Chapter 11:

596 18 0
                                    

Marilyn's POV


"Bwiset! Bwiset! Bwiset!" inis na sabi ko sa sarili ko.


Mukha na siguro akong baliw sa pinag gagawa ko sa sarili ko. Pagkatapos ay tumayo ako para lingunin si gummybear.Hayss ano ba yan! Naiistress ako!


"Alam mo ikaw na lalaki ka gwapo ka sana kaso err! Ayoko na sayo! I hate you!" sabi ko sa harap ng teady bear ko at saka binato ko sya ng unan dahil sa inis.


At saka napaupo naman ulit ako sa kamat at kinagat ko yung unan ko. Oo isipin nyong baliw na ko. Alam kong krung krung na ako dito pero nakakainis talaga eh. Lalo na nung mabasa ko yung txt nya.


From: KURIMAW

Bkit umlis k ng d ngpa2aalam?


From: KURIMAW

Mari, where r u? Da fuck answer your phone!


From: KURIMAW

Hey we need to talk. Common answer your phone!


From: KURIMAW

Wag kang inboxzone dyn! Magreplay ka nmn! -.-


O diba sunod-sunod? Tapos ngayon hahanapin nya ko? Pwes! Maghanapan kami! Di naman nya alam na nasa bahay na ako eh. At hindi nya alam na umuwi ak o ng bahay kaya bahala syang maghanap sakin. 


HashtagAngDemandingMongBoss


*ringgggg*


Nagulat naman ako ng magring ang phone ko. Si kurimaw na naman tong nangungulit sakin.Hindi ko na lang sya pinansin at niyakap ko na lang si gummybear at hinayaan na magring yung phone ko.Bahala sya sa buhay nya!

At isa pa mayaman naman sa load yung lalaking yun. Sige lang tawag pa more kurimaw! Mapapagod ko din!


Mukha na siguro akong tanga sa pinag gagawa ko at maya-maya pa ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman umalis ako ng kwarto ko para bumaba papunta kusina. Pagdating ko nadatnan ko si Angel na nakaupo sa sofa at tutok na tutok sa pinapanood nya at humihikbi pa. Ano na naman kaya ang pinapanood nito ni Angel?


"Angel?" tawag ko.

"A-Ate nandyan ka pala.." sagot nito na hindi man lang tumitingin sakin.

"Umiiyak ka dyan?" tanong ko.

"Kasi si Johnny nabaril ate kawawa naman si Nana.." sabi nito habang humihikbi pa.


Napailing na lang ako at saka dumiretso na ng tuluyan sa kusina. Binuksan ko naman yung ref at nakita ko sa loob yung strawberry cake at may note na 'Bawal kainin, nakamamatay. -MJ'

Bigla ko namang namiss si bunso dahil sa strawberry cake na ito. Tatawagan ko sana ito kaso naalala ko na nagovernight pala sya kila Ranna dahil sa project nila. Bigla ko tuloy namiss ang kakulitan ng isang yun. Ilang saglit pa ay bumalik na ako sa kwarto ko at pagsilip ko sa phone ko 101 missed calls ang nandun at galling lahat kay Kurimaw. Wow ang tiyaga nyang tumawag huh?

Bahala ka sa buhay mo.



Luke's POV


"Fuck!" at saka binato ko yung cellphone ko dahil sa inis.

"Woah! Chill pare muntikan na mukha ko dun ah!" sabi ni Lucas habang nakataas pa ang parehong kamay nito.


Bakit ba kasi hindi sinasagot nung babaeng yun ang tawag ko sa kanya. Nakakailang tawag na ako at cannot be reached ang phone nya. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina dun sa kalsada hindi na sya nagpakita sakin.


"Ano nangyari Luke at mukhang may nawawala sayo?" tanong sakin ni Lucas habnag inuusisa ang mukha ko.

"Wala."bored na sagot ko sa kanya.

"Wala? Sus Luke wag mokong lokohin!"

"Wala nga sabi.."

"Sabi mo eh, kamusta na pala yung bago mong chemist?" pag-iiba nya ng usapan.

"Hindi ko nga alam kung nasaan na yun eh. Wala pa syang napepresent na bagong perfume na gawa nya.."

"Paanong wala?"

"Umepal si Cedric par-"

"Cedric Sy? Aba tol big time pala chemist mo! O anong meron?"

"He's inlove with Mari."

"So? Ano naman kung inlove sya dun sa Mari?"

"Hindi pwede pare-"

"Aba tunog selos ah! Bakit type mo ba si Mari?"

"Tss...Ano type? Pakamatay na lang ako.."

"Hahahaha ewan ko sayo pare! Basta sinasabi ko lang na dapat mapaoo na natin si Ms. Ramirez.."


Tumayo ako para iwan si Lucas at para maiwasan ko na rin ang pangungulit nya sakin. Ewan ko ba ditto kay Lucas sa tuwing badtrip ako timing naman ang pagsulpot nya. Buti kung bibigyan ka ng friendly advice, pero hindi mas bibiwisitin ka lang nya.


*bzzt*


FROM: Cedric

Pre ano bang pboritong bulak2 ni Mari?


Isa pa tong Cedric Sy na to. Pakialamko ba sa paborito nung babaeng yun? Hindi na nga ako magkanda ugaga sa kahahanap sa kanya tapos dadagdag pa tong lalaking to. Pero sandali bakit ko ba yun hinahanap? Bahala sya kung nasaan sya ngayon! Aish!


*ringgg*


Nagulat naman ako ng magring yung phone ni Mari sa gilid ko, nakalimutan ko na namang ibalik sa kanya to.


Calling: WALANG FOREVER..


Napakunot naman ako ng mabasa ko yung nasa screen ng phone nya. Sino naman tong walang forever na to? Bahala na nga, baka kung sino.


"Hello?"

"Mari?"boses ng isang lalaki ang narinig ko.

"Wala si Mari." sagot ko dun sa lalaki sa kabilang linya.

"H-Huh?Nasan si Mari?Teka sino ka ba?Bakit nasa iyo yung phone nya?"

"Asawa nya bakit may problema ba pre?"

"Asawa nya?pan-"

"Mahabang storya kung paano, sige. " at saka binaba ko yung tawag.


Sino naman yung tumawag? 

Perfect MessWhere stories live. Discover now