Chapter 25 - It Should've Been Me

612 13 1
                                    

Chapter 25

-It Should've Been Me-

***MIKO'S POV***

Nakahiga ako sa kama ko ngayon, nakatingin sa ceiling at nagmumuni-muni nanaman.

Ang dami kong nalaman ngayong araw na 'to. Pero ang pinakabumagabag sa akin eh yung sinabi ni DJ. Buong akala ko boto na siya sa akin para kay Debbie. Pero bakit parang hindi naman siya galit? Oo, binabalaan niya ako, pero hindi niya naman sinabing layuan ko si Debbie. Bukod-tanging sinabi niya lang eh mamili na ako. Alam ko naman kung anong ibig sabihin niya dun sa pagpili eh.

So what's it going to be, Miko?

---

"Bakit ka nandito?!" Nanlalaking-matang tanong ko kay Zeke.

"Masama ba magsit-in? Nagpaalam na ako dun sa prof niyo." Sagot niya.

Napatingin naman ako dun sa kamay niyang nakaakbay sa armchair ni....Skye.

"OMG, kayo???" Tanong ni Debbie kay Skye. Pareho kami ng reaksyon.

Tumango naman si Skye. Kakarating lang namin ni Debbie dito sa room namin for NSTP, at ito ang nadatnan namin--Zeke and Skye. Wow. Talk about shocking.

Naupo na kami ni Debbie sa likuran nila. Hindi namin maiwasan ni Debbie na titigan yung dalawa. Parang last week lang laging nakasimangot si Skye at hindi man lang magawa akong ngitian, pero itong si Zeke, kinaya yung kasungitan na yun???

Bigla namang lumingon si Zeke sa amin, "Eh kayo ba, ano nang balita? By the way, I'm Zeke, and you're Debbie, right? I've heard about you. 'No, Miko?" Kumindat pa 'to sa'kin.

"Nice meeting you, Zeke." Bukod-tanging sagot ni Debbie.

Buong klase ay hindi kami makaconcentrate ni Debbie dahil nasa harapan namin ang halos langgaming sina Zeke at Skye.

"Hintayin nalang kita sa Coffee Bean sa Rob ha? Mukhang masungit yung prof mo eh, ayoko magsit-in. Just text me when you're done tapos sunod ka nalang sa'kin doon. I'll wait there." Sabi ko kay Debbie nang hinatid ko siya sa susunod niyang class.

Pumunta na nga ako dun sa CBTL sa Rob. Doon muna ako nagstay habang hinihintay matapos yung class ni Debbie. Nagsoundtrip muna ako gamit yung phone ko habang umiinom ng ice blended coffee. Maya-maya, may nagtext sa akin.

1 message received

From: Kirsten Amaro

   Mikokoooooo!! Asan ka ngayon?? I need yer help!! Wala kang class, 'di ba?

To: Kirsten Amaro

   Wala naman. Ano yun? Dito ako sa CBTL sa Rob.

From: Kirsten Amaro

   Ayun, sakto!! Dito rin ako sa Rob eh. Punta ako dyan, wait lang.

Hindi na ako nagreply. Malolowbatt na rin pala ako. At ano naman kayang klaseng tulong ang kailangan nitong si Sten? Maya-maya lang ay dumating na siya.

"Hay! Grabe!! Knight in shining armor ka talaga, Miko! Tara!" Sabay-hila niya sa akin palabas ng CBTL.

"Uy, sandali, saan tayo pupunta?" Tanong ko, habang hinihila niya pa rin ako.

"May dala kang kotse, di ba? Padaan naman ako sa SM Manila, please? Sarado yung bangkong pinagdedepositan ko ng money eh. Yung branch na pinakamalapit is sa SM Manila pa."

The InitiationWhere stories live. Discover now