Chapter 2

658 22 1
                                    

Chapter 2

"Hindi ka pa natutulog?"

Nabalik ako sa realidad matapos marinig ang tinig ni Tusher. Yes, I ended up sleeping here in their house. Ayoko naman sana pero mapilit siya. Talagang kinulit niya ako hanggang sa pumayag ako.

Wala naman na akong nagawa dahil mismong mga magulang ko ay pumayag na rin doon. Hindi ko alam kung anong balak ni ate pero kung ano man 'yon, hindi talaga maganda ang kutob ko.

Alam kong gusto niyang umalis, pero iba ang pakiramdam ko e. Pakiramdam ko ay mangyayari pa bukod doon na hindi nila sinasabi sa akin.

"Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo," ani Tusher saka naupo sa tabi ko. Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Dito naman ako palaging natutulog e.

Kapag nandito ako ay doon siya sa sofa bed niya natutulog at hinahayaan niya ako roon sa kama. Kung paguusapan ang dalas dito sa bahay nila, mas madalas yata akong narito kumpara kay ate. Saka kung titignang maigi, bibihira rin siyang matulog dito, hindi gaya ko na halos kada linggo ay dito natutulog, na kulang nalang ay isipin kong bahay ko na rin ito.

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala 'yon, huwag mo ng isipin."

"Wala ba talaga?" tanong niya, he cupped my face. Iniharap niya ako sa kanya. Nagtitigan kami sa mata nang mga oras na 'yon. "Hmm, may problema ka talaga e, sabihin mo na, halata dyan sa mga mata mo," sabi niya pa bago pakawalan ang mukha ko.

"Wala nga," tanggi ko na naman.

Kung pwede lang ay sinabi ko na sa kanya e. Pero hindi kasi 'yon ganoon kadali. Mahirap dahil masasaktan ko siya, baka rin masira ang pagkakaibigan namin. Hindi ko yata iyon kakayanin.

Bumuntong-hininga siya. "Sige, ako nalang ang magsasabi ng problema."

Mabilis ko siyang nilingon dahul doon. May problema siya? Tungkol saan? Possible bang tungkol ito kay ate? Nahahalata na ba niya? Gosh.

"Anong problema?" mahina kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Tinignan niya rin ako. Hindi ko alam pero samu't-saring emosyon na ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

"May nasabi ba sa 'yo si Alex?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba matapos niya iyong itanong sa akin. So confirmed? Tungkol nga ito sa kanila?

Napalunok ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit? May nangyari ba? May problema kayo?"

"Wala naman, pero madalas niya kasing kasama iyong si Zean, close ba talaga sila?" tanong na naman niya.

"Baka naman close lang talaga sila, alam mo naman si ate e, friendly, hindi gaya ko na tatahi-tahimik sa isang tabi."

Totoo naman e. Si Ate Alex iyong tipo ng babae na friendly, masayang kasama, hindi gaya ko na tahimik at parang walang pakialam sa mundo. Kung wala sina Tusher ay baka wala rin akong kaibigan. Kung wala sila, hindi ko rin alam kung papaano ako.

Hindi kasi talaga ako sanay na nakikihalubilo sa maraming tao. Mas gusto ko iyong mag-isa lang o kaya naman, doon lang ako sa mga taong gusto kong kasama, sa mga taong komportable ako.

Tumango-tango siya. "Sabagay, tama ka naman, baka nagooverthink lang ako."

Doon natapos ang usapan namin ni Tusher nang gabing 'yon. Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa school. Si Creed ay hindi na namin nakasabay pa dahil sumabay daw doon sa kaibigan niya.

Saktong pagbaba namin ng sasakyan namin ni Tusher ay naabutan namin si Ate na kasama iyong si Zean. Abala silang nag-uusap doon sa isang tabi, sa harap nila ay iyong mga libro at notebooks nila. Nakabukas ang mga 'yon kaya batid kong nagrereview sila.

Tied To Her Half (Fixed Series #1)Where stories live. Discover now