Chapter 3:

927 81 4
                                    

Marilyn's POV


"O ate bakit mo tinatanggal yung poster nung magiging manungang ko?" tanong ng kapatid ko na si Angel na kapapasok lang ng kwarto ko.

"Di ba 2000 rin ang naubos mo dyan?Di ka ba nanghihinayang? Sayang naman, kung gusto mo sakin na lang sya.." at dinampot naman ni Melie ang poster na pinunit punit ko na nagkalat sa sahig

"Tumigil nga kayong dalawa dyan! Itapon nyo na lang yan para naman matuwa ako sa inyo!" utos ko sa mga kapatid ko at saka inis akong tumayo.

"Ano ba kasing problema ate? Kanina ka pa namin napapansin ni bunso dyan. Nagulat nga kami nung pinatay mo yung TV nung comercial ni Luke kanina. Eh di ba dati lagi mong inaabangan mo yun?" anang Angel.

"Oo nga ate, tsakanagulat nga ako ng lukutin mo yung poster nya tapos sinubo mo sa bibig mo? Anyare?" dagdag pa ni Melie at saka ngumisi ito


Napabuntong hininga na lang ako sa pinagsasabi ng mga kapatid ko. Inayos ko naman ang sarili ko at saka binaba ko naman ang hawak kong gunting at humarap ako sa kanila.


"Angel, bunso wag nyo kong tatawanan ha. May nangyari kasi..." seryosong saad ko sa kanilang dalawa at inaabanagn naman nila ang susunod kong sasabihin. " Nagkita na kami ni Luk-"

"O ate nagiilusyon ka na naman. Alam naming libreng mangarap pero wag dalasan ha." singit ni Angel at hindi ako pinatapos sasabihin ko.

"Patapusin mo muna ako pwede? Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa inyo to. Mahabang storya.." at saka napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung paano ko ikikwento sa kanila yung nangyari samin nung Kurimaw na yun.

"Edi simulan mo ng magkwento habang maaga pa.." singit ni Melie habang nakatingin ito sa suot nyang relos.


Susme. Kapatid ko ba talaga tong mga to?


Napahawak naman ako sa sintido ko sa sinabi ng dalawa kong kapatid. Wala naman akong magagawa kundi ikwento para hindi nila isipin na nagiilusyon ako. Kinuwento ko kung paano ako pinaiyak ni Steven at kung paano ako ako hinalay este pinagtripan ni Kurimaw. Oo sya na si Kurimaw ngayon nagkaroon na sya ng nickname dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Nang ikwento ko naman sa kanila ang mga nangyari napansin ko na nagpipigil sila ng tawa. Oo natatwa sila dahil sa katangahan ng ate nila. Nung una hindi pa sila naniniwala at tinatawanan pa ako ngunit ng ipakita ko sa kanila yung calling card nya ay naniwala sila. Kita mo na, kailangan pala may pruweba para maniwala tong mga to.


"May maganda palang naiidudulot yang kamalasan mo ate eh. Ayaw mo yun mas mapalapit ka na sa kanya?" sabi ni Angel at nagsimula na itong isave sa phone nya yung number ni Luke este Kurimaw.

"Tsaka ate di ba pangarap mo yun? Tsaka wag ka ng pakipot follow your dreams!Lalaki na lumalapit sayo ayaw pa?" at talagang chinieer pa ako nitong si bunso.


Bakit ba ako nagkaroon ng makukulit ba kapatid? Hayss.. Pero kahit ganyan sila mahal na mahal ko sila. Si Angel at Melie na lang ang natitira kong pamilya at kahit na magkakaiba kami ng ama hindi yun naging hadlang. Sa halip ay mas naging kasundo ko sila at mas swerte ako dahil nagkaroon ako ng mga cute na kapatid na babae. Kasi noon hinangad ko ring magkaroon ng kapatid at ng malaman ko sa Mama ko ang tungkol sa pagtago ni Papa samin ay nagulat ako sa una. Pero nakalaunan tinanggap ko na rin ang katotohanan at isa pa kahit na wala na ang mga magulang namin masaya naman kami.

Perfect MessWhere stories live. Discover now