Chapter 18 -She's My Ex Bestfriend-

826 18 7
                                    

CHAPTER 18

picture ni Fiona sa gilid :)))

_______________________________________________________________________

"wala ka ba talagang mga kaibigan dito? Kahit isa?"

"bakit ba ayaw mong maniwala. kanina ko pa sinasabi sayo, nah wala talaga" tapos bumuntong hininga sya at nakatingin sa mga ulap.

tinitignan ko na lang sya. nakaupo kami ngayon sa grassfield kung saan parang plaza ito ng campus. dito nya ako dinala matapos nyang ibigay sa akin ang kwintas ko.

ang sarap palang tumambay dito. ang fresh ng hangin. Kaya pala yung ibang studyante, dito umuupo at nagbabasa o di kaya gumagawa ng homework, tulad na lang ng isang yon.

"may mga kaibigan ako. pero nasa ibang paaralan sila.." salita nya

meron naman pala. Akala ko wala talaga. Uh?

"meron naman pala.. bakit ka nga ba kasi nag transfer dito? naiwan mo tuloy mga kaibigan mo"

*the bell rang*

"oh! 1 o'clock na pala. tara na sa room.." tumayo na ako kasi nagring na ang bell

"Sandale. Umupo ka muna" hinila nya ako sa wrist at pinaupo. aray naman ><

"bakit?!" pagtataka ko

"diba sabi mo sakin kanina, tawagin na lang kita sa pangalan mo Wifey?" mangiting saad nya. klinear out nya pa yung word na wifey.

"mang aasar ka na naman ba? ><"  

nag usap na kami kanina na tawagin nya ako sa pangalan ko. psh, nangwa'wifey na naman.

"hindi ako nang aasar :) .tatawagin na kita sa pangalan mo kapag..." tapos tumayo na sya

"kapag ano?" tatayo na rin sana ako "oops. teka lang..." pag pigil nya gamit pa kamay nyang naka 5 signs. Ano bang problema nya? ~.<

"kapag ano?" tanong ko ulit.

"kapag ikaw ang maunang dumating sa room! Paunahan tayo! Ready Go!" tapos tumakbo na sya.

Napatayo ako bigla na sinundan sya ng tingin. Tumatakbo sya. what?! paunahan makarating sa room? Ang daya nun ah..! ready go, tapos tumakbo na sya. hinahamon ba ako? Tss. Humanda ka!

He's Not YouWhere stories live. Discover now