Chapter 4

444 23 0
                                    

Chapter 4

"Ano kayang mayroon 'no?"

Hindi mapakali si Ate Alex sa tabi ko. Pang-ilang tanong na niya 'yan sa akin, simula sa bahay hanggang dito sa sasakyan ay hindi pa rin siya tumitigil.

"I don't know either, malalaman din naman natin iyan mamaya Ate," sagot ko saka inalis ang paningin sa kanya. Ibinaling ko na lamang iyon sa may bintana.

Mukhang naramdaman ni ate na ayaw ko ng makipagusap pa kaya naman nanahimik na rin siya at hindi na muli pang nag-ingay.

Ngayong gabi ay may dadaluhan kaming event. Paparty ito nina Tita Grace at Tito Alfred. Nang tanungin ko naman kanina sina Tusher at Creed ay hindi rin daw nila alam kung bakit at para saan ang idaraos na kasiyahan mamaya. Miski sila ay walang ideya sa plano ng kanilang mga magulang.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Tita Grace noong nakaraan. Pilit kong itinatak sa isip ko na balewalain 'yon, na baka nga nagbibiro lang siya, pero wala e. Pakiramdam ko ay seryoso siya at desidido sa gusto niyang mangyari.

Hindi naman na kami nakapagusap pa ni Tita matapos 'yon dahil naging abala ako sa pag-aaral. Isang dahilan kaya madalang nalang din akong bumisita sa kanila. Isa pa, mas okay din na masanay sila ni Tito Alfred na si ate ang palaging nakikita kaysa sa akin. Baka makatulong iyon para magustuhan at matanggap niya ang kakambal ko.

"Lauri, let's go."

Nabalik ako sa realidad matapos marinig ang boses ni Mommy. Nang igala ko ang paningin ay narito na pala kami sa pagdarausan ng event.

Napabuntong-hininga ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Siguro nga'y masyadong napalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko halos namalayan na huminto kami at nakarating na rito.

Nauna sina Daddy at Mommy na maglakad sa red carpet. Labas palang ay masasabi ko ng engrande ang gaganaping event. Sa likuran nina Mommy ay kami ni Ate. Tahimik lang ako habang papasok kami sa loob, inabala ko ang sarili sa pagtingin sa paligid.

"Buti naman at nakarating kayo." si tita Grace na ngayon ay nasa harapan na nina Mommy.

"Hindi naman namin matatanggihan ang event na ito Gracia," tugon ni Mommy na may ngiti sa kanyang labi. Ngiti lang ang isinagot ni Tita saka niyakap ng mahigpit ang aking ina.

Matapos 'yon ay binalingan naman niya si Daddy, pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Ate saka bumaling sa akin. Sa akin napako ang paningin niya. Hindi ko tuloy malaman kung anong irereact ko, kung anong dapat kong gawin.

"You look good as always Lauri, bagay na bagay para sa isang De La Vega."

Nanlaki ang mata ko sa gulat matapos iyong marinig sa kanya. Tinignan ko kaagad ang aking pamilya na mukhang hindi apektado sa narinig.

Hindi ko maintindihan! Narinig nila iyon panigurado pero bakit parang wala lang?

Alanganin akong ngumiti saka lumapit kay Tita. "Tita, baka po nagkakamali kayo, si Ate po ang nababagay para sa isang De La Vega," mahina kong sinabi.

Natawa si Tita saka inilapit ang labi sa pandinig ko. "Hindi ako nagkakamali hija."

Nagsimula ang party pero ako, nanatili lamang sa lamesa na kinaroroonan namin. Inaliw ko na lamang ang sarili sa pagtingin sa mga tao sa paligid. Wala akong makausap dahil sina Daddy at Mommy ay may kausap na mga tao, batid kong tungkol na naman iyon sa business.

Tied To Her Half (Fixed Series #1)Where stories live. Discover now