About The Book

1.9K 120 1
                                    

VIII: ABOUT THE BOOK//

Secret PoV //

Akalain mo'yun, nagpassed-out ako for the first time in my life.

Congratulations to my stupid self!

Sumasakit ang noo ko. Pambihira kasing yan! Mukha ang isinalo sa bola, tsk! Eh di lalo nang nakumpirma ni Sungit Rust na tanga nga ako!

Aish! Napabangon bigla ako sa kinahihigaan kong sofa dahil napansin kong hindi pamilyar ang bahay na kinaroroonan ko.

Eh? Nasaan ko?

Kaninong bahay tong pinagdalahan sa'kin ng mga players ng baseball team?

Nasagot ang tanong ko nung makita ko ang isang picture frame na nakasabit sa kulay beige na wall.

UH? SI VALENTIN!

Nasa bahay ako ni Val.

Oh akala ko ba wala siya kasi may lakad?

Paano ako nakapasok dito? Tsk! At may isa pa akong iniisip... yung Demosthenes na narinig ko kanina sa isang lalaki. Ang sabi niya, pakisabi daw kay Len na salamat sa isang libro na kung di ako nagmamali ay isang sci-fi book tungkol sa mga Alien. At meron doong character na may pangalang Valentine na gumamit ng net-name na Demosthenes!!

VALENTINE?! Napahiga ako sa pagdagsa ng lito-fever sa utak ko.

POSIBLE KAYA??! POSIBLE KAYA... NA SI... VALENTIN SI DEMO??! HAAH! Pero imposible'yun! Grabeng coincidence naman'yun!!?

Masyadong sunny at lively ang character ni Val para maging kasing-dilim siya ni Demosthenes. Maliban na lang kung.... magaling siyang magpanggap.

Isa pa, taga-dito din siya sa San Juan. Pinupuntahan niya ang mga lugar na siyang pinpoint place ng writer na si Demosthenes.

Hmmmm.

Pero, sa ibang banda...hindi talaga pwede na maging si Val ang love ko.

Wala akong maramdaman sa kanya!! Masyado siyang.... malinis. Pure like the glowing crystal. When he laughed, he laughed heartily. Walang halong kaplastikan.

Tssk! Lalo nang sumakit ang ulo ko.

Tumayo ako sa sofa at naglakad-lakad sa malaking sala ng bahay. Nakatawag ng pansin ko ang mga libro na maayos na nakalagay sa isang estante. Lumapit ako dun.

Whoah! O.A.!!! Over sa ganda ang collection ng books na to.

Puro... sci-fi. I can see Star Wars Complete, Star-Trek at kung anu-ano pang star. May mga new editions pa ng Pendragon series.

Eeeh?! Favorite ko'yun! Complete din ang series ng Eragon at maraming marami pa. Tsk!

"UH.. GISING KA NA! OKAY KA LANG BA?" napalingon ako kay Valentin at tulad ng dati abot tenga ang ngiti niya.

Aizt! Malabo talaga. Super labo.

"BAKIT KASI SINUNOD MO ANG PAYO NI RUST NA SALUHIN ANG BOLA GAMIT ANG MUKHA? WHAHAHAHA!!"

Tsk! Tawa pa men. "EH MALAY KO BA DYAN SA BOLA NIYO... TRIP NA TRIP PUNTAHAN TONG MUKHA KO!!"

Humalgalpak ng tawa si Val. "BAKA CRUSH KA! HAHAHAHAHA! SLICK!"

Tsss. Makatawa naman to, akala mo wala ng bukas.

Sinabi ni Val na pumunta siya sa U.S. Embassy dahil nagaasikaso siya ng papel niya para makasunod na sa parents niya sa New York. "MAGA-AMERICAN BOY NA KO, HAHAHA!" tsss. Haha! Ang kulet niya.

Magtatanong sana ako kung sino ang nagdala sa kin dito sa kanila pero napansin ko ang hawak niyang apat na lumang libro.

"ANO YAN?" tanong ko.

"AH.... ETO BA? LIBRO, HINIRAM NI MICHAEL PARA SA SOCIAL PSYCHOLOGY NILA. ENDER'S GAME." Napako ako sa kinatatayuan ko sa pagkarinig.

Kung ganun..... si Val yung may-ari nung libro na may pangalan ni Demosthenes---

"HINDI SA KIN TO. HINIRAM KO LANG DIN. HAHA! DI KO NGA MAISOLI EH, GANDA KASI..."

Huh? "EH..... KANINO BA YAN?" tanong ko.

Tumingin sa'kin si Valentin at ngumisi... "KAY BOY SUNGIT!!" Eeeeeeeehhh?


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterWhere stories live. Discover now