Chapter 3

3.7K 118 22
                                    


CHAPTER 3.

"Ate naman. Anong mukha yang pinapakita mo saken ngayon?" Allison asked me.


"Naguiguilty ako" sagot ko naman. Kumunot naman yung noo nya sa sagot ko. "Anong naguiguilty pinagsasasabe mo jan?" humigop sya ng kape mula sa napaka-cute nyang tasa habang nakatingin saken.

"Hanggang ngayon, di pa rin ako marunong magluto. Di ko pa napaglulutuan si Axel ng normal na putahe" sumimangot pa lalo yung mukha ko. I texted Manang kanina na magluto bago pamagising si Axel. Nagiwan ako ng note sa isang drawer malapit sa kama namen na babaik din ako agad.


Oo. Tumakas ako saglit kase naman bakit ba di ako binigyan ng talent sa pagluluto? Tsk


"Jusko naman Ate. Magiisang taon na kayong kasal ngayon mo pa naisip na halungkatin yang Cooking Problems mo?" pinanlakihan nya ako ng mata.


"Eh sa ngayon ko ang narealize na inaabuso na pala namen si Manang eh" naka-poker face na sagot ko. Tinarayan nya lang ako.


Biglang nagvibrate yung phone ko. May nagtext, agad kong binasa kung sino


From: Sweetie <3

Where are you? I'll pick you up.

Hoy wag kayo! Sya naglagay ng Sweetie <3 na yan habang natutulog ako noong araw ng kasal namen. Oo, pakialamero na po sya ngayon. Ganun kalaki pinagbago nya.


"Ayan. Nagtext lang yung asawa, binalewala na yung problema sa pagluluto nya. Hay nako, nagagawa nga naman ng pagibig" rinig kong sabi ni Allison habang naglakad papaayo saken. Di ko alam kung hanggang kelan tong pagka beast mode nya sa pagibig tsk


Binalik ko nalang ulit yung atensyon ko sa cellphone ko at rereplyan na sana sya nang bigla naman syang tumawag.

"Walang silbi yung text mo kung tatawag ka rin naman agad agad"

[Where are you?]

"Andito ako kay Allison" I said.

[I know.] bigla akong may narinig na busina mula sa labas ng bahay. Agad naman akong tumayo at lumabas para silipin kung sya ba talaga yun.


Pagbukas ko ng pinto agad na bumungad saken ang isang itim na BMW na kotse at isang napaka gwapong nilalang na nakasandal sa kotseng yun'. Nakapants lang sya at isang plain blue T-shirt tas nakashades. Hawak ko pa rin yung phone ko na nakadikit sa tenga ko. Di nya pa rin binababa kahit nakita nya na ako.


"You can't just do that, Axel" seryosong sabi ko through phone habang papalapit sa kanya. I can see him smirk at me.

[Do what sweetie?]


"That. You can't just track down my location without telling me" nakarating na ako sa harap nya at sinamaan sya ng tingin. I ended up the call. Ano ako dito? Kriminal at palihim na sinusundan? Tsss

Assassination of the Mafia Heir: BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon