Ika-apat na Kabanata

453 42 10
                                    

Ika-apat na Kabanata.

Ilang beses tinawagan ni Joshua si Anna ngunit lahat ng ito ay binaliwala niya.

Araw-araw na inuulanan siya nito ng text at voicemail. Nagmamakaawa na balikan siya dahil kung hindi ay mapagpapakamatay daw ito.

Pinaikot lamang ni Anna ang mga mata. Palagi na niyang naririnig ito sa lalaki magmula pa noon pero wala namang nangyayari.

Kagabi pa ang huling text nito sa kanya. Isang bagay na hindi niya nireplyan. Pinatay ni Anna ang cellphone at nangako na hindi muna ito bubuksan. Ayaw niya kasing maimbakan na naman ng text message sa oras na magising ito mamaya at kulitin na naman upang balikan siya.

Ipinagpatuloy ni Anna ang buhay na akala mo walang nangyari. Palaging pumupunta si Joshua sa pinagtatrabahuan niya sa mga nakalipas na araw pero sa tuwing nangyayari iyon ay kung hindi niya iniiwasan, tinataguan lamang niya.

Mas lalo pa siyang naging abala sa mga lumipas na araw kaya nawala na rin sa isip niya ang lalaki.

"Anna, matutuloy na ang live session mo kasama si Niel Valdez ng Princeton Band. At heto pa, kasama niyang magiging gitarista si Paul Thompson ng Intricate Band!"

"Talaga ba? Promise?"

"Oo nga. Promise."

"Oh my god." Napatakip siya sa mga labi na may nanlalaking mga mata. "Oh my god!"

"Congrats Anna! Matutuloy na rin ang pangarap mo na makasama sila sa isang performance!"

Halos maluha si Anna sa saya noong marinig niya iyon mula sa manager niya. Hindi niya mapigilan ang mapatalon at mapasigaw sa tuwa.

"Iba ka na talaga. Ang layo na ng narating mo. Proud ako sayo."

"Salamat. Ikaw rin naman, Manager Toby." biro niyang siko sa kaibigan na galante na kung pumorma ngayon. Hindi tulad noon na hanggang faded jeans at shirt lang.

Tumawa ng malakas si Toby habang inaalala ang nakaraan. Ilang taon man ang lumipas ay wala pa ring nagbago sa kabilugan ng kanyang mga pingi. Lumiit lang ng konti ang tyan pero proud na proud na siya rito.

Sa totoo lang noong malaman ni Anna ang totoong edad ng kaibigan ay hindi rin siya makapaniwala noong una. Halos kasing edad lang pala nito si Joshua. Nagkataon lang na baby face kaya mukha pa ring teenager.

"Syempre naman. Gumanda ang buhay ng pamilya ko. Napag-aaral ko na rin ang mga kapatid ko. Lahat yun dahil sayo."

"Pinaghirapan mo yun."

"Oo. Pero kung hindi mo ako nirekomenda kay Josh eh di wala rin. Alam naman ng lahat na hindi rin ako nakapagtapos. Pero heto ako, successful dahil sa tulong mo."

"Magaling ka. Doon pa lang sa bar alam kong magaling ka nang magmanage ng mga kasamahan mo."

"Salamat sa pagtitiwala."

"Wala yun."

"O siya sige, baka maging cheesy pa itong usapan natin. Kailangan ka na raw sa photoshoot mo sabi ng photographer. Punta ka na. Baka mapagalitan pa tayo eh."

"Gagi. Ang bait ko kaya."

"Bait-baitan maniwala ako. Sige na. Shoo!"

Natawa na lamang si Anna sa inaasal ng kaibigan. Magmula noong maging isang sikat na singer si Anna ay si Toby na ang naging manager niya samantalang ang tito naman nito na si Mang Tonyo ang naging personal niyang drayber at alalay.

Tulad ni Joshua ay walang pinakita ang mga ito sa kanya kundi kabutihang loob. Alam ni Anna na may pagkademonyita siya pero kahit papaano ay marunong din siyang tumanaw ng utang na loob sa mga pili at tamang tao. Matagal para kay Anna ang magtiwala ngunit ilang beses niyang napatunayan ang katapatan ng dalawa magmula noong sunod-sunod ang mga ginawa niyang kagagahan noong bagu-bago pa lang siya.

Isandaang Halik (Montealto Brothers #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon