Chapter 4

3.5K 114 19
                                    

[ Inuna kong idedicate tong Chap 4 sa nag message sa wall ko. Hahaha sa susunod na po yung iba, di ko kayo kakalimutan :* Loves ]


CHAPTER 4.

"What?! Magiging Mafia Boss ka na?!" tinignan ko ng masama si Meghan. Nakalunok ba sya ng microphone? Kanina pa toh nasigaw eh. "Meghan, tao ka ba?" napadako ang tingin nya saken. Nagsparkle ang mata nya kase akala nya maganda ang magiging banat ko.

"Bakit Brey?"

"Hindi halata eh" nakapoker face na sabi ko. "Grabe Brey, kasal ka na pero ang sungit sungit mo pa rin. Axel ano bang ginagawa mo sa isang toh at pag ikaw ang kaharap ang bait?" napatingin ako kay Axel at inantay ang sagot niya. Pero binigyan nya lang ng isang tipid na ngiti si Meghan.

Andito ang lahat, Si Paul, Terrex, Caleb, Will, Louis, Sam, Michael at syempre si Meghan.

"So ibig sabihin ba nun di na kami ang guardians mo Papi Axel?" kagat labing tanong ni Terrex. Napaface palm ako sa isip ko. Ganto na ba sila ka abnormal? Kaya walang nagtatagal na girlfriend eh.

"Shut up Terrex" sinamaan sya ng tingin ni Axel. Agad na sumabat si Sam "So ano toh? Walang ng babantayan?"

I admire these guys. Kahit na di nila sabihin o ipakita alam kong nalulungkot sila kase hindi na sila ang babantay kay Axel. Hindi na sila magkakasamang lahat.

"No .." napatingin ako kay Axel. Huh?

"..."

"..."

"You'll be guarding Aubrey from now on" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Axel. "What?!" napasigaw na ako. Wala toh sa usapan.

Bat ako babantayan? Kaya ko naman ang sarili ko ah. Future Head ako ng Dark Dara tas babantayan ako?!

Sinamaan ko ng tingin si Axel at agad akong napatingin kay Paul at nagmakaawang pigilan si Axel sa gusto niya. Tinignan lang ako ni Paul at huminga ng malalim

Damn, makuha ka sa tingin Paul.

"I guess his right Brey. Magiging mafia boss na sya at ikaw ang asawa nya. You needed to be guarded all the time" bumagsak ang balikat ko.

"Assassin ako .." I defend. "That's not an excuse Aikawa" binigyan ko ng death glare si Axel. Sasabat pa siya? Edi wow

"Its Alvarez not Aikawa" he smiled. "Your still an Aikawa" psh ang hilg niyang mambara

"Sam mylabs. Nakakainggit sila tara date tayo" malanding sabi ni Michael kay Sam na nanahimik sa isang tabi.

"Gago!" he hissed at Michael. Napasimangot sya at umaktong nasasaktan sa mga sinabi ni Sam pero napako ang tingin niya kay Will.

"Tayo nalang Will" agad na tumayo papuntang kusina si Will at di pinansin si Michael. I tried my best para di matawa sa mukha ni Michael.

Nabaling naman ang tingin ni Michael sa kapatid ni Will na si Louis. Magsasalita na sana si Michael ng bigla nagtanong saken si Louis "May ice cream ba kayo Brey?" tumango nalang ako.

Si Caleb naman kanina pa hindi kumikibo. Problema ng isang toh? Bumulong ako kay Meghan "Anong problema ng isang yan?" tinuro ko ng pasekreto si Caleb sa isang tabi.

"Brey? Alam kong maganda ako pero I'm not manghuhula" wala. Wala akong matinong kausap dito bukod sa asawa ko. Pano nalang pag naging bantay ko na sila edi mamamatay ako sa kunsimisyon?

Assassination of the Mafia Heir: BOOK 2Where stories live. Discover now