Chapter 1

18.7K 218 1
                                    

Chapter 1

Tulak-tulak n'ya ang grocery pushcart habang binabasa ang nutrition chart sa likod ng pancake mix na hawak. Nararamdaman n'ya ang tingin ng mga tao sa kanya. Hindi naman n'ya masisisi ang mga ito. She's still beautiful even if her hair is messy na halatang hindi sinuklay at kahit na naka-plain white shirt lang s'ya, skinny jeans, at walang make-up.

Kanina pa ring ng ring ang iPhone n'ya pero hindi n'ya ito sinasagot. Paki n'ya ba! Busy s'ya sa pagkikilatis ng mga binibili n'ya. Aba! Healthful (hindi po ito typo) person ata s'ya.

Linagay n'ya ang mga granola bars sa pushcart at dumiretso na sa fruits & vegetables section. Seryosong seryoso s'ya sa pagpili between raspberry at blueberry ng may bumulong sa tainga n'ya.

"What the hell, sweetheart!? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Bigla n'ya tuloy naisubo ng sabay ang raspberry at blueberry na hawak n'ya. Napangiwi s'ya sa pinaghalo nitong lasa. Hindi na sya naka-react pa noong biglang pumaikot ang braso ng lalaki sa baywang n'ya.

"Don't do that again, honey. Pakiramdam ko hinahatulan ako ng death sentence kapag hindi ko alam ang nangyayari sa'yo. Please, please answer my calls, okay? At kung aalis ka, leave a message." Sabi nito. Na-touch naman s'ya kaya yumakap s'ya dito. PDA alert pero 'di talaga carry ng powers n'ya na hindi lambingin ito. Napaka-manly ng boses nito.

Naka-angkla ang braso nya rito habang tulak-tulak ni baby boy ang pushcart. Nakapili na sila sa counter at ang sarap lang tusukin ng mata ng cashier dahil titig na titig ito sa kanya. Yes, sa kanya dahil lalaki ang cashier. Ang bagal tuloy nito kumilos dahil imbis na sa mga pinamili nya nakatingin, eh, sa kanya. Kumindat pa ito pero bago n'ya masinghalan ay nahigit na s'ya paalis ni Mr. CEO.

Nakasimangot s'ya habang hinihiwa ang steak. Masama pa rin ang loob nya. Aba! Ang tagal ng na-waste n'yang time sa grocery at bigla nalang s'yang hihigitin paalis ng lalaki. Sayang effort n'ya. Nagkaduling-duling pa naman s'ya sa pagbabasa ng nutrition chart.

"Stop frowning, woman," sabi lang ng lalaki sa kanya. Hindi ito tumitingin sa kanya at patuloy lang sa pagkain.

"Ikaw kasi, eh! Sana pinagsabihan nalang natin yung cashier imbis na umalis tayo," she said at nagdadabog na sinubo ang nahiwang steak.

"Magu-utos nalang tayo ng mag-grocery, okay? Now, eat properly. I don't want my woman starving to death."

"Yieee! Kilig naman ako, baby boy!" Asar n'ya rito. Lumapit s'ya at dinutdot-dutdot ang pisngi nito.

"Wow, Saint! Baby boy ka na pala, eh!"

"What the hell are you doing here, Victoria?!" Tanong nito.

"Oo nga! Para kang mushroom, ah." Dagdag n'ya. Wala lang, gusto n'ya lang makisingit sa usapan ng dalawa.

"Aba, aba! Ginaganyan mo na ako, Via Marie, ha!" Sabi ng lalaki sabay upo sa tabi n'ya.

Nagtagis ang bagang ni Saint at muntik na nitong mabato ng tinidor ang step brother nang bigla itong uminom sa baso ni Via. Indirect kiss 'yon, 'no!

Pinalakihan lang s'ya ng mata ni Via kaya hindi n'ya naituloy ang balak. Akmang ibababa na ni Victoria o Thor ang baso ng hablutin ito ni Via. Nabulunan na pala ito sa pagpipigil ng tawa ng makita ang gagawin sanang pagtusok ni Saint ng tinidor sa step brother.

"Via Marie!" Malakas ang boses ni Saint. Matigas at halatang nagpipigil na maging murderer. Napangiwi sila pareho ni Thor. Dahan-dahan namang umexit ang lalaki ng makitang umuusok na ang ilong ni Saint. Mamaya matuloy pa ang pagksaksak ng tinidor sa kanya, eh.

Ngumiti lang si Via at biglang nag-peace sign, "C-Cute cute naman ni baby boy!"

Napanganga s'ya ng biglang umirap si Saint. Aba! Matuhray! Lumipat s'ya sa tabing upuan nito at saka pinang-gigilan ang lalaki. Hindi s'ya matitiis nito, pustahan. Maya-maya pa ay nakayakap na rin ito sa kanya. Ang swerte n'ya lang, diba? Paano nga ba sila nauwi sa ganito?

•Weeks before

Hay! Nakakasawang maging maganda. The end.

Obviously, mamatay na s'ya sa sobrang pagkabagot kaya balak n'yang mangtrip ngayon. Dali-dali s'yang umakyat sa bodega at hinanap ang box na may nakasulat na 'past'. Binuhat n'ya ito hanggang kwarto. She took one photo at iniscan sa computer. She made a new e-mail account at saka nag-compose ng mail. Sumandal s'ya sa swivel chair at prenteng naghintay ng sagot.

*

"Cara!" Sigaw n'ya. Ibinato n'ya ang papeles sa kanyang sekretarya. "Ano 'to?! Hindi ba't sinabi kong ipapirma mo na 'to kay Mr. Singh?! Anong ginagawa nito sa lamesa ko ngayon?!"

"S-Sir..." Nanginginig na ang sekretarya n'ya. "I-I'm sorry, Sir. Ipapadala ko na po yan kina Mr. Singh." Nakayukong lumabas ito ng opisina n'ya.

Stressed out s'ya buong maghapon. Isa pang nakakapang-init ng dugo si Via Marie. Hindi manlang ito tumatawag o nagte-text. Supposedly ay dumaan ito kaninang alas dose para dalhan s'ya ng lunch. Ilang oras s'yang naghintay pero hindi manlang ito dumating. Tatawagan na sana n'ya ito ng biglang may nag-pop na mail. File ang laman ng mail. He opened it at ganoon nalang ang pagkunot n'ya ng noo.

From: anonymous@yahoo.com

Subject:

vma.jpg

Shit! Kaya naman pala hindi nagpaparamdam si Via Marie. Busy pala ito sa ibang lalaki! May picture pa ito na naka-angkla sa braso ng isang lalaki na halata namang mas gwapo s'ya. Nakangiti silang pareho. Nanginginig ang kamay n'ya.

Alam nya ang nangyayari sa kanya. He is losing control. Naibato na n'ya ang mug na nasa lamesa n'ya. Lumikha iyon ng malakas na tunog. Pumasok ang sekretarya n'ya na gulat na gulat.

"S-Sir..."

"GET OUT!"

Halos madurog na ang screen ng cellphone nya sa sobrang diin ng pagkakapindot.

Damn it, Via Marie! Answer your phone or else!

*

Napaayos s'ya ng upo ng magring ang cellphone n'ya. Bumilang muna s'ya ng hanggang apat bago inaccept ang call.

"WHAT THE HELL, VIA MARIE!? Where are you!? Sinong kasama mo?! I swear I'm gonna kill that asshole! Go to my f*cking office, Via! Now!"

Napangiwi s'ya. Lagot!

Dating the CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon