Prologue

1.3K 41 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story.

Plagiarism is a crime.

Date Started: September 21, 2018

©️ellastic18

---------

I dedicate this chapter to Vashleng and just wanted to say thanks for this awesome book cover of mine, I really appreciate your effort and for those authors out there who wants some book covers, feel free to chat her, she would be glad to make some for you guys.

---------

Bago mo basahin ang story na 'to, gusto ko lang sabihin na Unwanted Wife ang title ng book na 'to before, pero pinalitan ko na. Napost ko na rin ito before sa fb kaya siguro 'yung iba sa inyo is familiar na rito. Nabura iyong Tied to Her Half dito sa watty. Almost 500k reads na rin iyon. Sinubukan kong irecover pero wala na huhu.

Hanggang chapter 5 lang ang pwede kong ipublish dito dahil nasa dreame na 'yong completed version. Sana suportahan niyo po ako roon. Thank you so much! 🫶

Anyways you can read Unwanted Wife/Tied to her Half on dreame.

Link: https://m.dreame.com/novel/NJzjnHCp2p/crSYR2SUrSA==.html

--------

Prologue

"Hey, sorry nalate ako."

Dahan dahan kong isinara ang pintuan saka mabilis na lumapit sa lalaking nakatingin sa akin ngayon. Naabutan ko itong asawa ko na prenteng nakaupo roon sa mahabang sofa. Malamang sa malamang ay hinihintay ako.

Inilapag ko ang bag na dala sa lamesa. Nakakainis naman kasi! Ang traffic sobra, idagdag mo pa iyong malakas na ulan kaya nabasa pa ako.

"Do you know what time is it?" tanong nito saka ipinakita sa akin ang oras doon sa kanyang cellphone.

I sighed. "Alam ko po, pasensya na talaga," sabi ko saka kumuha ng tissue sa bag ko at iyon ang ipinunas ko sa basa kong balat.

Nanood naman ako ng balita kahapon! Ang sabi'y maaraw daw ngayon kaya hindi na ako nagdala pa ng payong kanina papasok. Hindi naman ako naupdate na magbabago ang ihip ng hangin ngayong araw, at kapag minamalas ka nga naman, isa ako sa naulanan at nasampulan ng masamang panahon.

May event pa naman ngayong araw, ano nalang ang sasabihin sa akin ng pamilya ng asawa ko?

Nang matapos sa pagpupunas ay binalingan ko siya. "Why are you still here?" tanong ko saka kinuha iyong gown na isusuot ko. "I mean pu'pwede ka naman ng mauna roon, susunod naman ako kung sakali," dagdag ko bago tuluyang pumasok sa banyo.

"Sabay daw tayong pupunta roon sabi nina Mommy, you're my date for tonight's party, what kind of question is that Lauri?" masungit nitong tanong mula sa labas. Dinig na dinig ko siya mula rito sa banyo dahil hindi naman siya ganoon kalayo sa akin.

Tinapos ko na ang pagsusuot ng gown saka lumabas ng banyo. Hindi ko na lamang pinansin ang tingin ng asawa ko dahil may kailangan pa akong gawin. Naupo na kaagad ako sa harap ng salamin at sinimulan ng lagyan ng make up ang aking mukha.

"Why didn't you hire a make up artist? Or even an hairstylist?" tanong niya na naman.

"Gastos lang, I can do my make up naman," sagot ko habang abala sa ginagawa. Hindi naman na siya sumagot pa kaya naman nagfocus nalang ako sa ginagawa.

Tied To Her Half (Fixed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon