Chained LII

19.4K 262 22
                                    

Chapter 52

Xavier’s POV

“Ano ba Julius? Hindi mo pa rin ba sila makontak?”

“Pre, wala talaga eh. Hindi na nagriring. Baka nalobat na”

“Anak ng--- Sabay na lobat? Kalokohan. Third, subukan mo nga!!”

 

“Anak, wala namang mangyayari kung papaganahin mo ang init ng ulo mo.”

“Ma, kanina pa tayo naghihintay dito. They should be here by now!!” Pinatunog ko na ang mga daliri ko sa kamay sa sobrang pag-aalala. Mula ng makaalis sila Alex at Blue, hindi na ako napakali pa. Yung mga huling sinabi ni Alex, parang may halong pagbabanta. Argh! Wag naman sana.

“Pre,” tawag sakin ni Third. “Nakausap ko yung Supervisor ng condo namin. Nandun pa din daw ang kotse at motor ni Gab.”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. “S-So, nandun pa sila sa condo?”

“W-Wala daw sumasagot nung sinubukan nilang katukin eh.”

“ANO! Shet. E nasan na sila?” Hindi ko man gusto ang iniisip ko, pero hindi ko maiwasan e. Sapat ng dahilan ang pagbabanta nila samin noon para mag-alala ako ng ganito.

*ring-ring*

Sabay-sabay kaming napalingon sa phone ni Third. Tumingin muna siya saamin bago tuluyang sagutin ang telepono. Godd@mit

“Yes? Oo. Si Miss Sy nga.” Gustong-gusto kong hablutin ang cellphone nya para ako mismo ang kumausap sa sino mang lintek na nasa kabilang linya. Pero alam kong hindi tama ang gagawin ko. “What!?” Nagkatinginan kami ni Third, at alam kong hindi maganda ang ibig sabihin ng mga iyon. “Anong oras sila umalis?.... Naplakahan nyo ba?... Hmm.. Try your best. Tawagan nyo ako kaagad kapag nakita nyo na. Hmm. Bye.”

“Ijo, sinong nakausap mo?” Si Mommy. Pati sila ay nag-aalala na rin pero alam kong pinipilit nilang kumalma.

“Supervisor po ng condo namin. Nakaalis na daw po sila Gab 30 minutes ago.”

 

“Kung ganun pala, e bakit wala pa sila dito? Natraffic? Nasiraan? Ano?!” Hindi ko na magawa pang kumalma. Dahil alam kong may hindi tama dito.

“Nakita po nila ang CCTV sa parking lot ng condo. May mga lalaking humarang sa kanila at nagsakay sa hindi pa nakikilalang van.”

“WHAT!?”

“Jusko.”-Si Mommy.

“Kasama ba nila si Jena?” nag-aalalang tanong din ni Julius. Tumango lang si Third at saka lumingon sa lugar ko. Ano bang nangyayari sa pamilya namin?

“Armado sila at mga nakatakip ang mukha. Ayokong takutin ka Xavier, pero sa mga nakita nila sa video, kayang-kaya nilang pumatay ng tao.”

Married to my Enemy *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon