Chapter 20 - DJB • 213

672 13 0
                                    

Chapter 20

-DJB • 213-

***MIKO'S POV***

Ngumiti lang si Debbie dun sa sinabi ko tapos pinisil niya yung pisngi ko.

"Aray naman." Reklamo ko.

"Ang cute mo. Haha. Tara na nga. Malelate pa tayo eh." Aya niya.

Nagulat ako nung siya na mismo yung humawak sa kamay ko at hinila ako papasok ng CAS. Hinatid ko na muna siya sa classroom niya bago ako pumasok sa klase ko.

"Hihintayin ba kita mamaya?" Tanong ko.

"'Wag na. Sasabay din naman ako kay Dave eh. Sige na. Pumasok ka na. Baka ma-late ka pa eh."

"Sige. Bye, Debbie!" Paalam ko. Pagkatapos nun, pumasok na rin siya sa room niya.

Naglalakad na ako papunta sa room ko nang biglang may black entity akong nadaanan.

"You're doing great. Pero tandaan mo, umaandar ang oras mo, Delgado."

"Anong ginagawa mo dyan?" Iritableng tanong ko. Parang tanga lang kasi eh. Nakasandal pa siya doon sa pader.

"Just checkin' up on you. Baka kinakalimutan mo na yung task mo eh."

"Sa bawat oras na kasama ko si Debbie, hindi nawala sa isip ko yung initiation task ko, okay? Kahit hindi ka mag-imbestiga dyan, ginagawa ko ang dapat kong gawin. Sige, papasok na ako." Sabay-lakad palayo.

Ewan ko ba, pero naiirita ako sa presensya ni Kurt. Hindi ko maimagine na magiging brod ko yun. Leader pa kamo. Bwiset.

Pumasok ako at natapos yung klase ng 3:55 pm. Puntahan ko kaya si Debbie? 4 pm labas nun eh. Oo, tama. Pupuntahan ko.

Umakyat na ako dun sa floor kung saan yung class niya. Naghintay ako dun sa labas. May mga bumati pa nga sa akin sa hallway eh. Grabe, sikat pala talaga ako 'no? Pero sa lahat ng dumaan na yun at binati ako, iisa lang yung may pakialam ako.

"Uy, Mikoko! Tagal na kitang hindi nakikita ah. Grabe, namiss kita! Haha. Anong ginagawa mo dyan? May hinihintay ka?" Ang daming tanong ni Kirsten.

"U-uy, Sten. Ikaw pala. Namiss din kita! Uhmmm...actually, i-ikaw...ah, oo, ikaw nga...y-yung hinihintay ko." Nauutal pa ako. =_______=

"Ako? Eh bakit dito ka naghihintay? Medyo doon pa sa dulo yung room ko eh."

"Ayy, oh? H-hindi ko naaalala. Sorry." Napakamot ako sa ulo ko sa kapalpakang ginagawa ko.

Kahit na sabihin kong may nararamdaman na ako kay Debbie, hindi pa rin naman ganun kadaling kalimutan si Kirsten.

"Ano, tara na? Bakit mo ba ako hinihintay? Kakain ba tayo? Sige, gutom na rin ako eh. Saan ba? Sa Rob? Tara." Ang dami niyang tanong.

Hindi ko siya masagot kasi wala naman talaga akong planong pumunta ng Rob dahil si Debbie naman talaga yung hinihintay ko. Patingin-tingin pa ako dun sa room nila Debbie habang hinihila ako ni Kirsten. Nung dumaan kami dun sa pinto, nakita kong napatingin si Debbie sa direksyon ko. Ngumiti pa siya sa akin. Hay nako. Parang gusto ko tuloy sabihin kay Kirsten na hindi naman talaga siya yung hinihintay ko. =_______= kaso wala eh, baka mapahiya lang siya 'pag ginawa ko yun.

"Uy! Ano bang nililingon-lingon mo dyan?" Untag ni Sten sa akin.

"H-Ha? W-Wala naman. Mukha bang meron?"

"Magtatanong ba ako kung 'di ko napapansin? Tara na nga. Libre mo ah."

"Tss. Puro ka libre. Yaman-yaman mo eh. Dyan nalang tayo sa KFC sa Taft para malapit lang." Suggest ko.

The InitiationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon