Chapter 5:

743 78 7
                                    

Luke's POV


"Sir nagriring po yung phone nyo? Baka gusto nyo na pong sagutin?" pabalang na sagot ng sekretarya ko sakin.

"Oh crap that Lyn may meeting pa ko you see hindi pa ko tapos." inis na pabulong ko sa kanya at saka napakamot naman ako sa aking ulo.

"Eh sir pang ilang beses ng ring ng ring yang phone nyo, di ho ba kayo naririndi?" bulong nya rin sakin.

"Paki abot ng phone ko Lyn.."inis na sabi ko sa kanya at hinablot ko sa kanya yung phone ko.


Inis naman akong tumayo sa kinauupuan ko at napatingin naman sakin yung mga panelist dahil sa ginawa ko. Sumenyas na lamang ako na sasagutin ko muna ang tawag at nag nod naman yung isa sakin bago ako lumabas sa meeting hall. Pagkasagot ko sa phone-


"HOY LALAKING WALANG DULOT SA LIPUNAN! KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO! MAY BALAK KA BANG SAGUTIN?!"


Nailayo ko naman yung phone ko dahil sa lakas ng boses nya. Tinignan ko pa ang phone ko sa sinong tumawag pero unregistered number. Kaya naman ibinalik ko sa tenga ko ang phone at saka kumamot sa aking batok. Boses pa lang kilalang kilala ko na.


"Oy! He-"

"What do you want-"

"Anong what do you want ka dyan? Bumaba ka rito! Nandito ako athindi ako pinapapasok nung guard! Bilis! Nangangalay na ang mga paa ko!"


Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ng babaeng to sakin. Hindi ko alam kung ano ang pakay nya kung bakit sya nandito. Pinatayan ko na lang sya ng tawag at saka muling pumasok sa meeting hall.

Bahala ka dyan sa buhay mo.



Marilyn's POV


"Oh shit binabaan ako!" inis na sambit ko at saka napakamot namana ko sa aking ulo.


Ibabato ko sana yung phone ko kaso naisip ko na hindi nga pala sakin ang cellphone na hawak ko, kay Angel pala. Agad ko namang hinawakan ng mabuti ito at baka magkamali ako na ibato to sa mukha ni manong guard. Kanina pa kasi sya nakabantay sakin paano ayaw nya akong papasukin dahil wala daw akong pass. Sinabi ko naman sa kanya na si Luke Garcia ang pupuntahan ko pero hindi sya naniwala at baka scammer daw ako. Bwiset diba? At mas lalong nakakabwiset ay yung pinatayan ako ng tawag ni kurimaw. Sabi na nga wala akong mapapala sa lugar na to at nakakainis bakit pa ako nakinig sa suggestion ng mga kapatid ko?

Simula ng pumasok yang si kurimaw sa buhay ko nagkanda letche letche na ang lahat. Tss.. Kung dati pinapangarap ko na makasama pwes ngayon hindi na. Hayss bakit bas i kurimaw ang topic dito? Move on na nga Mari!


Tinalikuran ko na lang ang building na to at saka sumampa sa bike para umalis. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kesa naman na tanggapin yung offer nya. At isa pa feeling ko pinagloloko lang ako ng isang yun eh. Baka matulad ng mangyari duns a pulang building kung saan nya ako dinala. You know baka gawin nya akong sex slave nya?

Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasang hindi manliit sa mga kasabayan kong kotse. Bakit ba kasi bisekleta lang ang gamit ko eh sana nanghiram ako sa kapitbahay ng motor at least kahit papaano nasasabayan ko sila. Pero napahinto naman ako sa pagmamaneho ko ng muntikan na akong bumangga sa isang kotse. Take note hindi ko kasalanan yun! Yung kotse ang bubunggo pa lang sakin. Kaya eto bumaba muna ako pandalian sa bisekleta ko para murahin yung driver.

Perfect MessWhere stories live. Discover now