Prologue

24.2K 298 4
                                    

Prologue

"I need a copy of Mr. Lu's report."


Napailing nalang siya sa sinabi ng binate. Wala man lang paki, please, o kindly sa salita nito. Ni hindi man lang nga nag-abalang tumingin. Ultimo ang boses ay halatang nagde-demand na agad-agad sundin. Sigurado siya na kung empleyado rin siya ng antipatikong ito ay baka nanginginig na niyang ibinigay ang hinihingi nito. Mahirap na at sa siste pa lamang ng boss na ito ay pagi-impakehin ka na ng gamit mo anytime.


Hay naku! So dominant.


Sa isip-isip niya ay ganito siguro talaga ang lalaki dahil tanyag na CEO. Hindi lang isang K ang mayroon ito para umasta nang ganoon kundi KKK.


Napapalatak siya at naiinis na nagbuntong-hininga. She's bored as hell at mukhang walang balak umalis ang secretary ng CEO. Takot man ang nasa 20's na babae ay halatang busy rin ito sa pagsa- sightseeing. Enjoy na enjoy sa pagtitig kay Mr. CEO.


Nainis siya at napanguso. Eh kung dukutin kaya niya ang mga mata nito at ibulsa? Magandang ideya yon!


She faked a cough kaya namna mukhang natauhan si Ms. Secretary na huwag na nating pangalanan dahil wala naming ambag sa kwentong ito kundi inisin siya.


Pagkalabas nito ay lumapit s'ya pinto at saka linock ito. Kinuha n'ya rin sa bulsa n'ya ang iPhone at nagpatugtog ng isang sexy song. Nakita n'yang napatigil ang CEO sa pagta-type nito sa keyboard. Napangisi s'ya. Dahan-dahan s'yang naglakad dito. She swayed her hips sexily at awtomatiko namang napahugot ng hininga ang CEO. She slowly made her way to him and when she finally reached his table, dahan-dahan n'yang pinagapang ang daliri sa lamesa nito habang umiikot papunta sa likod ng lalaki. She ran her fingers from his back to his chest. Mr. CEO's breathing became heavy at hindi na s'ya nagtaka nang bigla s'ya nitong hatakin at halikan.


They were busy devouring each other's lips ng itulak n'ya ito palayo. Nakakunot ang noong tinitigan s'ya nito. Kinuha n'ya ang handkerchief na nakasuksok sa bulsa ng suot nitong suit. Pinunasan n'ya ang kalat-kalat na lipstick sa labi ng lalaki habang nakababa ang tingin nito sa ginagawa ng kamay n'ya.


"What do you want, Via?" Tanong nito sa kanya. Pinulupot nito ang kaliwang braso sa baywang n'ya habang ang kanan na kamay ay ginamit sa pagta-type sa keyboard. Ngali-ngali n'yang sabihin na type nya rin ito.


Napahagikgik siya sa naisip.


She pouted her lips na tila bang nagpapaawa sa nobyo. Kumunot ang noo n'ya ng hindi manlang natinag ang lalaki sa pagta-type nito.


"What do you want, honey?" Tanong uli ng lalaki sa kanya pero hindi s'ya sumagot. Ilang ulit pa itong nagtanong pero nanatili s'yang tahimik with her lips pouted and her forehead creased.


Ah, bahala s'ya jan! Ayaw n'ya akong tignan, ha, isip-isip niya.


Her Mr. CEO sighed. Tuluyan na itong yumakap sa kanya, "Alright. Let's have a date."


Binggo!

Dating the CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon