'ya habang dahan-dahan na inilalapag ang pagkain sa isang maliit na portable folding table na inassemble ng kasama n'yang nurse.

"Rinequest po ng mister n'yo, Ma'am," Sabi ng nurse na nagassemble nung lamesa bago pa ako makapagtanong. "Binilinan n'ya rin po kaming ipainom yung vitamins na nireseta ni Doc Sanchez at Doc Delgado."

Tumaas ang kilay ko habang di makapaniwalang umiiling. Anong akala ng damuho na iyon sa akin? Lumpo?

Nakakunot ang noong itinulak ko papalayo sa akin ang pagkain na dinala nila. "Ayoko n'yan," Matigas kong sabi habang nakatingin sa may bintana.

"A-Ah, e-eh..." Angal nung babaeng nurse na maigsi ang buhok. Pagtingin ko sa nameplate n'ya ay Joy Rivera pala ang pangalan nito. "Ma'am, lagot kami sa mis-."

"Huwag n'yo kong pilitin. Ayokong kainin yan!" Matigas ko pa ring sabi.

Pagbaling ko sakanila ay nakayuko yung isang nurse na nakapusod ang buhok. Angelene Angeles, basa ko sa nameplate nito. Pasimple itong tumitipa sa cellphone.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto. Napatigil tuloy kami ng nurse sa pagtatalo. Paano sabi n'ya ay susubuan pa ako. MUKHA BA AKONG WALANG KAMAY?!

Pumasok ang damuho na nakakunot ang noo. Sinenyasan nito yung dalawang nurse na mauna na. "Ako nang bahala rito. Bumalik na kayo sa station n'yo. Thank you."

Nakapameywang ako habang titig na titig s'ya sa akin. He heaved a sigh and sat on my hospital bed. Napakapit ako sa kobre kama ng lumundo ito.

"Baka bumigay 'tong kama! Umalis ka nga!" Sita ko sa kanya. Aywan ko ba pero ang laki ng inis ko sa kanya ngayon. Sa tingin ko hindi lang 'to dahil sa mga kasalanan n'ya sa akin. Ugh, pregnancy hormones.

"Why are you so grumpy, Via Marie?" Lukot ang mukha na tanong nito sa akin.

"Ang pangit mo kasi!" Sagot ko bago humiga sa kama at tumalikod sa kanya.

"Talk to me, Via," Utos n'ya sa akin. "Kumain ka na. You should take care of yourself. Baka nakakalimutan mo, may batang nasa sinapupunan mo, Via Marie."

Hindi ako sumagot. Manigas ka d'yan, Mondragon! Sa kakamura sa kanya sa isip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Gusto ko ng popcorn....

**

Saint

I sighed as I caressed her hair. Salita ako ng salita, sermon ako ng sermon --- yun pala tulog na. Napangiti nalang ako ng kumunot ang noo nito. Maybe she's dreaming about popcorns again. Nang makatulog s'ya after ng check-up sa OB-Gyne ay nagii-sleeptalk s'ya. She kept on mumbling the word popcorn. Natatawa nalang ako pagnaaalala ko ang paglalim ng gitla sa noo n'ya kasabay ng pagsigaw n'ya ng, "Ibalik mo ang popcorn ko!"

She looks so peaceful as she sleeps. Sana palagi nalang tulog para hindi ako nasisinghalan. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit ganito ang pakikitungo n'ya sa akin... Masyado ko s'yang nasaktan. The pain that I have caused her was enough reason for her to keep the existence of my unborn child away from me.

Kanina ay kakausapin ko sana si Cara para ipahanda yung bahay, ang kaso nagtext sa akin si nurse Angelene. Ayaw daw kumain ni Via Marie kaya agad akong napabalik sa inookupa n'yang kwarto.

Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. I still have Jeremy with me... at hanggang ngayon ay hindi ko maatim na iwan s'ya. She was the love of my life... how could I just drop her like a hot potato? But then there's Via and my unborn child... lalong hindi ko rin sila kayang pakawalan. Lalong lalo na ngayon na umeeksena rin si Cielo sa buhay ng anak ko. Aakuin n'ya ang magina ko? Tangina n'ya. Hindi ko ibibigay kahit na sino sa dalawa! Manigas s'ya pero binabawi ko ang dapat na akin naman.

Nagring ang cellphone ko at agad kong sinagot nang makitang si Thor ang tumatawag.

"What's up, a-hole?" Bati ko sa kanya. Hindi gaanong malakas ang pagkakasabi ko dahil baka magising si buntis at magsungit nanaman.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Nasaan ka?"

"Hospital. Why?" Nakakunot noong sagot ko sa kanya.

Ang tagal bago s'ya sumagot kaya naman akala ko ay wala na s'ya sa kabilang linya. I was about to drop the call when he spoke:

"Someone... someone filed a lawsuit against you, Saint."

What? Napatigil ang paghaplos ko sa buhok ni Via sa sinabi ni Thor. Lawsuit? May nagsampa ng kaso sa akin?!

"A lawsuit regarding..." Tumigil s'ya sandal at napansin ko ang hirap sa boses n'ya. Para bang hindi s'ya makapaniwala. Damn! Ako rin!

At mas lalo akong namutla sa sunod na sinabi n'ya. I looked at Via's sleeping face...

"...Regarding sexual assault."

Could it be...?



Dating the CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon