Chapter 12 - Back in Miko's Past

734 15 4
                                    

Chapter 12

-Back in Miko's Past-

***MIKO'S POV***

"Uy, Carlo. Tapos na class mo?" Bati ni Debbie dun sa istorbong si Carlo.

Grabe! Ang sarap bangasan ng mukha eh! Panira ng moment, mga pare! PANIRA NG MOMENT! Andun na eh! Tatanungin ko na eh! Tapos biglang susulpot 'tong panget na 'to!

"Oo, tapos na. Anong ginagawa niyo?" Tanong nung ungas at napatingin pa sa akin. Bwiset! Siya na nga 'tong istorbo, siya pa yung may ganang samaan ako ng tingin!

"Ah, wala. Nag-uusap lang. Teka, akala ko ba 1 PM ang tapos ng class mo? 1:20 na ah. Kanina pa kita hinihintay eh." Reklamo naman ni Debbie kay Carlo.

So kaya pala siya nandito kasi hinihintay niya si Carlo. Psh. Akala ko pa naman masosolo ko 'to si Debbie ngayon. Bwiset.

"Sorry na. Pinuntahan ko pa kasi si Sten sa class niya eh. May binigay lang ako."

Sten? Sten ba kamo?! As in yung Kirsten ko?! YUNG KIRSTEN AMARO KO?!

Parang gusto kong sumuntok ng nasa harapan ko ngayon! Gusto kong sumuntok ng Carlo na nasa harapan ko ngayon!

"Ah, ganun ba?"

Nawala bigla yung galit ko nung narinig ko yung boses ni Debbie. Natauhan lang ako kasi iba eh. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, naramdaman kong malungkot yung boses niya.

Tinignan ko siya para makasiguro. At tama nga ako. Nag-iba yung facial expression niya.

"Sorry na kasi. 'Wag ka nang magtampo oh." Pakiusap ni Carlo sa kanya.

"Hindi naman ako nagtatampo eh. Haha. Ayos lang 'no. Buti nga nandito si Miko para libangin ako sandali eh."

Nakita kong ngumiti si Debbie, pero mukhang pilit na ngiti lang. Hindi natural yun.

Pero natuwa naman ako dun sa sinabi ni Debbie. Ha! In your face, Carlo! IN YOUR FACE!

Napatingin naman si Carlo sa akin nang masama. Hay nako. Kailan ba hindi? Binabalikan ko nalang siya ng sama ng tingin. Ramdam naman naming dalawa yung tension lagi eh.

"Sige, alis na ako, Debbie." Paalam ko.

Actually, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero bahala na! Ayoko namang makiepal pa dito sa dalawang 'to.

"Oh? Bakit, akala ko ba 2:30 pa class mo?" Tanong ni Debbie.

"Oo nga. Kakain lang ako sa GAB Caf. 'Ge." Sabi ko, sabay-alis bago pa ako pigilan ulit ni Debbie.

***GAB Caf = Gusaling Andres Bonifacio Cafeteria***

Naglalakad na ako papuntang GAB Caf nang may nareceive akong text.

1 message received

From: Ezekiel Tan

Tol, sa'n ka? Break mo dba? Free cut ko. Dito ako sa tambayan. Punta u here. Waiting na me. :))

Nako, ibig sabihin, babalik ako dun? Hindi pwede. Makikita ako nila Debbie.

Fine, dun ako dadaan sa parking, papuntang tambayan. Sana lang 'di nila ako makita. Tanaw kasi sa tambayan yung Oble Garden, kung nasaan sina Debbie ngayon, eh. Pero malay ko, baka umalis na yun dun.

Pumunta na ako dun kay Zeke

"Uy! Bilis ah." Bati niya nang hindi nakatingin sa akin.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon