deception

7.2K 122 23
                                    

Kabanata 1

GREG

Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwedeng ako ang may diperensiya. Nanginginig ang aking mga kamay halos malukot at mapunit ang puting papel na aking hawak hawak. Ipinikit ko ng ilang beses ang aking mga mata para masigurado kong hindi nga ako nagkakamali ng basa. Sana, sana lang talaga.. pero hindi---- nanghihinang dahan dahan akong napaupo sa upuan na nasa aking likuran lamang.



Kaya pala.. kaya pala hindi kami magkaanak ni Kristine.. sa loob ng lamang taon na pagiging mag asawa namin hindi kami biniyayaan ng kahit isang supling iyon ay dahil ako ang may kasalanan.. ako may problema..

I am sterile..

sterile..

baog ako..

"K-Kuya ayos ka lang ba? "

" Kuya?"

Nilingon ko ang nagmamay ari ng kamay na yumuyugyog na pala kanina pa sa aking kanang balikat.  Its Diane my youngest sister, kunut na kunot ang noo nito at kakikitaan mo ito ng matinding pag aalala.. para kasi akong tuod na nakatingin sa kanya pero tagus tagusan naman iyon..  hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na siya ang naging doktor ko..  na hinayaan kong magpa test para malaman ko kung sino sa amin ni Kristine ang may problema.. ngayon alam ko na.. alam ko ng AKO. Tang ina!! nakakabawas ng pagkakalaki ehh!! pinangarap kong magkaroon ng tatlo o apat na anak.. gusto ko marami.. yung maingay at magulo ang bahay.. uuwi ako galing sa trabaho at pipila sila papunta sa akin para humalik sa aking pisngi.. pagkatapos sabay sabay kaming kakain ng hapunan.. yung pakiramdam na makita mo lang ang mga anak mo sa gabi mawawala na yung lahat ng pagod mo.. Yung maririnig mo ang mga hagikhikan nila, tawanan.. asaran pati na rin ang mga pag iyak nila---------------------- " T-totoo b-ba ito Diane? b-baka naman nagkamali ka lang.. b-baka n-napalita----------- b-bakit s-sa akin p-pa Diane?! "



" It's true kuya Greg.. tatlong beses kong inulit ulit para makasigurado talaga ako. I-Im sorr---------

" No!! hindi ko matatanggap 'to!! Uulitin natin, nagkamali ka lang!! damn!! damn!! Diane.. lalaki ako.. a-ako ang lalaki!! p-paano ko sasabihin kay ate Kristine mo ito?! Papaano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mabibigyan ng anak dahil baog ako!? " nilukot ko ang papel na aking hawak hawak at ibinato ko iyon kung saan na lang. " I-I want to be a father.. k-kahit isa l-lang.. k-kahit isa l-lang Dia---------- nanghihinang napasabunot ako sa aking buhok.. paulit ulit kong ginulo gulo yun habang nakatingala sa kisame.. nag iinit ang sulok ng aking mga mata.. nanginginig ang aking labi at buong katawan.. hanggang sa naramdaman ko na lang na malaya ng kumakawala sa aking mga mata ang mga butil butil na luha doon..

Gusto ko ng anak..

naging mabuting  asawa naman ako..

pero bakit kailangan sa akin mangyari i-ito?

Si Kristine, ang aking asawa.. hindi ako makahinga, ang sikip sikip ng aking dibdib.. naghahalo na ang luha at sipon ko pero wala akong pakialam.. Ano pa ang silbi ko bilang lalaki kung hindi ko naman mabibigyan ng anak ang aking pinakamamahal? Anong silbi ko? anong silbiii koooo!! king ina!! ako ang lalaki ako pa ang may problema!!





" K-Kuya k-kailangan mong h-huminahon. Kung magsasabi kang ng totoo kay ate Kristine a-alam kong maiintindihan ka niya... mahal na mahal ka kaya nun kaya alam kong mauunawaaan niya ang sitwasyon.. a-at saka i-isa pa m-may p-paraan pa naman para magkaanak kayo ehh.. y-you can always a-adopt----------------



Pakiramdam ko sinasaksak ako ng paulit ulit dahil sa mga binibitawan na mga salita ng aking bunsong kapatid.. adoption? f*ck that's not an option kung gugustuhin ko mang magkaanak gusto ko sa akin galing.. sa amin ni Kristine..  dugo at laman naming dalawa!! hell!! ngayon pa nga lang nahihirapan na ako paano pa kaya kapag nalaman na ng aking asawa ang aking kalagayan!! damn!! kahit mahal na mahal niya ako natatakot akong maiwan.. natatakot akong ipagpalit niya ako sa iba dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pangarap.. ang magkaanak kami..



the Other Woman ( Coming Soon )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon