Chained XLV

16.4K 270 20
                                    

Chapter 45

 a/n: after ng matagal na panahon, nakapag UPDATE DIN SA WAKAS.  At dahil natutuwa ako sa mga comment at messages nya, sakanya ko to idededicate.. hehe. enjoy

Gab’s POV

“I want that report in my office in 30.”

“Anong akala mo sakin? Robot?”

“Miss Sy, baka nakakalimutan mong superior mo ko.”

“Sinabi ko bang nakalimutan ko?”

“Narinig ko yun!” Tss. Ang init talaga ng ulo nitong si Jacob. Kung hindi lang ‘to gwapo, matagal ko ng inunder ito. Eh gwapo eh. Haha. Kaya wala akong magawa. “Ano bang gagawin ko sayo. Aish.” Hinilot-hilot pa nya ang ulo nya. “Sige na. Umuwi ka na muna. Mukhang wala ka rin sa sarili eh.”

“Hindi na. Ayoko pa ring umuwi. I’d rather stay here and be manipulated by a devil boss like you.”

“Isang sagot pa Miss Sy.” Ang gwapo pa rin kahit na nagagalit na at stressed out. Haha. “Labas na. Just make sure to send that report to my email. Now out!!”

“Tss.” Makapagmall na nga lang. Hindi rin naman pwede si Third at may date yata. Pinagpalit na ako nung mokong na yun dun sa half poodle. Si Jena? Wag nyo ng tanungin. Mukhang masaya na sya sa mini zoo nila ni Julius. Palabas na sana ako ng building ng may tumawag sakin.

“Mag-usap tayo.”

“What makes you think that I’ll say yes?”

“I’m not asking you. I’m telling you.” Pilipitin ko kaya ang dila ng malanding ‘to?

“Sa café na lang malapit dito.” Nauna akong naglakad. Hindi naman nya alam kung saan eh. Tss. Nawalan na tuloy ako ng ganang magmall. Kainis. Ang dami pa namang bago dun. Namiss ko na din ang maglibot-libot dun at magtaray sa mga intrimitidang mga sales lady na kala mo kung sinong mga nasapak sa kapal ng make-up. Haha.

“Umorder ka na muna.”

“Hindi na. Ayoko rin namang patagalin pa tong pag-uusap na ‘to.” I said as we reached a seat in a not so crowded area. Baka mamaya mag-eskandalo pa tong babaeng to kung ano pang magawa ko sakanya. Tss. Mabuhusan ko pa sya ng kapeng oorderin ko. Sayang naman. Haha. Meanie Gab. “Just go straight to the point.” I crossed my arms and looked at this devil sitting across me.

“I want your marriage to be annulled.”

 

“Haha.”I let out a devilish laugh.

“What’s funny, ha?” Mukhang nainsulto ang bruha. Nakita ko kasing namula ang mukha nya at medyo tumaas ang kilay. I smiled back at her as I regained my composure.

“You!” Ayan na. Mukha na syang sasabog na bulkan. Gosh, nawala na nga talaga ang balat-kayo nyang mala-anghel na mukha. “Ang atat mo naman palang makuha sakin ang lalakeng yun, which is, technically, my husband.”

Married to my Enemy *COMPLETED*Donde viven las historias. Descúbrelo ahora