Cold And Evil

1.9K 119 0
                                    

XI: COLD AND EVIL //

A Secret PoV //

Masamang-masama ang pagkakatingin sa'kin ni Rust at base sa expression niya na'yun, mukhang may ideya siya sa kung anong sinabi nung teammate niyang lalaki sa'kin. Sabay kaming tumayo nung lalaki sa upuan namin dahil sa takot kay Rust. Mahirap na eh, mukhang mang-uupak si Rust sa tindi ng tingin niya. Lumayo agad ako at naglakad sa field.

Iniisip ko yung sinabi nung lalaki. Namatay daw ang girlfriend ni Rust, last year. At Heather ang pangalan ng babae na dating manager/alalay ng team. Hindi ko alam pero may tumubong awa sa dibdib ko para kay Rust. At identical ang awa na to sa naramdaman ko noong una kong mabasa ang Cupid's Last Wish.

Nakakalungkot. Tulad noon sa tuwing mababasa ko ang malulungkot na mensahe ni Demosthenes sa mga novels niya. Ganitong-ganito'yun.

Posible kaya? Posible ba? Na si Demosthenes at si Rust ay iisa?! Nasa kanya na lahat ng bagay na meron ang writer na'yun. He knows the Statue of Broken Eros, the Crossing which was the Old St. Francis Church, he's a member of the Winston-Salem baseball team. At.... nawalan siya ng minamahal, just like Demosthenes.

His suffering was visible from all his works. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin. Pero... hindi pala ganun kadali ang lahat. It was hard. It was difficult.

If he was Demosthenes, my Demo... I don't know how to approach him. Since it looks like he build a wall around him, shut himself from the world and created the mask of Demosthenes.

Argggh! Mas nakaka-frustrate!! Buwisit!! Online, pwede ko siyang i-message... sa tunay na buhay hindi?! Mukhang kailangan kong mag-ipon ng matinding self-confidence at matinding kakapalan ng peslak bago ko siya i-approach, tama? Sana lang tama ang hinala ko, kung hindi... pahiya ako!

Kalalakad ko, hindi ko na napansin na napalapit ako sa nagsosolong si Valentin. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan ang lalaki. Dere-deretso lang siya sa pagpi-pitch at parang wala siya sa sarili niya.

Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero base sa lakas ng pwersa nang pagbato niya sa bola sa pader.... eh naiinis siya!

Valentin looks different from anybody. His look was unique like his name.

Mas guwapo si Rust sa kanya pero aaminin ko na mas maappeal itong si Valentin. His fair skin reflects on sunlight same as his shiny black-as-night hair. Hindi niya ako napapansin.

Hmmmmmmm. May naisip ako. Dahan-dahan akong pumuwesto sa likod ni Val. Tapos...

"BOOOO!" ginulat ko si Valentin at mukhang.... nagulat siya. Naibato niya kasi ang bola sa lupa imbes na sa pader. Dahil sa lakas at bilis, umigkas ang bola pabalik at tumama sa mukha ni Valentin.

HOLY SHEEEEET!!

"NAKU! SORRY SORRY! HINDI KO SINASADYA---"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil.... nakamamatay ang tingin na ibinato sa akin ni Valentin! Saglit na saglit lang 'yun.

When he saw me, bigla siyang ngumiti pero nakita ko na.... Nakita ko ang expression na'yun na kahit kaninong tao ay hindi ko pa nakita.

It was a deathglare similar to hell. Isang uri ng tingin na maeestatwa ka sa takot, maninigas ang tuhod mo at malulusaw ka sa lupa. I can't believed na ang tulad ng masayahing si Valentin ay may kakayahan na tumingin ng ganun.

An evil stare! Nakakakilabot!! SINO SIYA?!!

Kinuha ni Valentin ang bola at tumawa. "NATAKOT BA KITA? HAHAHA! SPECIAL TALENT KO YUN! MY OWN EVIL EYE! HAHAHA! DONT WORRY HARMLESS AKO... PWEDE MO NANG ITIKOM ANG BIBIG MO." Itinikom ko ang bibig ko, ni hindi ko man lang namalayan na nakanganga pala ako. Buti walang dumaang langaw.

"MMMMMM. SORRY, NAGULAT KITA." sabi ko.

Ngumiti lang si Val. "OKAY LANG. SORRY, NATAKOT YATA KITA."

"MEDYO." sagot ko at tumawa siya. Inaya niya akong maupo sa isang bench. Ikinuwento niya na naiinis siya sa parents niya dahil pinagmamadali daw siya sa pagpunta sa U.S. eh ayaw pa niya. "I DON'T KNOW, I JUST DON'T FEEL LIKE LIVING THERE YET.. I LIKE IT MORE HERE."

Nakinig lang ako sa mga himutok sa buhay ni Val. Hindi ko akalain na sa kabila ng sunny personality niya eh may mga problema din siya.

"TCH. I GUESSED LIFE ARE LIKE THAT... SOMETIMES, YOU CAN'T HAVE WHAT YOU WANT..." komento ko. Tumingin siya sa'kin.

"YOU THINK SO?"sabi niya. Tumango ako.

Maya-maya, nagring ang phone niya. Bago siya umalis para sagutin'yun ay binigyan niya muna ako ng bubblegum... saka siya nadisappear.

Napailing na lang ako sa pagkakatingin sa palayong lalaki.

Nang humapon na, gumayak na ako pauwi sa amin. Medyo sumama ang pakiramdam ko. Paalis na sana ako nang may biglang humiklas sa braso. Pagtingin ko... SI RUST!! He looked flushed.

"WE NEED TO TALK, LADY!!" sabi niya. Kinabahan man ako, Hindi na ako pumiglas.

"ANO BA'YUN? " tanong ko. Naniningkit ang matang lumapit si Rust sa'kin. Nagkarera tuloy ang tibok ng puso ko.

"FROM NOW ON, I DON'T WANT YOU ASKING OF THINGS YOU HAVE NO BUSINESS KNOWING, GET IT!!!?"

Huh? Nalaman niya agad? Tch. Grabe naman.

"WALA AKONG IDEYA SA SINASAB---" humigpit ang hawak ni Rust sa braso ko.

"DON'T ACT NAIVE. I KNOW GIRLS LIKE YOU!!!"

what? Ano bang klaseng girl ako? Tsismosa?

"EXCUSE MEEEH BUT I REALLY HAVE NO IDEA WHAT YOU'RE TALKING ABOUT!!" sabi ko.

Rust black eyes devours into mine like a cold knife slicing my flesh. So cruel. Binitawan niya ang braso ko. "I'M WARNING YOU." sabi lang niya bago nagmamadaling umalis.

Napaupo ako sa silya dahil sa nanlalatang tuhod ko. Bakit niya kailangang magsalita ng ganun? Wala namang masama sa tanong ko. Why did he have to be sooo sensitive?! Dark and weird.

If Demosthenes comes to life, surely it would be.... RUST! I'M SURE OF IT!

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt