Chained XIII

30.2K 443 68
                                    

Chapter 13

Gab’s POV

Argh! Manic Monday. Ayoko parin pumasok. Okay na rin, atleast, hindi ko na makakasama si Xavier sa isang bahay ng buong maghapon. Ang kaso naman, tinatamad akong mag-aral. E kasi naman, nakakaantok magturo mga profs ko. Nakakabwisit pa yung mga bubuyog. Paano ka namang gaganahan nyan diba?

8 pa naman class ko. Pero nag-ayos na rin ako. Kumuha ako ng instant noodles, tapos sinunod ko yung instructions dun. Ang dali lang pala eh. Tapos, kumuha ako ng cake sa ref. Nakalimutan ko kasing kumain kagabi. NakakaBV kasi yung panget na yun. Speaking of the devil, nasan na kaya yun? Wala ba syang pasok? Hindi ko naman alam yung schedule nya eh. At wala akong balak na alamin pa.

7:15 na. Nakapag-ayos na ako and all. Pero, hinihila parin ako ng malambot at mabango kong kama. Huhu. Sabi pa nga nya sakin ‘Mamaya ka na umalis Gab. Humiga ka muna dito at tabihan mo kami.’ Waaaaahhhh. Nakakatempt naman umabsent.

Pero, wala eh. Kailangan kong tuparin ang pangako ko kay Papa. Konting tiis na lang naman, at malapit ng matapos ang paghihirap ko.

Crap. Wala pa rin pala dito ang kotse at motor ko. Nagtaxi tuloy ako papasok. Hindi ko naman kasi hawak yung susi ng kotse ni panget. Saka I’ll never go inside his room para lang dun. Yuck. Manyak pa man din yun.

*kringgg- kringgg*

Calling Unknown number

 

Baka isa na naman ‘to sa mga prangkster na nangungulit sakin. Kaya naman, cellphone---shutting down.

“Beshieeeeeeeeee!!”

“Jena, dalawang araw lang tayo hindi nagkita, kung makasigaw ka wagas.” Sabay na kaming naglakad sa corridor.

“So kamust naman ang first night??”

O____O

“JENALYN DE BELEN!!”

“Ano? Sorry na. Quiet na ako.”

“Argh. Alam mo namang walang dapat makaalam nun diba? Saka, hello, walang night-night na ganun noh. Yuck. Kilabutan ka nga.”

“ANO!? BAKIT?! NORMAL LANG NAMAN YUN DIBA?!”

“JENALYN! Alam mo ba yung salitang FAKE? Hindi totoo. Kaya hindi NORMAL na gawin yun. Just by the thought of it, argh. Kinikilabutan na ako. So stop that crap.”

“OkAY. Eh teka, kamusta naman ang buhay nya sa bago nyong bahay? Ano? Lilipat na ba kayo?”

“Bakit lilipat?!” Napakunot noo naman ako sa tanong nya.

“Baka kasi sira na yung mga gamit nyo, o  napasabog nyo na yung buong bahay. Alam nyo na. Sa pagbabangayan nyo. Hehe”

“Syempre, hindi naman maiiwasan yun. Pero, walang magagawa. We just have to bear with it.”

“Keri mo na yan, Gab. Gwapo naman yung FAKE HUSBAND MO eh.”

“Ilakas mo pa. Sige lang. Medyo hindi pa rinig ng mga schoolmates natin eh.”

Married to my Enemy *COMPLETED*Where stories live. Discover now