Ikatlong Kabanata

483 50 7
                                    


Naging malapit na magkaibigan sina Joshua at Anna. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Anna na may tumanggap sa kung ano sya at ang buong pagkatao nya.

Pinatuloy ni Joshua si Anna sa sarili nitong bahay. Wala namang pakialam si Anna dahil wala rin naman syang mapupuntahan. Sa bahay ni Joshua sya nanirahan sa mga sumunod na araw.

"Baliw ka alam mo ba yun? Para patuluyin ako sa bahay mo." Sabi ni Anna isang araw habang kasalukuyan silang nanonood ni Joshua ng sine sa may sala. Nakataas pa ang mga paa ni Anna na akala mo sya ang may-ari nito. Sa bawat galaw nya ay napaka-feel at home lang ang dating.

"I think I made a right choice."

"Paano ang mga magulang mo kapag nakita nila ako rito?"

"Nah. Don't worry about them. Nasa States sila ngayon at wala pang plano na umuwi sa Pinas for now. Besides, I've been living alone since I was 18. Nothing new."

"Was 18?" Nanlalaking matang tanong ni Anna. "Bakit ilang taon ka na ba?"

"Twenty-four."

"Seryoso?" Hindi halata sa mukha, sa isip ni Anna.

"Bakit ikaw ilang taon ka na ba?" Takang tanong naman nito sa kanya.

"17 pa lang ako. Mag-e 18 sa susunod na tatlong buwan."

Medjo kumunot ang noo ni Joshua. "Wow you're so young. I suddenly felt ancient all of a sudden."

"Wala sa edad yan. Nasa pinagdaanan yan ng tao." Kibit-balikat ni Anna. Hindi na nya gaanong pinansin ang layo ng edad nila sa isa't isa.

"So, sa pagpapatuloy mo sa akin dito anong kapalit?" Anna asked so casually, parang nagtatanong lang sya kung anong maaaring kainin at hindi kung ano ang magiging kapalaran nya sa pakikitira sa bahay ng isang lalaking hindi naman nya lubos na kakilala.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kapalit, yung magiging kundisyon ng ginagawa mong pagtulong. Anong gusto mong gawin ko? Maging katulong mo? Papakiusapan ako na pumirma ng kontrata bilang asawa mo dahil matagal ka nang kinukulit ng mga magulang mo at gusto na nilang magkaapo? O gusto mo akong manatili rito bilang fake girlfriend dahil meron kang ex-girlfriend na gusto mong dispatyahin dahil hanggang ngayon ay patay na patay pa rin sya sayo. Pili na."

Tumawa si Joshua. Pero hindi lang tawa, isang halakhak.

"I never knew you're so creative. Oh god, you just made my day Anna. Though I like your ideas na masyado nang cliché sa mga nababasa ko, my reason why I let you be here is none of the above."

"Imposible. Wala nang libre sa panahon ngayon."

Hindi magpapahulog si Anna sa ganitong klaseng patibong ng mga lalaki.

"Pinatuloy kita rito because I want to. I just want to help you. Yun lang yun."

"Help? Sino bang nagsabing kailangan ko ng tulong?"

Medjo nagulat si Anna noong inayos ni Joshua ang buhok nya at dahan-dahan itong iniayos sa tenga nya.

Joshua's eyes became solemn. Ngayon lang nakakita si Anna ng ganitong emosyon, compassion.

"Coz I saw a broken girl. And I know how it feels like to be broken. I want to help you."

***

Sa bahay na ni Joshua ang itinuring ni Anna bilang bagong tahanan. Maganda rito, magarbo. Lahat ng kakailanganin ng isang tao ay nandito na. Malayo sa kalyeng pinanggalingan kung saan ang lahat ng ito ay tanging sa panaginip nya lang makakamtan.

Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon