XLI: BLUSH

1.5K 83 4
                                    


  // Valentin's PoV //

Hindi ko alam kung saan ko dadalhin si Sunny matapos ko siyang hila-hilahin. Tch! Ang epalogs ko eh. May pamanage-manage pang nalalaman, hindi naman alam ang pupuntahan!

Naku, Valentin.. utak! Uso na gumamit ng utak!

"HOY VALENTINO... SAAN BA TALAGA TAYO PUPUNTA?" narinig kong tanong ni Sunny.

"HINDI KO ALAM," sagot ko.

"ANOOO?!" reklamo niya. Lumingon ako at nakita kong hindi maipinta ang mukha niya. "PINAPAGOD MO LANG YATA AKO EH!!" inalis niya ang braso niya sa kamay ko at nagpahid ng pawis sa noo.

Tumawa ako. "EH ANO? HINDI LANG NAMAN IKAW ANG NAPAPAGOD... PAREHAS TAYO.." sabi ko tapos balewalang kinuha ko yung kamay niya at pinagsalikop sa kamay ko.

"ARAAY!" bigla sigaw ni Sunny. Eh? Inalis niya ulit yung kamay niya sa kamay ko. At sinamaan ako ng tingin.
"BALIW KA TALAGA!! KITA MONG MAY SUGAT TONG PALAD KO TAPOS HAHAWAKAN MO PA! HAAYS!" sigaw niya.

Oh shoot! Nakalimutan kong may sugat nga pala siya. Valentin, anong nangyayari sa 'yo?

Sheezh! 'To kasing kamay ko, gumagawa ng sariling desisyon! Tiningnan ko yung kamay ko at pasimpleng kinurot... BAD HAND!

Nauna nang lumakad si Sunny at dumiretso siya sa tindahan ng barbeque. Sumunod agad ako. Tinitigan ko lang siya habang bumibili.

"PABILI NGA PO NIYAN... AT NUN, DALAWA NITO.. AT YUN PO.. TSAKA... MMMM. ITO AT ITO PA..."

Hindi siya gutom. Hindi talaga. Tch! Ibang klase.

"AT YUN.... ATE, YUNG SAUCE GUSTO KO MAANGHANG... IKAW VAL.. ANONG GUSTO MO?" Lumingon siya sa 'kin.

"IKAW," balewalang sagot ko.

Huuuuuh?! Anong sinabi ko? Napahumindig ako bigla.

"AKO?" parang naniniguradong tanong niya. "AAH. AKO NANG BAHALA? AH OKAY... ATE, ISA NGA PO NITO AT NITO... BLAH BLAH BLAH...."

Phew! Buti na lang.... SLOW SIYA!

-----------  

  Sunny's PoV

Sa huli, bumagsak kami ni Valentin sa Park. Dun sa may estatwa ni Eros. Kinain namin yung binili kong pagkain na si Valentin ang nagbayad. Kung alam ko lang... hindi na sana ako ang bumili ng marami. Dyahe eh! Hindi ako makakain ng maayos dahil dun sa injury ko sa kamay.

"AKINA NA NGA! HINDI MO NAMAN KAYA, NAGPIPILIT KA..." inagaw ni Valentin yung pagkain ko. At...

"NGANGA!" utos niya. Huuuuuwaat?

"A-ANONG NGANGA?!" hindik na sabi ko.

Tumaas ang kilay ni Valentin at nahulog ang puso ko. Teka, wait... pupulutin ko muna.

"NGANGA.. SA ENGLISH OPEN YOUR MOUTH!!"

"OO ALAM KO ENGLISH DUN, EH BAKIT AKO NGANGANGA?"

Humugot ng hininga si Valentin at ibinaba ang stick ng barbeque. "ALAM MO PARA KANG YUNG DATA CONNECTION NI 'MISS A'. ANG SLOOOWW! MALAMANG, ISUSUBO KO SA'YO 'TO," inis na sabi niya.

Eh? Susubuan niya ako? Bakit parang... ang saya nun? "DISTANSYA" singit ni Lee Jay.

Ay letse... bukas na lang yung distansya.

At dahil masunurin akong bata... sinunod ko ang gusto niya. He feed me with his own hand. Sheeet!

Feeling ko tuloy may sumisingaw na hangin sa tenga ko.

"MAY SAKIT KA BA? BAKIT ANG PULA NG MUKHA MO? NILALAGNAT KA---" tinampal ko ang kamay ni Valentin na hahawak sana sa noo ko.

"WALA AKONG SAKIT!" sagot ko.

Si Valentin, ang lalaking di alam ang konsepto ng BLUSHING! San ba sya tumira, sa ibang planeta?

Maya-maya nagring yung phone ni Valentin. Daddy niya ata, napilitan siyang sumagot. "WHAT'S NOW THIS TIME, OLD MAN!? DON'T YOU KNOW THAT YOU JUST DISTURBED ME WITH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH..." hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil lumayo na siya. Tch! Abnormal.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. At napansin ko na tanggal na naman yung stainless steel na marker dun sa batong kinakabitan niya kaya lumapit ako dun at inayos ang marker.

Natanggal na naman yung turnilyo. Kumuha ulit ako ng bato at pinukpok yun pero biglang tumalsik yung turnilyo at di ko na mahanap.

Haays! Pambihira!

Inayos ko na lang yung pagkakapantay nung steel marker kaya lang tumatagilid ulit yun dahil walang turnilyo. Pinilit kong tanggalin yung marker pero mahigpit yung kapit sa kabilang side kaya hindi ko rin kinaya.

Inaangat ko yung steel nung mapansin ko na parang may butas yung batong kinakabitan nun.

Parang.... may space sa loob?

Lumuhod ako at sinilip ang ilalim. Oo nga, may space sa loob. Hindi lang makita dahil sa steel marker na nakakabit.

Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at inilawan ang loob.

May nakita akong parang.... box! Anong ginagawa nung box na yun.... bigla akong may naalala.

Yung Midnight Sonata Red Box sa novel na Cupid's!! Tumingin ako sa kalapit na estatwa ni Eros. Oh mhy!

Mukhang ito na yun! Lumingon ako kay Valentin na nakatalikod sa di kalayuan. Nakita kong ibababa na niya yung phone niya. Mabilis kong inayos yung steel marker at bumalik sa kinauupuan ko at sinalubong ng inosenteng tingin si Valentin.

Kumakabog yung dibdib ko. Natagpuan ko na rin sa wakas.... ang Midnight Sonata!

Mukhang mabuti ang usap ni Valentin at ng Dad niya. Good mood siya eh. Umupo ulit siya sa tabi ko at.... sinubuan ako.

Maya-maya, may umepal sa eksena. Sa katauhan ng hindi-na-ganun-kasungit-na-si-Rust.

"HI... PWEDENG MAKAABALA?" tanong niya sa min ni Valentin.
Sumimangot ang katabi ko.

"ACTUALLY, GINAGAWA MO NA..." sagot niya. Tssh! Tumawa lang si Rust.

"MAGPAPASAMA SANA AKO KAY SUNNY SA SM.. BIBILI NG BAGONG TESTING BAT..." chill lang na sabi ng lalaki.

"EH KUNG IKAW KAYA ANG BINA-BAT KO DYAN... BAKIT KAILANGANG SI SUNNY PA? AKO! I VOLUNTEER!!" hindi ko alam kung anong pinaglalaban ni Valentin samantalang wala namang masama sa sinabi ni Rust.

"OKAY. IKAW.." simpleng sabi ni Rust na agad tumalikod.

"PESTEEE.... MGA ISTORBO SA BUHAY NI VALENTINO...." nguyngoy ni Val. Hahaha!

"O NGANGA!"
Huuuuh?

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterWhere stories live. Discover now