31. Changes

547 12 2
                                    

*Yoori's P0V

Matapos kong uminom ng tubig sa kusina, lumabas na ako para bumalik sa kwarto ni Any.

"Hindi kayo magkasundo ng tatay mo? Bakit naman?."

Narinig ko mula sa corridor ang boses ni Any. Kausap nya si Qian

"Ewan ko ba, hindi ko rin masabi pero kahit kailan hindi talaga sya naging mabuti sakin.."

Hindi ko alam pero interesado akong makinig sa pinag-uusapan nila. Nang dahil sa mga narinig ko, naisip ko na, hindi ko pa kilala ng lubos si Qian. Pero ang dami kong nalaman tungkol sa kanya ngayong araw na 'to. May tinuturing pala syang pamilya kahit hindi naman nya ka ano-ano si Any at Lola. Hindi halata pero paborito nya pala ang kalabasa. At ngayong araw ko rin napansin na mabait pala sya, sa nakikita kong ugali nya sa araw na 'to tila nakalimutan ko na yung nakakainis nyang ugali dati. Nakwento din ni lola sakin kanina na nung dito pa raw sa kanila si Qian madalas sya ang nagluluto dito isa daw yon sa mga gusto nyang gawain.

"Ays. Alam mo pakiramdam ko nga, sobrang nakakatakot ang papa mo. Kung makatingin parang ganito oh, waurrr!!! *tigre sign* Parang, mangangain na ng tao"

"Ehe.. Sinabi mo pa!"

"E yung mama mo pala? Maldita pa rin ba? Siguro may wrinkles na yon ngayon."

"Ah, si Mrs Hee. 0k na--"

"Teka, bakit Mrs. Hee? Diba mama mo yon"

"Mama? Huh" natawa sya saglit "Hindi ko ramdam yan ah."

"Bakit naman Ekong?"

"Alam mo madalas iniisip ko, na sana hindi na lang ako nakabalik samin." biglang may lungkot sa mga boses ni Qian "Sana habang buhay na ako dito sa inyo. Masaya naman ako nung mga times na Ekong pa ang pangalan ko at hindi Qian.."

"Ekong..." sa pananalita ni Any halatang ramdam nya ang lungkot ni Qian ngayon. Tinapik nya 'to sa balikat, nakaupo sila nyan.

Muling nagsalita si Qian "Hindi naging madali sakin ang pagbalik ko sa seoul. Kasi lahat ng tao sa paligid ko, hindi ko kilala maging ang mga magulang ko hindi ko rin kilala. Lagi kasi silang wala sa tabi ko, busy sa kumpanya. Buti nakatagpo ako ng mga kaibigan, sila na lang yung lakas ko para manatili pa sa seoul nung oras na yon. Masaya kami kahit laging riot hehe"

"Hindi ko alam kung anong riot, pero siguro hindi naman masama yan, hmm nga pala... Kanina, nakita ko kayo ni Yoori, umiiyak sya. Napansin ko kakaiba yung tingin mo sa kanya kanina parang gusto mo na rin ngang ma luha eh. Sabihin mo nga Ekong... Gusto mo ba sya?"

"A-Huh?!" baling nya bigla kay Any. Ano bang pinagsasabi ng probinsyanang 'to. Nagulat ako don ah.

"Hindi ah." sagot ni Qian.

Hinde. Bakit naman kasi nya ako magugustuhan diba?

Si Any talaga. Hindi nya ba alam na may iba nang gusto si Qian. Girl sa seoul.

"Hinde? Hmmm. Sigurado ka Ekong?"

"Teka nga. Kelan ka pa ba natutong mag interest sa mga ganyan ganyan hah,. Sabihin mo nga. May boyfriend ka na noh? Noh?"

0.0 "Hah?! Boyfriend ka dyan. Wala pa noh! Magagalit si lola"

"Pthaha! Hanggang ngayon ba naman.."

***

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng nagpunta kami sa baryo. Isang linggo na ring nagbago ang bawat umaga ko.

Tapos na akong maligo, nagbihis at nag almusal. Hinihintay ko na lang ang pagtunog na doorbell. Dahil sa oras na tumunog yon, ibig lang sabihin ay nandyan na si Qian para ayain akong sumabay na sa kanya papuntang school. Lagi na kaming sabay pumasok. Sabay sa lunch. Sabay pauwi, pero kapag kasi may rehersal pa sila ni Fiona sa dance nila para sa p.e, una na akong uuwi o di naman sumabay kay Shon. Lagi rin kasi akong kinukulit ng kumag na yon na ihahatid nya ako o di naman maga-ice cream kami, pero madalas sinasama ko si Miaka tapos iniiwan ko silang dalawa haha. Umaasa kasi ako na may patutunguhan ang laging pag-iwan ko sa kanilang dalawa. Gusto ko na rin kasing magka love life naman yung bestfriend ko, hindi yung lagi na lang syang nasa tabi ko para mang asar lang. >///<

*School*

Kalalabas ko lang ng officer room nang makasalubong ko si Qian sa hallway. Siguro tapos na yung rehersal nya.

"Kumusta ang practice nyo?" pinapawisan sya pero ang gwapo nya pa rin. Hindi ko maintindihan, pero madalas akong naaattract sa kanya. Siguro dahil, inadmit ko na sa sarili ko na ang gwapo nya lalo na pag bumabait at ngumiti. Katulad ngayon, ngumiti sya nang makita ako.

"Ah. Yoori... 0k naman, last practice na namin kanina." :] sambit nya

"Goodluck tomorrow" nag thumbs up pa ako nyan at ngumiti

"Well, it does'nt matter kung ano ang grades na makukuha ko. I'm just doing this for Fiona. Kung di dahil sa kanya, katulad mo mag te-take na lang ako ng special exam kaysa sumayaw."

"Sszz yabang. If i know gustong gusto mo rin ng dance perfomance kasi ka partner mo sya" pang aasar ko "UH. Aray! ><" napahawak ako sa noo ko "Bat ka namimitik?!"

"Not bad. hmm.." nginitian pa ako ng mapang asar

"Ge. Maliligo pa 'ko" say nya ulit tapos nilagpasan na ako

--->

A/N: Maiksing update noh. Hoho ^__^V

He's Not YouWhere stories live. Discover now