36. The Battle

608 14 5
                                    

| CHAPTER 36 |

*Miaka's P0V

"Ikuha mo ako ng ballpen."

"Ah. Wait lang" sagot ko, nagmadali na akong kumuha ng ballpen sa bag ko atsaka bumalik sa kanya na nakaupo sa loveseat habang may ginagawa na di ko alam kung ano

"Eto na" inabot ko sa kanya ang ballpen pero tinignan nya lang 'to sa kamay ko 

"Ordinary pen?" tanong nya

Tumango ako. Siguro ayaw nya nitong ballpen -__-"Eto lang meron ako eh" *kamot sa ulo

"Ayoko nyan. Signpen ang ibigay mo saken. Kung wala, bumili ka"

Bibili ako? 0_0

Hays. "Sige" walang ganang sagot ko. Pasalamat ka, mahal kita. Grabe sya mang-utos -.-

Si Shon Kawasaki yan. 0o tama. Sya nga. Nasa condo nya ako ngayon. Baket?

Dahil sa nangyari kagabi. Nung tumawid ako ng kalsada, muntik na akong masagasaan ng dumaang bus. Gulat ko na lang nang biglang may humatak sa'kin,. Nakita ko na lang si Shon na nakayakap sa'kin at halos mapahiga na kami sa gilid ng kalsada.

Nagulat pa ako ng makita ko sya. Bumilis ang tibok ng puso ko 'non.

At kapag naalala ko ngayon yung ginawa nya. Kinikilig ako sobra ^__^

Biruin mong niligtas nya ako? Pero. . .dahil sa nangyari, na injured ang kaliwang kamay nya at inaamin kong kasalanan ko 'yon. Kung nag-ingat lang sana ako sa pagtawid hindi sana nangyari 'yon -__-

Ako naman, nagalusan lang yung siko ko pero wala ito compared sa nangyari kay Shon. Huhu

Dinala ko naman sya sa clinic agad, ako na rin ang nagdrive sa kotse nya. Ayaw nga nya eh pero dahil inaalala ko sya pinilit ko talagang ako na ang magdrive.

Paglabas namin ng clinic.

*FLASHBACK

Naka bandage na ang left hand nya. Hindi nya ako pinapansin. Nagi-guilty tuloy ako -__-

"Masakit pa ba kamay mo?" tanong ko habang nakabuntot sa kanya papuntang parking area.

Ang bilis nyang maglakad. Bakit ba kanina pa sya ganyan. Nung papunta rin kami dito. Ang lamig nyang kausap. Hays, inaamin ko naman na kasalanan ko ah. Kanina pa ako sorry ng sorry bakit ba sya ganyan?

*Sighs

Palagi naman eh. Gumaganda lang ang mood nya kapag nandyan si Yoori. Ano na kayang nangyari? Succesful kaya yung pagtatapat ni Shon sa kanya kanina?

Ang sakit isipin.

"Hoy! Hindi ka ba sasakay?"

He's Not YouWhere stories live. Discover now